Low scores on the test, pinagalitan pa ako ni coach sa training dahil sa mga teammates ko. Aish, tangina, ang sama ng araw 'to. I sighed, closing my eyes nang makahanap ng pwesto sa loob ng bus. Agad akong naupo at tinapat ang aircon sa akin. Nakakapagod ang araw na'to. Malapit na kasi ang Intramurals.
Napamulat ako ng mga mata nang may umupo sa tabi ko, nang makita akong nakatingin, she smiled a little bit before avoiding my gaze. I smiled at her action.
Tahimik niyang niyakap ang bag niya at hindi na muling tumingin pa sa akin. Ganun din ang ginawa ko.
We stayed like that until the bus stopped, naramdaman ko ang pagtayo ng babae, it seems that she'll be leaving the bus now. Napatingin ako sa kanya at nakita ang kapansin-pansin na pulang bagay sa kanyang pang-upo. My cheeks slightly reddened, I grabbed her left arm bago pa man siya makaalis sa kanyang pwesto.
Mukhang nabigla siya, kaya tinanggal ko ang kamay ko. Tumayo na rin ako. Lumapit ako ng bahagya sa kanya kaya medyo napaatras siya.
"Miss, there's a red stain on the back of your pants." Bulong ko. She blushed. Inalis ko ang pagkakasuot sa akin ng aking jacket at ibinigay sa kanya.
"Tie this... uhh, on your waist." wika ko. Umiling siya, she tried lowering her shirt pero alam kong hindi 'yon aabot sa stain ng pants niya.
"H-hindi na, okay lang ako." nauutal niyang sambit. She slightly bit her lower lip before lowering her gaze to avoid my stare again.
I sighed.
"May mga ate rin ako, kaya I understand your situation. It's all good, kunin mo na." I insisted. Kinuha niya ang jersey ko at itinali sa bewang niya. She smiled at me. I don't know why but my heart pounded way faster than before.
"Thank you. Ibabalik ko ito sa'yo. Ano nga palang pangalan mo?" she asked.
"Kyle."
"I'm Althea."
We shook each other's hands before I waved her goodbye.
"Magkita ulit tayo dito bukas kung pwede, I'll return this to you." she said, I just nodded and stared at her while she's leaving the bus.
"See you tomorrow." I mouthed. Mukhang naintindihan naman niya iyon kaya kumaway din siya.
"See you." she replied, smiling sweetly before waving me goodbye.
Nang makababa siya ay hindi pa run naalis ang ngiti sa labi ko. Binabawi ko na pala ang sinabi ko. Maganda pala ang araw na'to ngayon.
BINABASA MO ANG
Files
RandomCatherine's self never realized that she had a wide imagination... just until now. She wrote a thousand stories but never continued any of them. Now, she attempts to write short stories which contains her daydreams and nightmares. This is her archi...