04

11 1 1
                                    

"Hoy ang ganda pala nung sunset ba't di mo man lang ako ginising?"


Nagtatampong sabi sa akin ni Micah, pakapasok ko ng suite dahil maghahanda na kami upang umuwi.


"Ang sarap nung tulog mo eh, nagsasalita ka pa nga" Sabi ko habang inaayos ang mga laman ng bag ko "Sa susunod na lang na pupunta tayo ng beach"


Inirapan lang ako ni Micah at nakangusong nag aayos ng mga gamit niya. Pumasok naman bigla sina Amara at Genieva dala dala na ang mga gamit nila, nagtampo din sa akin kasi di ko sila ginising. Pag ginising ko naman ang mga yan magagalit sakin kasi ang sarap daw ng tulog nila tapos gigising gisingin ko.


"Wala tuloy akong pang ig" nakangusong sabi ni Amara.


Kulang na lang na ngumuso si Genieva, edi magmumukha silang tatlong bibe. Paka ayos namin ng gamit ay nakita naming nag aantay na yung mga lalake sa baba. Nagpa picture pa kaming lahat sa kuyang nagbabantay para hindi na ngumuso yung tatlo, actually lima na pala kasi ganon din daw yung itsura nung dalawang lalake sabi ni Yael, nagtampo din daw sakanya.


Nakatulog lang din ako sa byahe dahil di naman ako gaanong nakatulog kanina, pero mas di ako nakakatulog dahil sa ingay sa loob ng sasakyan. Nag aaway na naman ata si Fern at Amara, si Micah naman tawa ng tawa. Hinawakan ni Yael ang ulo ko at dahan dahang pinapatong sa balikat niya, pagkatapos ng ilang minuto ay nakatulog na rin ako, nagising lang ako nung malapit na kaming bumaba, wala na din sina Amara dito, siguro binaba na sa condo nila.


Nauna ng tumaas si Micah kasama sina Fern at Lloyd, dala dala ang gamit namin. Naiwan lang din kami ni Yael sa labas ng sasakyan, inaantay yung dalawa.


"I don't think we'll see each other tomorrow" Sabi ni Yael "I'm going to my grandma's house"


Tumango ako at binigyan siya ng ngiti. Ok lang naman sakin kasi halos araw araw na lang kaming nagkikita, baka sa susunod na araw magsawa na siya sa akin.


"I'm going to take you there someday if you're not busy" He leaned to give me a kiss on my forehead.


Sakto lang ding dumating yung dalawa, buti na lang at hindi naman ata nila nakita yon. Hinatid muna ako ni Yael sa may elevator kasi sabi ko hanggang dun na lang, di naman na siya nag pumilit at umalis na din.


Pagkatapos kong mag skin care ay nag ig na muna ako. Habang nag i scroll ay nakita ko ang picture naming pito kanina bago umuwi. Si Yael ang nag post nito, fina follow na kasi namin ang isa't isa. Ang unang picture ay formal at ang pangalawa ay wacky. Nakangiti lang din kaming lahat sa unang pic at sa pangalawa ay naka diwal ako at si Yael naman ay kumuha ng kaunting hibla ng buhok ko at ginawa niyang bigote.


Pinindot ko ang story niya at ang una ay selfie nilang tatlo nila Fern, naka peace sign sila at naka duck face kaya natawa ako. Ang pangalawa naman ay video ng umaalon na dagat at ng kulay kahel na araw, ginalaw niya ito at nilipat sa direksyon ko, tumalikod ako kaagad sakanya at narinig ko pa ang tawa niya. Yun pala yon, akala ko picture.


'Serenity'


Ang last na story niya naman ay picture ko na kumukuha ng litrato sa dagat. Andoon na pala siya nun sa mga oras na yan, stalker ata 'to eh. Inulit ko pa ng ilang beses ang pagtingin ng story niya dahil wala akong magawa, muntik pa kong mahulog sa higaan nung tumunog ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Yael sa nag pop na notification.


IsriyaelViñego: I know you're stalking me pumpkin, go to sleep


Agad naman akong nag reply para depensahan ang sarili ko.


Sorrow of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon