Chapter 27

90 1 0
                                    

Chapter 27

Hades Pov.

Nandito kami ngayon sa loob ng barko na magdadala ng illegal na armas sa North Harbor Pier. Tulad ng plano ay pasasabugin namin ni Calix ang barkong ito bago dumaong.

Naglagay kami ng mga bomba sa bawat sulok ng barko. Napatago ako sa likod ng pader ng biglang may magpaputok sa gawi ko.

Nalintikan na.

Agad akong sumenyas kay Calix na icover ako. Gumanti siya ng tatlong putok at ginamit ko ang pagkakataon na yun na sumugod at pinat*y ang lalaking nagpaputok samin.

"Kailangan na nating umalis. Sigurado akong dadating na ang iba para tingnan kung ano ang nangyari rito." turan ni Calix.

Agad akong tumango at tumakbo kami palabas ng barkong 'to pero bago pa kami makarating sa labas ay may naghihintay ng napakaraming kalaban sa pintuan.

"Ibaba niyo ang mga baril niyo." utos ng isang lalaki habang nakatutok sa amin ang baril na hawak niya.

"Inaasahan na naming mangyayari 'to Montreal kaya ibaba mo na ang baril mo bago ko pa iputok sayo 'tong baril na hawak ko." matigas na pagkakasabi niya kaya dahan dahan kong binaba ang baril na hawak ko ganon din si Calix.

"Magpaalam na kayo." turan pa ng isang lalaki at kinasa ang baril na hawak niya.

Mariin akong napapikit at napapamura sa isip ko dahil sa sitwasyon namin ni Calix ngayon.

Nakarinig ako ng putukan sa iba't ibang direksiyon kaya agad akong napamulat. Ganon nalang ang pagtataka ko na ang kaninang nakatayong mga kalaban ay patay na ngayon at ang iba ay pilit na gumagapang para iligtas ang buhay nila.

Napalingon ako sa likuran ng makarinig ako ng mga yabag papunta sa mga gawi ko.

"Hi." bati sakin ni Siera at kumaway pa habang hawak ang dalawang pistol.

"Anong ginagawa mo dito?" kunot noo kong tanong.

Pero bago pa siya makapagsalita ay binaril niya ang isang lalaki na bigla nalang sumulpot sa likuran niya.

"Pwede bang mamaya nalang ako magchika sayo? Hehehe." saad niya at tinulungan akong tumayo.

"Samantha, Kelly, umalis na tayo." sigaw niya at agad na lumabas si Samantha at Kelly galing sa kung saan.

"Taralets na." usal ni Sam at tinapik si Calix bago ibigay ang isang pistol na hawak niya.

"You need to explain everything later, Kelly." matigas kong sabi kay Kelly bago hinila si Siera palabas at tumalon sa tubig.

Kasabay ng pagtalon namin ay ang pagsabog ng shipment.

Mission Accomplished.

That's My Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon