ROSE HURRIEDLY ducked herself behind her precious flowers. Dumagundong ang tibok ng puso niya. Si Thorn ba talaga iyong nakita niya? She nervously peeked at the glass window to check if he was still there. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala na ito. She crinkled her nose. Bakit niya kailangang magtago? Wala naman siyang kasalanan dito ah!
"May problema ba?" untag ni Nicanor na kanina pa nagtataka sa inaakto niya.
Napailing siya. "W-wala. Magtrabaho na nga lang tayo," she dismissed.
"Oh, ano'ng nangyari? Tinotopak na naman ba si Ate?"
Naniningkit ang mga matang napatingin siya kay Daffodil na kapapasok lang sa shop. Kasunod nito si Daisy. "Wala ba kayong pasok?" sikmat niya.
"Ako wala," nakangising ani Daffodil. "Wala yung mga prof ko, may seminar."
"Ako meron," sagot naman ni Daisy.
"Oh, hetong baon mo." Inabutan niya si Daisy ng singkwenta pesos. "Huwag mo akong sisimangutan ng ganyan at baka samain ka sa akin," sikmat niya nang sumimangot si Daisy.
"Ate naman eh. Kulang ito," reklamo ng kanilang bunso kahit na lumuluwa na ang mga mata niya sa pagbabanta rito.
"Para sabihin ko sa 'yo, noong ako pa ang nag-aaral eh—"
"—bente pesos lang ang baon ko! Ni hindi nga ako nagre-recess noon para makatulong kina Mama't Papa eh! Lalo na noong nagkasakit si Lolo," dueto ng dalawa kapatid niya.
"Ate, kabisado na namin iyang linya mo," ismid ni Daisy.
"Tsaka isa pa Ate, panahon pa ni kopong-kopong iyang kwento mo eh. Malaki-laki na kaya ang bente pesos noong kapanahunan mo. At noong maibalik ni Lolo ang dating sigla ng flowershop na ito, guminhawa na ang buhay natin, remember?" nag-roll eyes pa si Daffodil.
Not too long ago, Amor Eterno almost stopped operating. Noong magkasakit kasi ang Lola Camelia niya ay halos walang naging panahon ang kanyang Lolo Alejandro na patakbuhin ang flowershop. Matagal na nagkasakit ang kanyang Lola, kaya matagal ding napabayaan ang Amor Eterno. Inakala nila noon na hindi na muling makakabangon ang flowershop lalo na noong namatay ang kanyang Lola at naiwang may sakit ang kanyang Lolo Alejandro.
Ngunit makalipas ang tatlong buwan matapos mamatay ng kanyang Lola ay muling pinasigla ng kanyang Lolo ang flowershop bago ito bawian ng buhay. Bago ito pumanaw twenty years ago ay ibinilin nito sa kanila na huwag na huwag nilang hahayaang mawala ang flowershop. Ibinalik niya ang kanyang tingin kay Daisy na sambakol pa rin ang mukha.
"Dudukutin ko talaga iyang mata mo!" singhal niya. Kumuha siya ng isa pang singkwenta pesos at ibinigay iyon dito. "Ayan! Daming reklamo. Huwag na huwag akong makakakita ng kung anu-ano'ng Korean posters sa kwarto mo ah? Lalo na iyong mga EXO EXO na iyon! Kundi, malilintikan ka talaga!" banta niya. Paborito kasi nito ang nasabing Kpop group.
"Opo Ate," labas sa ilong na tango nito. "Sige, alis na po ako."
Nang makitang may balak sumuno ni Daffodil sa bunso nila ay agad niya itong sinita. "Oops oops oops! Saan ka pupunta?" nakapamewang na tanong niya.
"Ihahatid ko si bunso," Daffodil replied.
"Hindi. Dito ka lang. Samahan mo akong magbantay sa shop. Si Nicanor na ang bahalang maghatid sa kanya," utos niya. Padabog na naupo ito sa isa sa mga couch na naroon. Biglang tumunog ang telepono kaya hindi na niya nasita ang pagdabog na ginawa nito.
BINABASA MO ANG
Rose's Thorn PHR
Roman d'amourSabi ng iba, life is like a rose daw, full of thorns. Kaya ba ganoon ang peg ng buhay ni Rose Sagrado, isang simpleng dalaga na nagkamaling makadaupang-palad si Thorn Contreras-ang living "tinik" ng buhay niya? Unang pagkikita pa lang nila ng arogan...