Chapter 34

87 2 0
                                    

Chapter 34

Sam Pov.

"Are you sure about this, love?" tanong ni Hades kay Siera.

"Oo naman, kailangang nandon ako love." simpleng tugon lang ni Siera.

Lumuhod si Hades at hinalikan ang tiyan ni Siera pagkatapos non ay tumayo rin siya agad at hinalikan naman sa noo si Siera.

"Nandon na ang buong clan, tara na." sulpot ni Calix at napaunang lumabas ng bahay.

Heto na yung araw kung saan gaganapin ang kasunduan sa pagitan ng dalawang organisasyon. Hindi ako leader ng isang clan pero nakasama ako dahil ako ang kanang kamay ng heiress, ganon din si Calix.

Pagkarating namin sa venue ay agad na nagkalat ang tauhan ng Orion Clan at Montreal Clan. Nandito rin si Mary pero hindi siya pwedeng pumasok sa loob ng venue.

"Magbabantay lang kami rito, mag ingat kayo sa loob." usal ni Mary at iniwan kami.

Pumasok kami sa loob ng Venue—purong nagtataasang leader ng clan ang lahat ng nandito ngunit napako ang paningin nilang lahat sa mag asawang naglalakad.

Ang heiress at ang mafia lord.

"Kinakabahan ka ba?" hindi ko inaasahang tanong ni Calix sakin.

"Medyo lang." simpleng tugon ko sa kaniya.

"Wag kang kabahan."

"Bakit?"

"Wala namang magkaka-interes na patayin ka rito." tugon niya at bahagyang tumawa.

"Gago ka. Kung wala kang magandang sasabihin, wag kang lalapit sakin. Nandidilim paningin ko sayong demonyo ka." pigil inis kong sabi.

"Good evening ladies and gentlemen. Tonight, masasaksihan natin ang pagkakasundo ng dalawang organisasyon. Maaari ko bang imbitahan ang dalawang namumuno sa bawat organisasyon na pumunta rito sa harap?" lintaya ng lalaki sa harap.

Inalalayang tumayo ni Hades si Siera at hinatid ito sa gitna saka bumalik sa pwesto namin. Tumayo naman ang isang matandang lalaki at naglakad papunta rin sa gitna. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao ni Hades kaya agad ko siyang tiningnan. Sa sama ng tingin niya sa matandang lalaking naglalakad ay batid kong si Enrico Vinture ito.

Kung ganon siya rin ang leader ng Mobster Organization?

Nilatag ng lalaking nagsasalita sa gitna kanina ang patakaran na dapat sundin ng dalawang panig. Umabot sa benteng patakaran ang kailangan sundin at ang lahat ng iyon ay sinasang-ayunan ng lahat.

"Ano ang magiging parusa kapag may lumabag sa patakaran?" seryosong tanong ni Siera.

"Kamatayan." simpleng tugon ng lalaking nagsasalita sa gitna.

"Kung ganon magdadagdag ako ng isang patakaran." kaswal naman na sabi ni Siera.

"Sino ka sa tingin mo para magdagdag pa ng patakaran?" nakangising tanong ni Enrico kay Siera.

"Hindi pa man nagsisimula ang kasunduan natin pero parang nakakalimot kana sa taong kaharap mo ngayon Enrico Vinture. Bakit nga ba naisip mong makipagkasundo kung gayong nag alsa ka ng matataas na klase ng armas galing sa ibang bansa para lumikha ng malaking gulo sa pagitan ng organisasyon natin? Wala ring kapatawaran ang pagtangka mo sa buhay ko. Kaya bigyan mo ako ng isang magandang rason na ikakatuwa kong buhayin ka."

Nanindig lahat ng balahibo ko dahil sa maawtoridad na pagkakasabi ni Siera ng mga katagang yun.

"Masyado kang mapagmataas, Mafia Heiress. Hindi ko alam ang pinagsasabi mong pag alsa ng mga armas at pagtangka sa buhay mo."

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa kasinungalingan ng lintik na yun.

"Inaasahan ko na itatanggi mo yan. Sa totoo lang hindi namin kailangan makipagkasundo sa inyo dahil kung gulo ang gusto niyo, digmaan ang ibibigay namin sa inyo."

Agad nagsitayuan ang lahat ng myembro ng Mafia Organization kaya agad akong tumakbo papunta sa gawi ni Siera. Pumwesto ako sa likod ni Siera at hinawakan ng kanang kamay ko ang braso niya at ang kaliwa naman ay may hawak na baril.

Ngumisi si Enrico Vinture at tinaas ang kamay niya para pigilan ang pagbunot ng baril ng ibang tauhan niya.

"Alam ko, kaya plinano ko ng mabuti 'to. Nahulog ka sa bitag ko, iha."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay binaba niya na ang kamay niya at kasabay non ang pagdilim ng buong paligid. Nag umpisa ang putukan ng baril sa iba't ibang direksiyon kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ni Siera.

Napaluhod ako ng may tumamang matigas na bakal sa batok ko pero hindi ko parin binibitawan ang braso ni Siera.

"S-siera." tawag ko sa kaniya.

"Ayos lang ako. Ikaw?" tugon niya.

"Masakit ang kingina."

Sinubukan kong aninagin ang buong paligid pero wala talaga akong nakikita.

Leche ang sakit ng batok ko.

"Boss ayaw bitawan ng isa ang heiress." rinig kong sigaw ng isang lalaki malapit sa gawi namin.

Kahit gusto ko man iputok ang hawak kong baril ay hindi ko magawa dahil baka madali si Siera.

"Inutil. Dalhin mo silang dalawa." sigaw rin ng isa pa.

Nakaramdam ako ng malamig na bakal sa sintido ko at kamay sa braso ko. Agad niya kaming itinayo at tinulak para maglakad. Mabilis nila kaming nadala ni Siera sa labas ng venue at pinasok sa loob ng itim na van. Pagkapasok sa van ay tinakpan nila ng itim na tabing ang buong ulo namin ni Siera, wala akong ibang nakikita kundi dilim.

Tangina! Kung hindi lang sana buntis si Siera.

That's My Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon