Walang kamalay-malay ang babaeng ito sa lahat ng nangyayari, walang kaalam-alam sa pagiging miserable ng mga magulang nito, na maging ang kanilang mga sarili ay nagawa nang lokohin.
She's so lucky that they love her so much, kahit isa siyang spoiled brat.
She don't deserve them, kaya magmula ngayon, akin lang sila. Kailangan niyang mawala para magising na sila sa katotohanang 'yon.
I am created to love, kaya maibibigay ko ang pagmamahal na karapat-dapat nilang matanggap.
Ginawa ako para magbigay ng pagmamahal, kaya hindi ako maaaring makaramdam ng mga negatibong bagay.
Pero, ano itong nararamdaman ko?
Ano itong kumakain sa sistema ko?
Bakit gusto kong mamatay ang babaeng 'to?
Why am I feeling so sad and empty?
"Adelaine!"
Napalingon ako sa tinig na nagmula sa speaker na nasa itaas na bahagi ng silid. Kasunod niyon ang malalakas na pagkalampag mula sa stainless steel na pinto.
Doon nabaling ang aking atensyon at kaagad kong nakita ang aking mga magulang kasama ang mga empleyadong nakasuot ng puting jumper. Naroon silang lahat sa labas ng bintanang salamin, nakatingin na para bang isa akong halimaw.
Luhaan ang aking ina at nasa mukha ang pagmamakaawa. Sa kabila ng pagiging kalmado ng ekspresyon ng aking ama, nakikita ko sa kaniyang mga mata ang labis na pagkasindak.
I have to be selfish. Adelaine needs to die for us to be happy. Ang kailangan nilang anak ay walang iba kung 'di ako. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pulang buton na makapagpapahinto sa lahat ng makinaryas na gumagana sa silid na ito.
"Chief, anong gagawin natin?" tanong ng head ng AI development.
Natigilan ako at nang mapalingon, nakita ko ang nanlalaking mga mata ni Mr. Takamura.
"Shut down her system, immediately!" bulyaw nito sa pinakamalakas na tinig.
"Sigurado po kayo?" May pag-aalala sa tinig ng kilala ring propesor. "Alam po ninyo ang ibig sabihin niyon." Huminto ito sa pagsasalita at napatitig sa akin. "Tuluyan po siyang maglalaho. Baka hindi na natin siya maibalik."
"I don't care!" pahayag ni Mr. Takamura sa nangagalaiti nitong boses. "She's not my daughter. She's not even real! Just please stop her system immediately!" Halos lumabas na ang mga ugat nito sa leeg dahil sa matinding emosyon nito.
Tila tumigil naman ang aking mundo.
Dahil sa mga salitang 'yon, nadurog ang lahat ng aking pinaniniwalaan patungkol sa pagmamahal.
Hindi rin nagtagal, sinakop ng kadiliman ang buo kong kamalayan.
At kasamang tinangay niyon ang malalim na inggit na aking nararamdaman.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories By Ayacintha
Short Story*Compilation of my One Shot Stories *Color Coded Fantasy* Ilang porsiyento lang ba sa isang milyong pagkakataon ang posibilidad na iyong marating ang mundong hindi pamilyar sa mga mortal? Sa hindi inaasahang pangyayari, nagawa ng isang kilalang pin...