HEBRON

7 1 0
                                    


Mukha ni Nabeel ang unang nabungaran ni Vera nang mamulat ang kanyang mga mata.

"Magandang umaga." Masaya ang ngiti ni Nabeel.

Umupo si Vera mula sa pagkakahiga. Naninibago man sa kabaitan ni Nabeel sa kanya ay hindi na nahiya si Vera na mag-inat ng sarili. Napuyat sya sa dami ng mga kamag-anak nyang pinakilala sa kanya kagabi.

Marami syang tanong na alam nyang masasagot ni Nabeel. Lagi kasing sinasabi ng mga taong kamukha nya si Helen. Sino si Helen? At sino rin si Caleb? Inalala ni Vera ang nangyari kagabi.

"Posible ba nating ma-trace ang bloodline natin pabalik kay Helen tita?" Tanong ng isa sa mga pinakilalang pinsan nya, sa ina ni Gervis.

"Ang tatay ni Gervis na ka-bloodline ni Vera ay hanggang kay Nehemias lang pwedeng ma-trace, wala pang 200 years ago." "S..sino si Nehemias?" tanong ni Vera, gabing-gabi na ay wala pa ring gustong magpatulog sa kanya.

"Isa sya sa gumawa ng Hebron community para madesign itong matibay na fortress ngayon. Magaling syang engineer." Kahit ipaliwanag ay maraming hindi maunawaan si Vera sa mga bagong nalalaman.

"Ilang taon ba ang tracing pabalik sa angkan ni Helen?" Tanong naman ng isa pa.

"Hala sya! Absent ka ba sa school nung tinuro ang history? More than 500 years back."

May school sila, sa isip-isip ni Vera. Pinaliwanag ng ama nya kung ano ang school noong bata pa sya pero wala sila nito sa community na kinalakihan nya.

"Grabe sya! Present ako pero mas nag-concentrate ako sa kwento nila ni Caleb." Kilig na nagtawanan ang mga kabataang babaing kaedaran ni Vera. Sinaway naman sila ng matatandang naroroon din.

"S..sino si Caleb?" tanong muli ni Vera.

Natahimik ang mga naroroon. Naghihintayan kung sinong sasagot sa tanong ni Vera.

"Lumalalim na ang gabi, nangangalumata na si Vera. Magsi-uwi na kayo para makapagpahinga na sya." Putol ni Rebekah sa usapan.

"Anong oras na ba?" tanong nya kay Nabeel. Hatinggabi na ata nang naihatid sya ni Rebekah sa silid kung san sya nakapahinga.

"Tanghali na sleeping beauty, tulog ka ng tulog." Inabot ni Nabeel ang kamay ni Vera at pinilit nitong itayo ang dalaga.

"Tara kumain ka na, tapos maghanda ka, may pupuntahan tayo. Heto binigyan ka ni tita Rebekah ng mga bagong damit. Dali!"

"S..sige...heto na heto na... Ano ka ba!? Natataranta ako..." Natutuwa si Vera dahil hindi na talaga masungit si Nabeel sa kanya.

Tiningnan ni Vera ang suot nyang damit, kamukha na sya ng mga taga Hebron. Parang malaking panyo ang nakatabing sa katawan ni Vera at nakatali sa bukas nyang likuran. Napapartneran ito ng maikling palda na may built-in underwear shorts na hindi sya makikitaan kahit bumuka pa sya. Organic na telang parang balat ng hayop pero presko ang lapat nito sa kanyang katawan kahit sa gitna ng init ng araw.

Wierd pero kumportable ang pakiramdam nya sa sarili. Sinuot ni Vera ang boots na gawa rin sa balat ng hayop. Hanggang ibaba ng tuhod nya ito kaya naman kahit maikli ang palda ay bahagi lang ng hita nya ang makikita ng mga tao. Pakiramdam ni Vera ay isa syang babaing mandirigma. Astig! Tumindig si Vera na parang matapang. Hmmm... ganito pala ang pakiramdam ng maging Jabezzite warrior. Alam na ni Vera ang tungkol dito at sa lahing Jabezzites kung saan sya nagmula. Ang sabi ng kanyang tiyahin ay kailangang malaman nya ang history nila sa lalong madaling panahon. Siguro ito ang dahilan kung bakit minamadali sya ni Nabeel sa lakad nila.

Alanganing lumabas ng moog si Vera, doon naghihintay si Nabeel. Maraming tao na naman ang nag-aabang sa labas ng moog

nila. Ang iba ay napatigil sa kanilang ginagawa nang lumabas si Vera. Maging ang mga elders kahit pilit itinatago ang pagkamangha ay hindi rin mapigilang mapatitig kay Vera. Narinig ni Vera ang bulungang hindi nya maintidihan buhat sa mga tao. Abot ang ngiti ni Nabeel sa kanya.

My Name is NovemberWhere stories live. Discover now