01

31 6 7
                                    

[Ok gurl so nakausap ko yung guy and I asked him kung kelan siya available, sabi niya lagi naman daw siyang free. Eh ikaw ba? Kelan ka free?]


"Sabihin mo Tuesday and Thursday ako sobrang avail, kase MWF gabi lang ako free kase nagta trabaho tayo diba?" Umirap ako habang kausap si Micah sa cellphone na para bang makikita niya yon, nagtatanong pa kase eh parang hindi niya ko kilala, halos lahat na nga ata na tungkol sa akin alam niya na eh.


[Ok, wag mo ibaba at magtatanong pa ako sayo] Nanahimik ang maingay na bunganga niya [Wait. Ano kaya kung ibigay ko na lang sayo yung number niya diba? Para kayo ang mag usap. Omg ang tanga mo Micah!"] Narinig ko pa ang pag sapak niya sa sarili niya.


"Hoy ikaw ang secretary ko sa trabahong 'to! Ikaw na gumawa nyan-" Binaba niya ang tawag kaya naman naputol ang sinasabi ko. Maya maya pa't nag send siya sa akin ng message pero di ko naman na yun pinansin dahil binabaan niya ko ng tawag, mamaya na lang.


"Good Morning 'Te! Kain na" Bati saakin ni Suzette habang bumababa ako sa hagdan at nagluluto pa siya ng hotdog.


"Wow! Nasan si mama?" Tanong ko nang mapansing wala siya sa kusina.


"Nasa school ate, baka nga daw po mamayang hapon pa siya makauwi kase magco conference pa sila at may mga gagawin pa" Sagot ni Syruz saakin habang nakikipaglaro kay Suzie.


"Pagkatapos kumain ng breakfast maligo na kayo ha, pupunta tayo sa mall"


"Wala ng breakfast breakfast maliligo na ako 'te!" Sigaw ni Syruz habang tumatakbo papataas ng hagdan.


"Yung hindi magbe breakfast hindi sasama!" Pamba blackmail ko, gumana naman at bumaba naman siya kaagad.


Nagmadaling kumain ang dalawa habang sinusubuan ko pa si Suzie, nag paunahan pang pumunta sa CR sa 2nd floor sina Suzette at Syruz na para bang mga bata. Nauna si Syruz kaya naman nag sigawan pa ang dalawa sa taas. Sa baba na lang tuloy naligo si Suzette mas gusto kasi nila sa taas kasi may shower, ang aarte ng mga kapatid ko, ako ok na ko sa bathtub. char!


Habang naliligo sina Syruz iniligpit ko na muna yung mga kinainan namin, pagkatapos nila ay sinabay ko na lang din si Suzie na maligo. Binihisan ko ng sky blue na dress si Suzie at tinalian ko ng pigtails nang matuyo na ang buhok niya. Nagbihis na din ako ng maroon na t shirt at high waisted shorts, sinuot ko din ang white kong sapatos bago ako pumasok sa kotse.


"Hoy ate ako diyan!" Sigaw ni Syruz pakaupo ni Suzette sa shotgun seat, mag aaway na naman ata 'tong dalawang 'to.


"Dun ka sa likod, walang kasama si Suzie!" Umirap si Suzette habang nagse cellphone, Magsasalita na naman sana si Syruz pero pinagalitan ko na sila kasi lagi na lang magkaaway nakaka umay na.


"Ako na lang kaya sa likod, tapos isa sainyo yung mag drive" Inis na sabi ko, nakita ko pang bumelat si Suzette kay Syruz kaya naman napa irap ako, mga batang 'to. Dumaan muna kami sa simbahan upang mag sindi ng kandila bago pumunta ng mall.


"Babe, halika may ipapakilala ako sayo" Narinig kong sabi ng lalake sa likuran ko bago lumapit sa akin "Lila? Hello! Alam kong di mo na ko natatandaan-"


"Natatandaan kita Zakien, ikaw yung may crush sa bestfriend niya tagal na pero hindi ma amin amin kasi torpe ka" Sabi ko, kaya napakamot sa ulo si Zakien at tumawa naman yung babaeng kasama niya.


"Hahaha ako nga, btw jowa ko na yung 'bestfriend' na yun" Humawak siya sa balikat nung babae at nilahad naman non ang kamay niya sa akin at inabot ko naman.


Sorrow of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon