THE BRIDE OF THE DEMON
#CHAPTER11
-GABRIELA'S POINT OF VIEW -
Habang Abala ako sa pag guguhit ay may tumawag sa akin , ng tingnan ko kung sino ay # nang aking manay .
Wala parin akong Lead tungkol sa paghahanap
Ko kay mama.
Napapa isip ako kung bakit napatawag si manay sa ganitong oras. Mag 12 o'clock na ng madaling araw.
Baka namimiss lang ako nito at hindi makatulog .
Kaya sinagot ko naman at , masayang boses ang binungad ko sa kanya.
" Manay ? Namimiss niyo ako no?" Sabi ko sa kanya.
" Gabriela ????"
Nagtaka ako kasi iba ang Boses ni manay sa kabilang Linya.
" S-sino po sila ? "
" Si aling marites mo to Gab , si manay mo sinugod ng Hospital , ngayon lang ?"
Nang marinig ko yun ay nabigla ako , kaya natapunan ng kape ang ginuhit ko , natapunan ng kape ang Halos isang buwan kung ginuhit .
Pero wala na akong paki alam doon , dahil mas importante ang manay ko.
" B-bakit Ho? A-anong nangyari?"
" Pumunta kanalang at baka dimo na maabutan ang manay mo iha "
Nang marinig ko yun , ay agad kung binaba ang linya at tinawagan si Kuya.
Pero ring lang ito ng ring kaya nagpasya akong , mauna na doon.
Pero pagkadating ko sa terminal ay Naka alis na ang lasttrip na bus.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko , gusto kung umuwi , at ng makarating sa tabi ni manay .
Nakita kopa ang bus kaya , hinabol ko ito , hinabol ko ng hinabol.
" Sandali lang manong!!"
Pero parang wala atang narinig ang Driver , pabilis nang pabilis ang pagtakbo ng bus , kaya hindi ko na makuhang habulin pa.
Napa upo ako , at iniwang luhaan .
Sobrang mahal ko ang manay ko , hindi ko matatanggap kung Hindi ko maabutan itong humihinga pa.
Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko ay ang pagpatak din ng malakas na Ulan.
Basang basa na ako , at napaka tahimik na ng daan .
Pero may isang taong dumating , nasa harap ko ito at naramdamn ko na nasa harap ko siya , kahit na naka yuko ako.
Hindi ko alam kung masamang tao ba to o Hindi .
Ang sapatos na su.ot nito ay itim na sapatos at ang pantalon nito ay Itim din.
Sobrang lakas na ng ulan , maya maya ay niluhod nito ang isang tuhod , para mapantayan ako.
Tumingala ako , para Tingnan kung lalaki ba to .
Isang mukhang nagpalakas ng tibok ng aking puso .
" D-demon? "
Sinu.ot nito sa akin ang kanyang Helmet at Hinubad ang jacket nito at pati yun ay Sinu.ot niya sa akin.
Nilahad niya sa akin ang kanyang mga palad na nagsasabing Tumayo na ako.
Nang mga oras na yun , ay nakaramdam ako ng ginhawa at kumportableng pakiramdam.
Sumakay ito sa kanyang motor ,
" Halika na "
Kinuha ko ang bag ko , na may mga damit ko pero kinuha niya yun at sinabit sa kanyang leeg.
Nang sumakay na ako ay nagsalita ito.
" Pwedi bang yakapin mo ako , para maibsan din ang ginaw ko?"
Oo nga pala , White tshirt nalang ang su.ot nito at basang basa pa sa ulan , mas lalo pa talagang lumakas ang ulan .
Nahihiya akong yumakap sa kanya.
Pero wala akong magawa . Dahan dahan akong yumakap at mas lumapit pako sa kanya at ang ulo ko ay nakalapad sa kanyang malapad na likod na mas lalong nagparamdam sa akin na , OKAY lang ang lahat.
Malayo layo pa ang byahe namin aabutin pa ng Umaga .
Una kung punta sa maynila ay nagbarko ako , dahil nasusuka ako sa bus.
Baligtad nga eh , dapat masusuka ako sa barko dahil sa mga alon . Pero mas makaramdam ako ng kumportable pag barko.
Pag nag bus ka galing sa amin , at papuntang maynila ay mabilis lang ang byahe .
Pinabilis ni demon , ang Pagpatakbo , kabang kaba pa ako dahil baka madisgrasya kami .
Pero sa kabila ng lahat ng yun , mas nangibabaw parin ang naramdaman kung pagka kumportable sa pagkakayakap sa kanya.
( " Gab? Pag nawala ako ? , pwedi bang andyan ka para sa kanya? ")
Naalala ko ang sinabi ni leon sa akin , pero para atang si Demon ang andyan pag walang andyan sa akin .
BINABASA MO ANG
THE BRIDE OF THE DEMON
RomanceDemon Miguel ay isang Leader ng isang Ma impluwensya na Mafia Gang sa bu ong mundo . dilang Mayaman , Ubod pa ng kagwapuhan ,Matipuno , pero ubod din ng kasungitan at kademonyohan. Kung pag uusapan ang pagmamahal ay hindi siya naniniwala doon . D...