Looking at her face, pakiramdam ko, nakatingin lang ako sa sarili kong repleksyon. Ito ang unang beses na nakita ko siya sapagkat kanina ko lang nalaman ang tungkol sa kaniya.
Nakahiga ang babae sa gitna ng malawak na silid, at napapalibutan ng iba't ibang makinaryas na tumutulong para siya’y makahinga. Kahit walang malay, mukha pa rin siyang prinsesa. Her small face suited her perfect locks. Kumpara sa akin na mayroong tuwid na tuwid na buhok.
Iyon lang ang pinagkaiba namin physically, pero we have the same exact look, personality and memory.
But internally, she is human, and I am not.
Ang buong akala ko, anak ako ng mag-asawang scientist na namumuno ng First World Technology, pagkat ‘yon ang sinabi nila sa akin. Sila ang pinakautak sa paggawa ng mga Human-like Artificial Intelligence na ngayon ay nakakasalamuha ng mga tao.
Dahil sa program na mayroon ang system ko, hindi ko alam na katulad din ako ng mga robotic AI na mina-manufacture ng First World. I can feel pain, I can eat, I can see my own blood, nararanasan ko rin ang monthly period.
But all of that is fake.
Pinaniwala nila ako na isa akong tao, katulad ng mga magulang ko.
Not until magkaroon ng problema sa pag-update ng mga AI last week.
Dahil sa malfunction, unti-unti kong na-realize ang dapat matagal ko nang nakita. My body is made up of high quality silicon, at ang nilalaman ng kabuuan nito ay wires at magaang klase ng steel that acts as my bones.
Kaya naman pala mataas ang brain capacity ko, kumpara sa mga tao. Akala ko dahil lang ‘yon sa memory chip na itini-test at nakatanim sa utak ko.
I started asking myself kung anong nangyayari. Hindi ko matanong sa iba. I couldn't trust anybody, even my beloved mother. Alam kong 'di ko na siya puwedeng pagkatiwalaan. Wala akong puwedeng pagtiwalaan kundi ang sarili ko.
I scan my memory habang nagtataka kung bakit parang totoo ang lahat, magmula noong pagkabata ko, hanggang sa lumaki ako. Doon ko natuklasan na ang nilalaman ng memory chip na mayroon ako ay may ibang source na pinagkukunan. I run all my programs para ma-checked kung saan 'yon posibleng manggaling.
At dito ako napunta sa silid na nasa pinakamataas na palapag ng First World Building, ang pinakatagong lugar na hindi maaaring mahanap ng unauthorized staff, even an AI like me.
Pasalamat na lang ako at muli na namang nag-malfunction ang First World.
And guess what, kung sinong may kagagawan?
It was none other than me.
My system subconsciosly protected me. Ang inakala nilang problema sa update ay nagsimula noong subukan nilang alisin ang aking memory chip para ilipat sa human Adelaine.
Gusto na nilang mawala ako at kapag nagtagumpay sila, magigising na ang babaeng nasa harapan ko.
I suddenly felt virtual tears flowing down my cheeks. Alam kong hindi totoo ang mga patak ng luha na ito, pero bakit ganito? Bakit ako nakakaramdam ng milyong-milyong tinik na tila sabay-sabay na tumutusok sa sistema ko? As if my hardware and softwares can feel it physically.
Tumatakbo sa isipan ko ngayon ang masasayang sandali kasama sina Mommy at Daddy. We were so happy noong nagpunta kami sa amusement park. Napakaingay ng paligid dahil sa malalakas na sigawan ng mga taong nakasakay sa exciting rides.
My parents love me deeply. I know sa mga oras na 'yon, totoo ang pagmamahal na naramdaman ko. But now, I learned na hindi pala para sa akin 'yon, kung 'di para sa totoong Adelaine.
Because that memory is hers.
Nalaman ko through my scan that I was manufactured a year ago, shortly before masangkot sa isang car accident ang human Adelaine.
Si Mrs. Takamura, ang ina ng babaeng kamukha ko ay muntikan nang mabaliw, kaya naisipan ng asawa nito na buuin ako, isang AI na kamukhang-kamukha ng anak nila at may kakayahang makaramdam ng pagmamahal, at kaya ring makapagbigay niyon.
That is why I am in this mess.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories By Ayacintha
Short Story*Compilation of my One Shot Stories *Color Coded Fantasy* Ilang porsiyento lang ba sa isang milyong pagkakataon ang posibilidad na iyong marating ang mundong hindi pamilyar sa mga mortal? Sa hindi inaasahang pangyayari, nagawa ng isang kilalang pin...