''GABRIELA?? anak , magtago ka! ''
Sabi ng isang ina na ginawa ang lahat , maprotektahan lang ang nag iisang anak na babae.
Humihikbi si gabriela , habang nanginginig dahil sa kinahihinatnan ng mag ina.
''Babalikan ka ni mama hu? , magtiwala ka kay mama ' okay? ''
Walang imik ang isang batang 3 years old palang.
''Pasok ka dyan sa sulok , para dika makita baby '' Nanginginig nadin si CARLA Na hindi alam kung mabubuhay paba silang dalawa , sa dinami dami ng mga kalalakihan ang naghahabol sa kanilang dalawa.
Na mga tauhan ng Napag utangan ng kanyang asawa konong si abner .
Nang sa tingin ni carla na hindi na ito makikita ay agad din siyang nagtago .
Pero Huli na ang lahat dahil , nakita na siya ng isang kasama ng mga ito.
Nagpupumiglas siyang makatakas , pero dahil sa malakas ang mga ito ay wala siyang magawa.
-----
''Bitawan niyo siya '' sabi ng isang matanda na naka upo sa isang mamahaling upu an at naka sombrero pa ito at hawak-hawak ang isang sungkod.
'' Don Jose , wala namang ganyanan '' sigaw sa isang pamilyar na boses ang nadinig ni CARLA.
''abner? ikaw ba yan ? ''
''Maawa ka don Jose , huwag ang mag ina ko '' umiiyak na sabi nito
Pero isang putok ang kumawala ang nadinig niya , naka bindfold kasi ang mga mataniya.
''Abner??? ''
Iyak na sigaw ni Carla , pero maya maya ay may narinig siyang yapak ng isang sapatos papunta sa kanya at maya maya ay naramdaman niyang may , humahaplos sa kanyang mukha.
'' Kung tumupad lang sana sa usapan ang asawa mo , ay hindi magkakaganito ''
''Huwag niyo akong hawakan! ''
Pero isang Pagtawa ang kanyang narinig dito at tinanggal na nito ang nakatakip sa kanyang mga mata.
At nakita na niya ang pagmumukha nito ,
May itsura ang matanda , kahit na sobrang tanda na nito at may balbas pa.
''Simula ngayon , magiging alipin na kita ! ''
'' P-perooo ''
Suminyas pa ito sa mga tauhan naka abang lang na utusan nito.
Nagdaan ang mga araw at buwan hanggang sa taon ay Naging alipin nga si Carla , sinubukan niyang hanapin ang anak , pero wala na doon.
Halos ma baliw siya sa kakaisip kung saan ito at sino ang nakapulot nito.
Pero may isang batang lalaki ang napamahal sa kanya , kundi ang apo ni Don Jose , ka edad lang to ng kanyang anak.
Pero mas mahirap din pala ang naging buhay nito , pinagmamalupitan ito ni don jose ' pag isang pagkakamali lang ay isang masakit na parusa ang makukuha nito , isang napakaraming latigo ang malalasap nito.
''Don jose ! diyos ko tama napo yan! maawa naman po kayo sa bata! ''
Pero parang wala itong narinig , patuloy parin sa pagpalo ng latigo , habang walang damit ito.
''Pinagtatanggol mopa ang batang ito! pareho lang kayo!! ''
Nasampal pa si Carla at sabay talikod ito sa kanila .
Awang awa siya sa bata , puro nalang sugat dahil sa Latigo.
''Ok kalang? '' pero hindi na ito umi imik.
Alam niyang namamanhid na ang buong katawan nito sa sakit , na araw araw na naramdaman at pinaramdam ng sariling kadugo!.
Lumipas ang madaming taon at naging 15years old na ito .
Ni minsan ay hindi na niya nakitang , umiiyak ito pag pinapalo ng latigo ni don Jose , nag aalala na siya dito .
alam niyang puro na galit ang namumuo nito sa loob ng bata.
Pero ginagawa niya ang lahat , maiparamdam lang niya dito na andun lang siya sa tabi nito.
Pero hanggang dumating ang isang araw , nadatnang Wala ng buhay ang isang don sa kwarto nito.
''Inatake sa puso si don , '' sabi ng isang abogado pero alam ni carla na hindi ito , inatake sa puso , kundi PINATAY ito ' walang iba kundi Si DEMON MIGUEL.
BINABASA MO ANG
THE BRIDE OF THE DEMON
RomanceDemon Miguel ay isang Leader ng isang Ma impluwensya na Mafia Gang sa bu ong mundo . dilang Mayaman , Ubod pa ng kagwapuhan ,Matipuno , pero ubod din ng kasungitan at kademonyohan. Kung pag uusapan ang pagmamahal ay hindi siya naniniwala doon . D...