TAKE NOTE:
This whole story is fiction.
Some of the characters, places,names used in this story have no connection to any existing in real life.
Pero tulad nga ng sinabi ko sa description ko. Yung ibang mga scenes dito ay experience ko at experience din ng iba (friends, family, loved ones at nagpaalam naman ako sa kanila and they said yes!)
But you are free to comment kung may violent reaction or suggestions kayo about my story..
******Special thanks to my bok kung hindi dahil sayo hindi ko mapupublish to, thank you for supporting me lalong lalo na mga sa kalokohan ko.
I want to thank also the guy who broke my heart.
He is the reason why I'm writing this story.
Sabi nga nila.
Ang mga taong heartbroken, they are the ones who are more creative.
Siguro nga tama yun.
Hindi ko naman maiisip tong title na 'to kung hindi mo sakin sinabi to eh.
so THANK YOU.
And lastly, sa mga friends ko since high school at sa present na pinupush akong gumawa ng story. guyzz eto na yun!! HAHAHAHA! Salamat sa mga encouraging words. Dahil dun kaya nagsisipag akong magsulat, salamat talaga!!
SO ENJOY READING GUYZ........:)
Abby's POV
Iba sa atin, hinahanap natin si Mr. Right.
Kung ano ano na lang ang paraan para makilala natin siya, blind date dyan, blind date dito, chat dito, chat dyan, reto dun, reto dito.
Sabi nga nila hindi mo siya matatagpuan kung ikaw mismo hindi ka gumagawa ng paraan para makita ka niya.
But for me, hindi ko na kailangan gawin yun, because
I thought nakita ko na siya..
but I was wrong hindi pala siya si Mr. Right kung hindi siya si Mr. Wrong.
"Never mind I'll find someone like youuu, I wish nothing but the best foooor youuu twooo..."
Nagwawala slash umiiyak slash naloloka habang kumakanta dito sa....
Teka....nasan nga ba ako?!
----flashback
*Before the malagim na eksena..
Sa wakas nakauwi na din, nagutom ako dun ah. Galing kasi ako sa meeting,at ang magaling na Jeon na sumundo sakin hindi man lang ako pinakain. Buti na lang at may natira pang pritong isda dito sa ref, iinit ko na nga lang.
Hayzztt.. Pritong isda na naman, kulang na lang magkaron na ako ng hasang nito. T__T
Makakain na nga lang.
*habang kumakain
Napakatahimik naman, buksan ko na nga muna ang TV.
TSISMIS MINUTE (Palabas sa TV)
Umuusok at nagliliyab na tsismis, ang pinakasikat at pinagkakaguluhan ngayon sa social network, si Miss Katherine Lopez, may boyfriend na?
"Katherine Lopez? Sino yun?"
tanong ko.
Sa mga hindi nakakaalam
"Yung totoo? Naririnig niya ako?"
Si Miss Katherine Lopez ay isa sa mga pinasikat na personalidad ngayon hindi lang dahil sikat siyang modelo sa ibang bansa, kaisa isang anak din siya ng CEO and President ng Skylyn Corporation kaya marami talaga siyang mga suitors around the world, pero ang kinabigla ng lahat ay sino ba talaga tong tinatawag na LUCKY GUY dahil napasagot niya ang isang katulad ni Miss Katherine.
BINABASA MO ANG
Finding Mr. Kanan
RomancePano nga ba talaga mahahanap ang Mr. Right ng buhay mo? Kailangan ba talaga ng mga signs para masabi na siya talaga si Mr. Right? Paano pag hindi tugma lahat ng signs na yun sa lalaking nakalaan para sayo? Matatawag mo pa din ba siyang Mr. Right? A...