Farewell

6 1 0
                                    

Akala ko, madali lang magpaalam sa isang tao. Hindi pala.

"Goodmorning class, you have a new classmate this school year. His name is Gabriel. Be good to him okay?" nakatingin lang ako noon sa pwestong bakante sa tabi ng bintana. Grade four pa lang ako noon, I transferred to another school dahil sa mga bully. I hate kids like my age. Gusto ko nasa pinakasulok lang ako, ayokong pinapakialaman.

Nagpakilala ako, bago dumiretso sa pinakalikod, sa tabi ng bintana. Days passed, tahimik naman ang pagiging estudyante ko sa bagong eskwelahan ko. But she changed it.

"Hoy," naaalala ko pa ang kanyang boses. Pilitin man niyang maging maangas, alam kong malamyos ang boses niya. Being a lone grade four student that wants no friends or enemies, tiningnan ko lang siya. Padabog niyang ipinatong ang bag niya sa mesa ko.

"This is my seat." she declared. Hindi ako natinag.

"Wala ka naman dito for the past few days ha." Lakas loob kong sabi. She scoffed, tumingin sa ibang kaklase naming nakatingin sa direksyon ko.

"May pinuntahan kasi ako. Pero dito ako nakaupo." sagot niya. Hindi pa rin ako umalis. Mukhang nairita siya sa asal ko kaya naman nahampas niya ako ng bag. Her keychain has a pointed tip, nasugat niyon ang taas ng kilay ko. Hindi ako kumibo. Sanay na ako, palagi akong nabubully sa dati kong school. Wala lang 'to.

But then, I heard someone cry. Gulat akong napatingin sa batang babaeng humampas sa akin ng bag kanina. She's crying. I don't know why pero nagulat ako kung bakit siya umiiyak.

May kinuha siyang panyo sa bulsa ng palda niya. Agad niya itong tinapal sa taas ng kilay ko na nagdudugo. She keeps crying, may sipon na rin na tumutulo sa ilong niya. I laughed. Natawa ako sa hitsura niya, all of my classmates looked at me. Oo nga pala, hindi pa pala naririnig ang tawa ko.

"I'm sorry, I'm sorry. Sorry." paulit-ulit niyang sabi.

The crying girl coughed, hanggang sa nagtuloy-tuloy ang ubo niya. Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pag-aalala.

"A-nong nangyayari?" I asked worriedly. Tapos bigla na lamang tumakbo ang teacher namin na kararating lamang sa room, she carried the crying girl hurriedly, tapos nang makita niya ang nagdudugo ako ay hinawakan niya rin ako sa braso at hinila papunta sa clinic.

"May asthma ka pala." I said. Ngumiti lamang ang batang babae sa akin. She looked so weak now though.

"Sorry," she keeps whispering. Para mahinto na siya, tumango na lamang ako.

"My name is Raine." wika niya.

"Gabriel," sagot ko. She smiled wider.

"Friends?" she asked. And even though I don't wanted to be friends with kids in my age, maybe I can make an exception?

"Friends." we did a pinky handshake.

"Gaaaaaaaaab!" nandito na naman siya. I sighed. Binaba ko ang likod ko para makatalon siya pasampa sa akin. We're now grade eleven. Yes, nanatili kaming magkaibigan ni Raine hanggang ngayon. Paano kaya ako nakatagal sa kanya? Just kidding.

Sumampa siya sa likod ko, hugging my neck lightly. I gave her a piggyback ride. Kapag napapagod na siya sa paglalakad. Palagi ko siyang binubuhat. It's to prevent her from being too much tired.

"Ang sakit ng ulo koooo." she whined. Inayos ko ang pagkakabuhat ko sa kanya. She rested her forehead in my shoulder. Tumahimik siya, until I heard her snore. I chuckled, she's asleep.

"Pasalamat ka mahal kita." I muttered. Muntik na akong matumba nang matapilok sa nakausling bato. Kingina ang bigat kasi niya.

FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon