THE BRIDE OF THE DEMON
#CHAPTER9
LEON'S POINT OF VIEW
Hindi ako sigurado kung mabubuhay paba ako , sa sitwasyon ko ngayon.
Basta ang alam ko lang kaya kung iyata ang buhay ko ng paulit ulit para kay demon.
Kahit ba lagi akong sinusungitan ng isang yun ay sa kanya lang mananatili ang katapatan ko.
Wala na akong halos makita , kung makakita man ay kulay pula dahil sa dugo na umaagos mula sa ulo ko. Buhat nang matamaan ako ng kaaway sa dala nitong malapad na kahoy . Mabuti nalang talaga at hindi Baseball bat ang dala ng mga to.
Naka sandig ako habang tumitingin sa mga kasama ko na lumalaban parin kahit na nahihirapan na , habang yung iba ay pare pareho ng walang buhay.
Buhay nga naman ng isang alagad ng Demon , ay parang mga sundalo na lumalaban para sa kapayapaan.
Pero kami? Nagpapatayan ma protektahan lang ang sinasamba kahit na ang kapalit ay buhay.
Minsan napapa isip ako! Bakit nga namin ginagawa to ? Para kay demon?
Wala namang kwenta si Demon , Napaka demonyo nga nun eh Walang PUSO , Walang Awa kung Pumatay.
Alam ko namang yung mga pinapatay niya ay mga Masasama. Pero wala bang karapatang mabuhay ang mga yun Sa mundo ? .
Hahaha napapatawa nalang ako sa mga tumatakbo sa aking utak.
Habang natatawa ako , napansin kung may isang kaaway ang tinutukan ako ng baril.
Tanggap ko na , mamatay akong walang anak at asawa si demon lang ang paglalaanan ko ng Buhay.
Handa na akong mamatay -- Pumikit ako naghihintay na iputok nito sa ulo ko ang baril.
BANGG
BANG
BANG
BANGGGGGG.
Napa igtad ako sa tunog na yun , pero bakit ? Wala akong maramdaman? .
Hanggang sa may Nag salita !.
' Leon!!! Hanggang ngayon ba talaga!! Hinahayaan mo ang ibang tao na saktan kalang!! At apak apakan Leon!!'
Alam ko na kung , kaninong boses yun.
Kaya napatawa ako , hanggang ang pagtawa ko ay naging halakhak.
" HAHAHAHAHAH "
Yung bang tawang may Halong Pag iyak.
Tanaw na tanaw ko si demon na nakaluhod , at hirap na hirap , habang hawak hawak parin ang baril.
Naluluha akong minamasdan si demon .
Bakit nga namin sinasayang ang buhay namin sa isang Demon? Simple lang pala .
Kahit na siguro na mamatay ito ay babangon at babangon ito sa oras na kailangan ko siya at namin , kung huli man ang kanyang pagdating Makaka asa kang , Egaganti at egaganti ka niya sa mga taong nanakit sa aming mga alagad niya.
Higit sa lahat binubuwis din ang buhay ng paulit ulit at walang takot na susulunging mag isa ang kamatayan.
Nakikita kung bumagsak siya , gumapang ako papunta sa kanya , tahimik na ang sandaling yun , lahat ay nakabulagta na sa mga sahig yung iba , wala ng buhay yung iba ay nawalan lang ng malay.
Nang nasa tabi na ako ay umiyak ako ng umiyak.
" Ang Tigas tigas kasi ng ulo mo master!!"
Ngumisi ito ,
" Napaka iyakin mo talaga !! LEON!"
" Kaya!! Ko naman ang sarili ko!! Dapat inayos mo muna ang sarili mo kesa sa iba!! Ang dami ng dugo ang nawala sayo niyan!"
Sigaw na sabi ko.
-------
GABRIELA'S POINT OF VIEW
Habang nakatanaw ako sa dalawang , hirap na hirap na .
Sino ba kasi at ano sila ? Masama ba silang tao?
Pero mas na touch akong Binalikan talaga nang lalaki ang mga kasamahan niya , kahit na hirap na hirap na ito.
Kanina tinatawagan ko ang sinasabi ni leon na gilbert .
Pero nung dumating si gilbert at maisakay na nito ang lalaki.
Ay bigla itong nagising at pinagbabantaan si gilbert na pag di bumalik ay malalagot ito.
Gusto ko ding Sabihin na magpagaling muna siya , at nangako naman si leon na babalik.
Pero hindi ako makapag salita dahil , sa ang lakas ng kabog ng dibdib ko .
Baka kasi pag sumama ako doon , sa pupuntahan nila ay madamay ako .
Gusto ko pang mabuhay , mahal na mahal ko ang manay ko .
Pero bakit ? Di ako maka tutul , hanggang sa bumalik nga kami ,
At nakarating doon ulit .
Pilit na makatayo ng maayos ang lalaki to , habang hawak hawak ang tama ng baril .
Inalalayan siya ni gilbert pero , sinuntok lang nito .
Kaya ewan ko ba , kusang gumalaw ang mga paa ko at susubukan ko din siyang hilahin pabalik.
" Magpapakamatay kaba ?! " sigaw ko sa kanya
Huminto ito at tumingin ito sa akin , nakakatakot ang mga mata nito.
" Masama bang Eligtas ko ang taong ? Kaisa isa kung kuya?"
Nakita ko ang mga luha nitong Pumatak ,
Parang piniga ang puso ko sa kanyang sinabi.
" Hu!? Kasalanan bang eligtas siya?!!"
Napa igtad ako dahil sa sigaw niya. Hindi ako maka imik at nagpatuloy nga itong pumasok sa isang Bodega.
At maya maya ay isang putok ng baril ang narinig ko.
Kaya si gilbert ay dali daling pumasok .
Sumunod nalang ako.
At yun nga ang nakita ko , nag sisigawan ang dalawa na kahit hirap na hirap na sa sitwasyon ay , pinapagalitan ang isat isa.
Kuya ba talaga nito ni Leon ang lalaki? Bakit mastee tawag niya dito ? .
Tumingin si Leon sa akin at ngumiti.
" Gilbert , ayusin mo dito , bago pa makarating ang mga pulis "
Napansin ko nga pala ang daming patay at dugo .
Tumaas lahat ng balahibo ko sa may batok.
Sino ba kasi sila? O ano nga ba sila ?
--------
BINABASA MO ANG
THE BRIDE OF THE DEMON
RomanceDemon Miguel ay isang Leader ng isang Ma impluwensya na Mafia Gang sa bu ong mundo . dilang Mayaman , Ubod pa ng kagwapuhan ,Matipuno , pero ubod din ng kasungitan at kademonyohan. Kung pag uusapan ang pagmamahal ay hindi siya naniniwala doon . D...