CHAPTER 12

30 2 0
                                    

THE BRIDE OF THE DEMON

#chapter12

-GABRIELA'S POV-

Umaga na nga kami nakarating , pero huli na patay na si manay .

May stage 4 cancer pala ito at hindi ko man lang alam.

Kung alam ko sana ay hindi kona iniwan siya.

Sobrang sakit , dahil diman lang kami nagka usap sa huling sandali.

Umuwi si Kuya , at inasikaso ang libing ni Manay .

Ang daming mga bulaklak ang dumating at mga pagkain sa mga nakikilamay at kape ay may dumating.

Yun ay galing kay , Demon.

At apat na van na itim ang dumating.

At halos lahat ng yun ay nakikiramay .

Nagulat nalang si Gab at kasunod na dumating ay Si Leon.

" Leon????" Tawag niya dito

" Nakikiramay kami sa inyo Gab "

"MARAMING SALAMAT leon " ngiti kung sinabi

" Nakikiramay kami Sa inyo ang Bride ni Master !"

Mas nagulat pa ako sa mga 20 ka taong to , na halos naka itim na suit ang su.ot.

" Bride ? "

" Diba ? Ikaw din ang nagsabi na Bride ka ni demon , Kumalat sa dyaryo yun "

"H-hu? Pero kasi yun ang sinabi ng bata para , makaligtas kami sa mga pangit na kalalakihan "

Ngumiti lang ng nakakaloko si Leon.

At kasunod na bumaba sa itim na Van ay si Demon .

Napakalakas ng Kabog ng dibdib ko sa dimalamang dahilan.

Ang su.ot nito ay kagaya din ng su.ot nang dumating.

" Nakikiramay ako Gabriela "

Sabi ni demon sa akin.

" Hindi mo kailangan gawin to "

Sabi ko sa kanya .

" Pero gusto ko gawin sa magiging bride ko at huwag mo akong paki alaman "

Sabi nito sa akin at pumunta na sa Kaba ong ni manay ito.

Ang daming nakiramay , lalo na ang mga kasamahan ni Leon ay nagtutulong na asikasuhin ang mga bisita.

" Bunso ? Ikakasal kanaba ? Bakit diko alam ? "

Bulong ni kuya sa akin , siniko ko siya ,

" Asikasuhin mo nalang , huwag ka muna magtanong mahabang kwento "

Napakamot nalang sa Ulo si kuya.

Napatingin ako kay demon na naka Upo at nakatingin sa kabaong ni Manay.

Halos mga kababaehan na nakikiramay ay kinikilig at nagpapansin kay demon.

" Bunso ? Talaga bang ? Nakikiramay yang mga babaeng yan! O ang Groom molang ang dahilan kay pumunta sa lamay "

Siniko ko ulit si kuya , ang kulit kasi .

" Kuya??? "

" Oo na aasikasuhin kona sila "

Hindi ko parin matanggap alna wala na si manay , umiiyak ako sa harapan niya sa kaba ong , pero wala namang magagawa ang pag iyak ko .

Saka ayaw na ayaw ni manay ang umiiyak ako , pinahid ko ang mga luha ko.

Mag aalas tress na nang madaling araw may nagsusugal na bisita at madami sila .

Panay naman din asikaso ng tauhan ni demon sa mga bisita , at nahihiya na nga ako .

May malapit na dalampasigan sa bahay namin , kaya napagpasyahan kung magpahangin muna.

Pero andun na pala si demon .

Lumapit ako dito .

" Maraming salamat "

Hindi ito umimik , nakatingin lang ito sa malayo .

Kaya napabuntong hininga ako , aalis na din sana ako at pupuntabsa unahan para mapag isa din.

Pero bigla itong nagsalita .

" Kapag ako namatay ? May iiyak din kaya ? "

Napahinto ako don sa tanong niya.

" o magdidiwang sila dahil wala na ako ? "

Hindi ko alam ang esasagot ko .

" Lumaki akong , hindi nakaramdam ng Pagmamahal . Minsan nga napapatanong ako ano pa dahilan ! Ko para mabuhay sa mundong ito?"

Nakikita ko sa kanyang itsura , kung gaano kalungkot ang Buhay ng lalaking ito.

Maya maya ay may kinuha ito sa kanyang bulsa.

Isang Kwentas na , ang pendant ay kakulay ng mga mata nito at humarap sa akin .

At binigay yun sa akin .

" binigay sa akin ito ng kaisa isang taong nagmamahal sa akin ang aking ina inahan , sabi niya ibibigay ko to sa taong , mamahalin ko kaya

From the Bottom of my heart , Mahal kita "

Nagulat ako sa aking narinig at binigay sa akin ang kwentas na yun at tumalikod na ito.

" Pero demon , may nagmamay ari na ng aking damdamin , hindi ito karapatdapat sa akin "

" Hindi ko sinasabing mahalin mo ako pabalik , esu ot mo ang kwentas na yan , para walang magbalak na manakit sayo , nasa sayo nalang kung itatapon mo ba , o itatago mo nalang "

" P-pero "

Tuluyan na nga itong umalis at iniwan akong nakatingin sa kanya papalayo.

THE BRIDE OF THE DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon