Chapter 37

94 1 0
                                    

Chapter 37

Criza Pov.

Napamura ako sa isip ko nang makaranig ako ng putok ng baril sa di kalayuan sa amin. Pesteng mga anak ni hudas ito hindi marunong sumunod sa plano.

"Crizanta bilisan mo." sigaw ni Siera sa likod.

"Heto na nga oh, mabilis na bwesit."

Napayuko ako dahil sa gulat ng biglang masira ang side mirror ng sasakyang minamaneho ko.

Mga tangang tauhan ito, saan ba nakuha ni Enrico ang bobo na ito?

"Please wag kang pipikit Samantha." usal ni Siera habang humahagulhol sa iyak dahil sa sinapit ng kaibigan niya.

Palihim akong tumingin sa rear-view mirror ng sasakyan para makita ang ginagawa ni Siera. Nakatakip ang kaliwang kamay niya sa sa kaliwang tagiliran ni Samantha, umaasa na sana mapipigilan nito ang pagdurugo.

Calix Pov.

Mabilis kaming tumungo ni Hades kasama ang lahat ng myembro ng Orion Clan sa hospital pagkatapos naming makatanggap ng tawag galing kay Criza.

Kasulukuyan namin hinihintay ang paglabas ng doctor mula sa operating room kung nasaan si Samantha. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa hindi maipaliwanag na kaba.

Tangina ano ba 'tong nararamdaman ko?

Hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil sa pag iyak si Siera,  kanina pa siya sinusubukang patahanin ni Hades. Ang mga magulang naman ni Sam ay hindi mapakali at hindi mapirmi sa iisang lugar. Nahilamos ko ang dalawang palad ko at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Dok kamusta ang anak ko?"

Mabilis akong napatingin sa mommy ni Sam pagkatapos niyang itanong yun. Tumayo ako at lumapit sa gawi nila ng doktor.

"Okay na ngayon ang pasyente, naalis na ang bala sa loob ng katawan niya. Maya maya ay ililipat na siya ng kwarto, maiwan ko na kayo." tugon ng doctor at iniwan kami.

Nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil sa balitang iyon ng doctor.

Ganyan nga Samantha. Huwag kang mamamatay hanggat hindi mo pa ako asawa. Ako ang dapat mong ligawan, ang kupad mo.

"Sabi na nga ba eh! Matagal talaga mamatay ang masamang damo." pagbibiro ni Kelly.

Buti nalang at busy pa sa kakapunas ng luha at sipon niya si Siera. Kung nagkataong narinig niya yun, isa na namang mahabang paliwanagan.

That's My Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon