Chapter 28

86 1 1
                                    

Chapter 28

Sam Pov.

Nakarating kami ng bahay ni Hades na basa kaya agad muna kaming nagbihis at bumalik ulit dito sa sala para ipaliwanag ang nangyari.

"Bakit nandon sa lugar na yun ang asawa ko, Kelly?" galit na tanong ni Hades sa kapatid ko pero nanatiling nakayuko lang si Kelly.

"Wala namang kasalanan si Kelly, bakit mo siya sinisigawan?"  nakangusong turan ni Siera.

Totoo naman yun, wala talagang kasalanan si Kelly dahil ang bibig ko ang di ko napigilan. Naikwento ko kay Siera yung tungkol sa shipment kaya nagpumilit siyang sundan si Calix at Hades.

"Bakit ka nandon sa lugar na yun? Umalis kami ni Calix na nandito ka sa bahay kaya sino ang nagdala sayo ron?" baling ni Hades sa asawa.

"Yung kotse ni Sam." nakanguso paring sagot ni Siera.

Tangina, kakaiba talaga ang katangahan ng babaeng 'to.

"What the hell? Alam mo ba kung gaano ka delikado yun, Siera?" ubos pasensiyang tanong ni Hades.

"Nagbaril barilan lang naman tayo ron." nakayukong sambit ni Siera habang nilalaro ang hintuturo niya.

"Baril barilan? Kapag tinamaan ka non, patay ka." singhal ni Hades kaya agad na tumingin sa kanya si Siera na naluluha.

"Kung di kami dumating patay kana, gusto mo ba akong maging byuda ng maaga?" kunot noong singhal din ni Siera sa kanya.

Napatitig sandali si Hades sa kanya at bumuntong hininga.

"Sayang di natin nahuli si Mr. Smith." bulalas ni Calix at pinagkrus ang dalawang braso niya.

"Sinong may sabi sayo?" nakangisi namang tanong ko sa kaniya.

"What do you mean?" takang tanong naman ni Hades

"Bago kami pumuntang tatlo sa shipment, pumunta muna kami sa North Harbor Pier. Hawak ng Orion Clan ngayon si Mr. Smith at hindi ko alam kung buhay pa yun. Asintadong bumaril si Siera, tinamaan sa pwet ang gago." natatawang paliwanag ko.

"Damn it! You made me worried, Siera." bulalas ni Hades at umupo sa isang sofa.

"Hades, sorry na." malumanay na sabi ni Siera.

"Don't talk to me."

"Hades...."

"Shut up, Siera."

"Hades naman eh."

"I said shut up."

"Love?"

"Fine, basta wag mo ng uulitin yun."

Wow! Ang rupok naman HAHAHAHAHA.

"MARUPOK AWARD GOES TO TENTENENEN HADES MONTREAL." sigaw ni Calix at humagalpak ng tawa.

"Tumahimik ka Alvarez." sita sa kaniya ni Hades.

Niyakap ni Siera si Hades at hinalikan ito sa pisngi. Pilit namang iniiwas ni Hades ang paningin niya kay Siera habang pinipigilan ang pagngiti niya.

Sanaol may jowa tangina.

"Hoy Calix." tawag ko sa mokong.

"Ano?"

"Hindi ka ba galit sakin?" nakangiting tanong ko sa kaniya.

"Bakit naman ako magagalit?" inosenteng tanong niya kaya agad akong ngumuso.

"Dahil nag aalala ka sakin? Na baka natamaan ako ng bala at mamatay?"

"Bakit ako mag aalala sayo? Jowa ba kita?"

"Tangina mo, fuck you to death Calix Alvarez."

Hindi siya sumagot at hugalpak sila ng tawa ni Kelly.

Manhid. Walang puso. Walang pakiramdam tangina.

"Asang asa ka kay Calix, ate." natatawang usal ni Kelly.

"Anong pake mo?" mataray na tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot at tumawa nalang.

Mga gago kayo huhu.

"Heto ang tatandaan mo Calix Alvarez, from now on i hate you na." sigaw ko kay Calix at padabog na naglakad papunta sa kwarto ko.

Manhid kang tangina mo ka.

That's My Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon