Prologue

42 5 2
                                    

Ito ay isang gawa ng kathang-isip. Ang mga pangalan, tauhan, negosyo, lugar, kaganapan, lokal, at mga insidente ay alinman sa mga produkto ng imahinasyon ng may akda o ginamit sa isang kathang-isip na pamamaraan. Ang anumang pagkakahawig sa aktwal na mga tao, buhay o patay, o tunay na mga kaganapan ay pulos nagkataon.



Please be advised that some chapters contains matured content, read at your own risk.


This story is unedited, it might have typographical and grammatical error.


***


"Lilaaaaaa! Omg! May naghahanap sayo!"


Napakunot ang noo ko nang biglang buksan ni Micah ang pinto ng kwarto ko habang nagse selfie ako, inirapan ko siya dahil napaka ingay ng bunganga niya kauma umaga. Tinaas ko ang kilay ko na parang nagtatanong kung sino ang naghahanap sa akin.


"Yael Viñego, 23, hmmm wala siyang work gurl, but I think he's rich naman, yung app na ginawa mo is for iphone lang diba?" She asked while still gathering infos about the guy.


"Pass, baka nanakaw niya lang yang iphone na gamit niya, wala siyang trabaho diba? Sa edad na yan dapat may trabaho siya" I shrugged, nagse selfie pa rin ako.


"Gurl wag kang judgmental! Anak siya ng businessman oh!" Sabi ni Micah habang nag i scroll sa profile nung lalake "Omg pogi din siya"


Di ko na siya pinansin at tumayo na ako upang maligo. I don't want to have a date with that guy no? Maliban sa tinatamad ako, ano namang pino problema non sa buhay? Masyado na maraming pera niya? Pero baka may problema naman talaga siya, hmmm sorry di ko pa need ng pera.


After I took a bath I just wore a pink shirt, a pair of dark blue jeans and a white sneakers. Balak ko muna kasing mag grocery ngayong sabado dahil kaunti lang ang bumibili bago ako umuwi ng bahay, nasa condo kasi ako kapag weekdays dahil sa trabaho at kapag weekend naman kasama ko ang pamilya ko. Halos dalawang oras din akong nag drive mula sa condo hanggang bahay, isang oras lang dapat pero grabe yung traffic.


"Syruz! Suzie! Suzette!" Sigaw ko ng makita kong naglalaro ang mga kapatid ko sa labas ng bahay, halatang ina antay ako


"Ate Lila!"


Salubong ng mga kapatid ko sa akin, limang araw lang naman kaming di nagkita miss na miss na ako kaagad. Hmmm baka yung pasalubong ko ang miss, tumakbo sila papalapit sa akin at niyakap ako, I kissed the top of their head bago ako pumasok sa bahay para hanapin si mama.


"Amoy na amoy ko na agad yung napakasarap na sinigang" Pagpapa epal ko kay mama, mukhang nagulat pa siya na andito ako. Tumakbo siya kaagad at niyakap ako, hinalikan niya din ako sa pisngi.


"Ang aga aga mo naman anak! Di pa luto 'tong sinigang, di pa nga ako nakakapag saing eh" Sabi ni mama habang nagtatanggal ako ng sapatos


"Di pa naman ako gutom ma, at ako na lang din po magsaing pakatapos mo magluto" Nilagay ko na ngayon ang mga pinamili ko sa lalagyan at umupo na muna sa sala kung saan ang mga kapatid ko


Kinamusta ko silang tatlo katulad ng ginagawa ko parati kapag umuuwi ako, si Suzie ay 5 years old pa lang at magsisimula ng mag aral, si Syruz naman ay 11 years old at Grade 6 na ngayong pasukan, si Suzette ay magse senior high na din. Ako ang nagpapa aral kay Syruz at si mama naman ang kay Suzette.


Di naman masyadong mataas ang sweldo ko bilang call center agent kaya gumawa din ako ng dating app, I'm not there to flirt, it's more like healing app rather. I go on dates but not 'sweet' dates like everyone else does. I'm there to advice and be there for some strangers, at hindi makipaglandian lang.


"Ate alam kong pagod ka kaya magpahinga ka na muna diyan, ako na lang magsasaing big boy na ko diba" Proud na proud na sabi ni Syruz


Nakapagsaing na nga siya at medyo nasunog pa ng kaunti yung kanin, Yes, big boy na nga. Pero di naman na namin yun pinansin nung kumain kami, masarap naman yung sinigang ni mama. Pakatapos naming kumain ay si Suzette naman ang nagpakitang gilas na siya na daw maghuhugas, kaya tumaas na lang ako at nag body bath.


Nag bihis lang ako ng pajama at white shirt bago ako pumunta sa kwarto ng mga kapatid ko, tulog na si Suzie at sina Suzette at Syruz naman ay naglalaro ng cod. Lumapit ako sakanila at binigyan sila ng tig iisang kiss sa pisngi bago ako pumunta sa kwarto ko at nagpahinga. Nag scroll muna ako sa fb upang magpa antok, nawala ang antok ko nang biglang may kumatok sa pintuan ko.


"Anak? Gising ka pa ba?" Tanong ni mama pakabukas ng pinto. Binitawan ko ang cellphone ko nang umupo siya sa dulo ng higaan ko, napaupo din ako at humarap sakanya "Mag aaral na si Suzie, Ok lang ba kung hati tayo sa pagpapa aral sakanya? Di ko alam kung magka kasya ang sweldo ko-"


"Ma, ako na lang magpapa aral kay Suzie, andami dami mong binabayaran oh? Tubig, Kuryente, itong bahay di pa tapos pag hulugan, si Suzette senior high na ngayon, kaya pa naman yan ng bulsa ko" Kumindat ako kay mama at tumuro pa ko sa kanya ng parang baril.


"Nakakahiya naman nak, ikaw na nga ang nagpapakain sa amin dito eh, di ko nga alam kung nabibili mo pa ang mga gusto mong bilhin kasi ginagamit mo ang pera mo para sa amin"


"Yung makakain niyo yung gusto kong bilhin Ma, wala naman ako ibang pinag gagastusan" Nakayuko na ngayon si mama at parang naiiyak na "Sige na, mag pahinga ka na po, tagal pa naman ang pasukan eh"


"Pasensya na anak kung ikaw ang nagtatayong ama ng mga kapatid mo" Umiiyak na sabi ni mama kaya naman lumapit ako sakanya kaagad "Di ko alam na mawawala na pala yung tatay niyo nung gabing yon"


I hugged my mom to comfort her and also to stop myself from crying. Tumingala ako upang hindi tuluyang tumulo ang luha ko, pinatahan ko si mama and I wiped her tears using my thumb.


"Mag pahinga ka na" I caressed her cheek and kissed her forehead "Wala kang kasalanan Ma"


Hindi niya naman talaga kasalanan ang sakit ni papa sa puso, sinisisi niya lang sarili niya dahil wala siya sa oras na nawala ang tatay, hindi niya daw kasi na agapan dahil inuna niya pa ang mga school works at grades ng mga estudyante niya. Di ko din siya masisi dahil pinagbu buntis niya noon si Suzie. Kung tutuusin mas kasalanan ko pa nga eh, ako ang nakatatandang anak pero wala akong kaalam alam noon kung pano mag alaga ng magulang.


Nang tumahan na si mama hinatid ko na siya sa kwarto niya at inantay siyang matulog, nakatulog din naman siya kaagad napagod ata sa pag iyak. Tinignan ko muna kung gaano sila ka payapang matulog ni Suzie bago ako bumalik sa kwarto ko. Nagdasal ako bago ko ipinikit ang mga mata ko. Hindi ako makatulog kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko.


To: Micah

U still awake?


From: Micah

Yes, baket?


To: Micah

Accept mo yung request nung anak ng businessman. It's a deal.


________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Sorrow of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon