BWRC Christmas contest prompt
Silent Night/Horror***
Napakadilim ng aking paligid.
Para akong nasa gitna ng kawalan.
Nakalutang at mistulang malayang dumadaloy.
Ngunit ang totoo’y isa lang akong bilanggo.
Ni hindi ako makagalaw.
Ni wala akong ibang makita.
May ingay lamang akong naririnig mula sa kung saan. Tuloy-tuloy ang pagtunog nito na ‘di ko mawari kung ano ang pinagmumulan.
Bukod sa matining na tunog na tila sumasakop sa aking kaisipan, mayroon pang ibang nahahagip ang aking pandinig.
Mga pamilyar na tinig.
Minsan malinaw, kadalasan ay malabo. Parang nariyan lang sila, ngunit pakiramdam ko'y napakalayo nila. Tila nasa isa akong malalim na balon habang sila’y aking naririnig.
Palagay ko’y ang isa sa mga 'yon ay boses ng isang matandang babae. Kataka-taka lang na sa tuwing iyon ay nagsasalita, lubos namang gumagaan ang aking pakiramdam.
"Dok, this is a good sign, right? Ang paggalaw ng daliri ng apo ko. Ibig sabihin, malapit na siyang magising, ‘di ba?"
"Yes, it is. Pero hindi pa po natin masasabi kung kailan talaga," tugon ng tinig ng isang lalaki. "Maiging maghintay pa po tayo ng ilan pang mga araw."
Ako ba...ang pinag-uusapan nila?
Nasaan ba sila?
Patay na ba ako?
Biglang napuno nang masidhing takot ang aking kabuuan. Unti-unti itong sumasakop sa buo kong katauhan. Sa kaloob-looban ko, alam kong ako ay luhaan.
Gusto kong sumigaw, pero hindi ko ito magawa. Isa pa, nababatid ko naman na walang ibang makaririnig sa akin. Ni hindi ko alam kung nasaan ako o kung bakit nangyayari sa akin ‘to.
"Elaine, apo. Salamat. Salamat."
Nanuot sa aking ilong ang banayad na amoy ng mamahalin niyang pabango. May esensya ‘yon ng magkakahalong prutas at bulaklak, pero ‘di ito masakit sa pang-amoy, bagkus ay nagpapakalma pa sa nahihintakutan kong puso.
Saka ko lang naalala kung sino ang nagmamay-ari ng boses na ‘yon.
"Lola?" bulalas ng aking isipan.
Naramdaman kong may humaplos sa aking kamay, at mula sa mga haplos na ‘yon ay nadama ko ang labis niyang pag-aalala. Naririnig ko ang kaniyang mahinang paghikbi. May dala itong kakaibang pait na tila lumalason sa aking puso.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories By Ayacintha
Historia Corta*Compilation of my One Shot Stories *Color Coded Fantasy* Ilang porsiyento lang ba sa isang milyong pagkakataon ang posibilidad na iyong marating ang mundong hindi pamilyar sa mga mortal? Sa hindi inaasahang pangyayari, nagawa ng isang kilalang pin...