CHAPTER 18

21 3 0
                                    

THE BRIDE OF THE DEMON

#CHAPTER18

-GABRIELA'S POV-

Nagising ako sa Sobrang lamig , pagdilat palang ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang isang larawan ng Isang Babaeng matanda na .

Pamilyar sa akin ito , parang ang aking ina , may kasabihan nga may apat na mukha daw tayong magkakapareho dito sa mundo.

Baka magkamukha lang sila ng aking ina.

Tumingin ako sa Labas , ay nag ssnow parin , Hindi talaga ako makapaniwala na nakapunta ako dito.

Paglabas ko ng kwarto ay walang katao tao. Nakakatakot pa naman kasi , parang ang laki ng bahay.

Pero mas nabigla akong tumilapon si Leon sa Harap ko.

" Leon!!??"

Sabay lapit sa kanya.

"Shhhhhh??" Agad sabi ni Leon sa akin

At dali dali niya akong hinila , para magtago .

Pero huli na , nakita ko si Demon na galit na galit at may hawak na kutsilyo.

May tama na nito si Leon kaya may dugo na ang mga kamay nito.

" D-demon?" Sabi ko dito na nangingig para kasing di si Demon ang Kaharap namin.

Nanlilisik ang mga mata nito , at ano mang oras ay susugurin na kami .

" Sino k-ka? " sabi nito sa akin

Nagtaka ako , Hinila niya ako papunta sa kanya.

Hinahaplos niya ang Mukha ko , yung dugo na nasa kanyang mga kamay ay nasa mukha ko na din.

Takot na takot ako sa kanya.

" Huwag ka matakot! Mas matakot ka kay Lolo "

Nakita ko sa mga mata ni Demon , Puno ng takot!.

Tumingin ako kay Leon na puno ng katanungan.

" Halika , itatago kita ! Baka pag nakita ka ni Lolo , sasaktan karin niya "

Para siyang baliw , nagpahila ako sa kanya .

Papunta sa isang silid , sumenyas ako kay Leon na ako na bahala .

Nginig na nginig si Demon , ang demon na kinatatakutan ng lahat ay heto ngayon sa harapan ko ' Puno ng takot ang mga mata at nanginginig pa.

Ng mga sandaling ito ay gusto ko siyang yakapin at pakalmahin .

Pina upo niya ako sa kama at pabalik balik sa paglakad sa harapan ko na , at tinatakpan nito ang mga tenga .

" Huwag Lo , Maawa ka! Oo Lo maghuhubad na "

Ang mas kinabigla ko ay ang kanyang paghubad sa mismong harapan ko , pero may Boxer siyang naiwan.

Sa pagkakataong ito , ay nakita ko ulit ang mga peklat sa kanyang Katawan .

Likod at dibdib .

Awang awa ako sa kanya.

Maya maya ay tumingin sa akin ito , napansin ko na nabitawan nga pala niya ang kutsilyo kanina sa may tabi ko.

Kaya siya napatingin sa akin dahil , kukunin niya ulit ang kutsilyo.

At nagwawala , kung kanina ay puno ito ng takot , ngayon ay nakikita ko nanaman sa kanyang mga mata ang paghihigante.

Naglakas loob nakong pigilan siya.

" D-demon please kumalma ka !"

Kinulong ko ang kanyang mga mukha sa aking palad at pinipilit siyang pakalmahin .

Maya maya ay parang nakilala na ako nito.

" G-gabriela ? "

Napa tulo na ang luha ko , " Oo ako nga demon "

" Sasaktan niya ako Gabriela "

Sabi nito sa akin .

" Hindi demon , andito lang kami ni leon , walang mananakit sayo "

At kumalma nga siya , kasunod nun ay may dumating isang matandang lalaki na sa tingin ko ay doctor .

Agad may ininject ito kay demon at maya maya

Ay nawawalan na ito ng Malay.

Agad kinarga ng mga kalalakihan ito at diko alam saan dadalhin.

Kami nalang naiwan ni Gilbert, dahil sumama si Leon kay demon .

Agad ako binigyan ng maiinum ni Gilbert , at sabay tanong dito.

" A-anong nangyari sa kanya?"

Hindi makasagot si Gilbert .

" May alam ka ba?"

" Wala Gab , wala akong alam , kapag tungkol kasi kay demon ay si Leon ang dapat mong pagtanungan. "

Napabuntong hininga lang ako at sabay inum ng tubig.

--------

- Leon's POV"

Nabigla ako sa inasta ngayong gabi ni Demon .

Tapos na gamutin ang sugat ko , at naghihintay nalang ng doctor na lumabas , para malaman ko kung anong nangyari kay demon.

Maya maya ay Lumabas na ang Doctor.

Agad naman akong tumayo para , makipag usap.

" Leon ? "

" anong nangyari doc?"

" Hindi ba sinabi ni Demon sayo?"

" Magtatanong bako kung sinabi niya ? "

Ito yung personal na doctor ni demon talaga dito sa alaska. Inis na sabi ko dahil sobrang nag alala nako kay demon.

" Sinabi ko na sa kanya na , may Alzheimer' Disease' siya leon " sabi nito na pa slang

" nagsisimula na , bumabalik na siya sa kanyang nakaraan pero mabubura nadin yun , pagdating ng panahon , hanggang sa mawala na lahat hindi kana niya makilala "

Nang marinig ko yun , para akong binagsakan ng langit at lupa .

" May magagawa ba tayo? "

" walang gamot sa sakit nato Leon , ang magagawa lang natin ay sulitin ang araw na makakasama siya , habang andyan pa ang kanyang alaala at hindi pa nabubura. "

Napabagsak ang katawan ko , at humahagulgul ng pag iyak !.

---------

THE BRIDE OF THE DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon