ùno , dós, tres, quatro, cinco, sais, SEVEN and my name is Leigh Ann Kalingkingan and I am finding for nothing!
Nagsimula ang lahat sa isang tradisyon na nagbunga ng komplikadong sitwasyon.
Sa kagustohan kong mapabilang sa Royal Ace Media at pangar...
Ang komplikado at magulong buhay kong ito ay nagsimula sa isang pangarap.
Pangarap na siya ring papatay saakin.
Ang makapasok sa isang prestigious at kilalang paaralan ay himala para saakin bilang isang hamak na average student lang.
Hindi kami mayaman, wala akong magandang katangiang pisikal pero maganda naman ang aking motibo sa pagpasok ko sa Littleton Royal Ace University.
Ngunit ang misyon kong makapagtapos at ang tanging pag-asa ko 'y naglaho ng sirain ng sarili kong pangarap ang pangarap ko.
Nakakalito hindi ba?
Nangyari ang lahat ng bigyan ako ng pagkakataong mapabilang sa isang media journalist at broadcasting team ng university. Ginusto ko naman ito dahil pinangarap ko talagang maging isang Reporter katulad ng tatay ko.
Oo, aaminin kong kahit papaano ay maswerte akong napabilang ako rito dahil sa pamamagitan nito 'y natutustusan ko ang pangangailan ko sa pamamagitan ng pagiging scholar ng bayan.
Ngunit kung titimbangin, mas higit na kamalasan ang nangingibabaw sa pagiging miyembro ko sa Royal Ace Media.
Nagsimula ang lahat ng sundin ko ang tradisyonal na nakagawian ng grupo.
Nakilala ko ang isang taong hindi ko inaakalang magiging malaking bahagi ng buhay ko. Nakilala ko silang magiging dahilan para maging komplikado ang buhay ko. Nakilala ko ang lahat ng tao at kaluluwang hindi ko dapat makilala.
Nakilala ko ang pitong lalaking hindi ko makita ngunit nagpaparamdam. Minahal ko sila ngunit mas may higit pa.
Nalilito ako kong si Seven ba at ang pitong lalaking hindi ko batid ang pinagmulan ay iisa.
Paano kung ang pitong lalaking Nakilala ko ay patay na?
Paano kung si Seven at ang 7 mysterious guy ay iisa?