06

9 1 2
                                    

"Huh?!?!"


Pang aasar na naman ni Yael ang bumungad sa pag gising ko.


"Yes, I'm not kidding dude I swear" Tinaas niya pa ang kamay niya pinapatunayan na nagsasabi siya ng totoo "Ang higpit higpit nung yakap mo, nung inaalis ko nga kamay mo kasi ihing ihi na ko ayaw mong alisin saakin. Pasalamat ka hindi ako na ihi sa higaan mo"


Di pa din ako makapaniwala sa pinagsasasabi niya, pinagti tripan niya ba ako, dahil dyan naman siya mahilig? Hay nako! Kung ginawa ko man yon, pang comfort na lang yun sakanya, wala naman talaga kong nararamdaman sakanya. Duh wala pa nga atang isang linggo nung nakilala ko siya ba't naman ako mahuhulog sakanya kaagad? Alam kong ganon din siya sa akin, nangti trip lang talaga siya minsan.


Dahil alas singko pa lang ng hapon ay naglakad lakad na muna kami sa villa, madami ding nagla lakad lakad at mga nagba bike dito, yung iba naman nagsa saranggola. Naupo na muna kami ni Yael sa bench dahil napagod sa paglalakad, ang ibang babae doon ay tingin ng tingin kay Yael at nagtutulakan pa, mukhang nasa 17 na sila o 18. Hindi naman sila nakikita ni Yael kasi nakatingin siya sa akin at nagke kwento lang ng kung ano ano.


Habang nagke kwento si Yael ay lumapit na yung mga dalaga kanina, nagti tilian pa yung iba sa likod nakakairita ng konte.


"Uh Kuya? Pwede pong pa picture?" Tanong nung mga babae kanina. Kinuha ni Yael ang cellphone nung nagtanong na babae at nakaharap lang ang camera sa kanila, sila lang ang pini picturean ni Yael "Ay hindi lang po kami kuya, kasama ka po"


Nagpipigil lang ako ng tawa sa gilid dahil ang witty niya, tama din naman yung ginawa niya diba? Hahahaha. Lumingon lingon pa ang babae at nakitang nakaupo lang ako sa bench kaya naman lumapit siya sa akin.


"Picturean mo nga kami 'te" Inabot sa akin nung babae yung cellphone niya, tumayo naman ako at pinicturean sila. Tatlong pic lang kasi hindi siya nag 'po' sa akin, nung si Yael tuloy kinausap oo. Natatawa ako sa itsura ni Yael sa picture kasi hindi man lang siya ngumiti kahit isang beses, pero nakakainis kasi kahit ganon ang pogi niya pa din.


"Ay salamat po kuya, ang ganda't pogi niyo po! Mag kapatid po kayo?"


Muntik pa kong masamid sa sarili kong laway sa sinabi niya, magkamukha ba kami ni Yael? Iba talaga basta laging magkasama, nagiging magkamukha na.


"She's my girlfriend" seryosong sagot ni Yael.


"Ay sorry po" ngumiti sa akin yung babae at umalis na din dahil napahiya ata siya. "salamat po uli"


Di naman ako nagagalit na nagpa picture siya eh. Nakakainis lang na kay Yael lang siya nag bigay ng galang at respeto nung una, kung ganyan si Suzette baka masabunutan ko siya. Di ko naman na yun ginawang big deal dahil wala naman silang maitutulong sa buhay ko.


Kumain kami ng fishball at kikiam dahil may nagtitinda sa loob ng villa. Pagkatapos non ay naglakad uli kami palibot at bumalik na sa bahay upang mag pahinga. Madami pa namang kanin at ulam ang natira kanina kaya ininit na lang namin 'yon at yun ang kinain namin, si Yael na ngayon ang naghugas at ako ang nag ayos sa kusina.


Nanuod na muna kami ng kahit anong palabas, siningkit ko ang mga mata ko nang may pinalabas na kissing scene, si Yael naman ay tinatakpan ang mga mata niya na parang bata. Nakakainis pa kasi ang tagal nung scene na yon, di ko din inaasahan na magme make love yung mga artista don kaya nagkunware na lang akong nakatingin sa malayo kasi awkward, mabuti kung ako lang ang nanunuod. Si Yael naman ay nakatingin na sa TV at nilagyan lang ng unan ang lap niya.


Sorrow of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon