02

14 1 6
                                    

"Ano?! Magjowa na kayo?!"


Sigaw ni Micah habang break time namin sa trabaho. Nag tinginan tuloy ang iba naming katrabaho, napaka ingay talaga neto, binulong ko na nga lang sakanya para siya lang makarinig tapos isisigaw niya lang. Kinwento ko na lahat sakanya ang nangyare kung ba't ako biglang nagka 'jowa'. Buti na lang at hindi na siya nagtanong tanong pa kasi nakakatamad mag explain, di ko pa nga alam kung ano sakit ni Yael eh.


Nang matapos ang break time bumalik na kami sa trabaho, wala naman masyadong ganap ngayon sa trabaho kaya nung pumatak na ang alas syete ng gabi ay naghanda na kaming umalis ni Micah. Kukunin ko na sana ang bag ko nang may biglang tumawag sa telepono sa ibabaw ng table ko. Sinagot ko naman ito.


"Hello? This is Serene speaking, how can I help you?"


"Ma'am Serene may nag aantay po sayo dito sa baba" Sabi ng security guard ng building na si Kuya Empol.


"Huh? Sino po? Ano daw pong pangalan?" Napakunot ang noo ko.


"Yael daw po ma'am, boyfriend mo daw po?"


Nanlaki ang mata ko sa gulat, ba't naman siya andito?! Oo nga pala, jowa ko siya. Pero pano niya nalaman na dito ako nagta trabaho? Stalker ba siya.


"Ok po Kuya, pababa na po" Sabi ko bago ibaba ang telepono.


Kinuha ko na ang bag ko at naglakad ako ng mabilis, dinaanan ko din muna si Micah baka makikisabay siya sa akin at sasabihin ko ding nasa baba si Yael.


"Wow! Nagmamadali ha, palibhasa nasa baba yung jowa" Sabi ni Micah nang makasalubong ko.


Binigyan ko siya ng pekeng ngiti nang mapagtanto kong siya ang nagsabi kay Yael kung san ako nagta trabaho. Na gets niya naman ata kung anong mukha ang pinakita ko sakanya kaya binigyan niya ko ng alanganing ngiti. Humawak pa siya sa bibig niya.


"Ay aray! Naje jerbomb pala ako, mauna ka nang umuwi! Ako na lang mag drive ng kotse mo iwan mo susi bye enjoy! Ay mali!" Pag iinarte niya at humawak pa sa tiyan nagku kunwareng natatae at saka umalis. 


Yan talagang si Micah nakakainis, kaya naman mahal na mahal ko yan eh. Makikita niya mamaya pag uwi sa condo siya ang pahuhugasin ko. Di ko iniwan yung susi ng kotse sa may table niya para maghanap hanap siya mamaya, kay kuya Empol ko na lang pinaiwan mas may tiwala pa ko sakanya kesa kay Micah.


Pakalabas ko ng elevator nakita ko kaagad si Yael dahil may mga babaeng nag uusap usap at tingin ng tingin sakanya, kilig na kilig naman sila kaya napataas ang kilay ko, di naman nila napansin yon. Naalis lang ang tingin ng mga babae kay Yael nung tumayo siya at lumapit sa akin, narinig ko pang nanghinayang yung dalawang babae.


He's wearing a gray long sleeves that is perfectly fitted for his body, naka fold ang sleeves nito hanggang sa siko niya revealing his watch. He's also wearing a pair of ripped jeans along with his white shoes.


"Ba't di mo ko tinext?" Binigyan ko siya ng pekeng ngiti.


"I wanted to surprise my girl" Nilagay niya ang kamay niya sa may bewang ko at hinalikan ako sa noo. May nag sana all pa sa likod.


Nagulat ako sa ginawa niya at bahagya na lang akong ngumiti, dumaan muna ako sa may guard house para iwan ang susi ng kotse ko kay Kuya Empol. May pupuntahan daw kami ni Yael kaya sa kotse niya na lang ako nakisabay. Muntik pang malaglag ang panga ko nang makita ko ang mercedes-benz na sasakyan namin. Gulat ko siyang tinignan at patuloy lang din siyang naglakad hanggang sa buksan niya ang kotse niya para ma upo ako sa shotgun seat.


Sorrow of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon