07

8 0 0
                                    

"Nakakainis naman 'tong si Yael!"


Pagra rant ko kay Micah, naaalala ko pa din kasi yung ginawa non kanina. Ni hindi na ko makagalaw nung ginawa niya yon!


"Sus! Inis inis ka diyan! Tas sa huli magkakagusto ka lang naman diyan alam ko" Umirap si Micah at bumuntong hininga.


"Luh? Asa ka!"


Lumipat na ko sa kwarto ko upang matulog kasi inaantok na ko, kinabukasan ay nagtrabaho na naman ako wala namang bago ganto lang talaga ang buhay ko ang boring boring, kung hindi nga ata ako pumayag na maging jowa ni Yael baka wala talaga ko magawa sa buhay ko maliban sa trabaho.


Di kami masyadong nagkita ni Yael ngayong week, mag pahinga din muna daw ako kasi lagi na lang daw kaming magkasama, nakipag meet din ako noong tuesday at thursday dahil may ka kuntsaba na naman ako, nagkita lang uli kami ni Yael ngayong friday na gabi.


"I missed you" bati sa akin ni Yael pagkalapit ko sa kanya. Nakasuot lang siya ng maroon shirt at pinatungan niya ng light brown na coat, naka ripped jeans din siya at white shoes. May suot din siya ngayon na specs at beret, ewan baka pang porma niya lang pero pogi siya ha.


"San tayo?" tanong ko kaagad na di man lang sinagot ang sinabi niya.


"I won't tell you, 'coz you didn't miss me" Naglakad si Yael papalapit sa kotse niya at binuksan ang pinto para sa akin.


Naupo na lang ako at nakakunot ang noong tinignan siya palibot sa kotse para maupo sa driver's seat, natatawa lang ako sakanya para siyang bata kung mag tampo. Ok lang naman kung di niya sabihin kung saan kami pupunta malalaman ko lang naman mamaya. Nanahimik lang kami sa byahe, tinignan ko si Yael at naka pout lang siya habang nagda drive nung tinignan niya ko pabalik ay umiwas kaagad ako at patuloy na tumingin sa labas.


"Hey, are you mad?" Tanong niya bigla.


"Hinde, bakit naman ako magagalit?" Sabi ko habang nakatingin pa din sa labas.


"Hmm I don't know, because of myself I think? I'm sorry-"


"Hindi no! Ok lang naman sa akin, nakakainis ka lang talaga minsan! Ang harot harot mo kahit wala ka namang gusto sa babae, paasa ka, tas pabitin-"


My eyes widened and I bit my lower lip when I realized what I've just said. Tinignan niya ko at tinaasan ako ng kilay habang nagpipigil ng tawa, binalik niya ang tingin niya sa daan at hindi naalis ang ngisi sa labi niya. Di ko alam kung ano ang sinabi ko, wala naman talaga kong gusto sakanya eh, pero ba't ganto mga sinasabi ko? Ewan ko ba!


"I told you that I'll only do that when you already fell for me" He chuckled. "Have you?"


Di ko na siya sinagot at napahawak na lang ako sa mukha ko sa kahihiyan, di ko alam kung ba't ko yun sinabi hindi ko naman talaga inaasahan yung halik niya eh, siguro masyadong malandi 'tong bibig ko kaya ganyan mga pinuputak! Naririnig ko pa ang mapang asar niyang tawa nakakainis. Medyo malayo ata ang pupuntahan namin ngayon ha.


"Do you like arts?" Tanong ni Yael.


Nanlaki ang mata ko at tumango sa tanong niya, ngumiti lang siya. Gustong gusto ko talaga ang arts kasi wala akong talent diyan, parang sobrang bilib lang ako sa mga artist na gumagawa nyan kasi ang hirap hirap para sa akin pero sa kanila parang peace of cake lang.


Paka park namin ng sasakyan ay pumasok kami sa isang kakaibang building, lumiwanag ang mata ko nang makita kong andaming paintings at iba pang klaseng art sa loob, naka nganga akong tumingin kay Yael at tumawa lang siya, sumenyas siya na mauna na ko at mag babayad ata siya. Ang gastos gastos niya naman! Pero ok lang babawi na lang ako, next time ako naman magsu surprise sakanya.


Sorrow of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon