Chapter 16

257 10 0
                                    

Kaythee POV
Andito kami ni kuya James sa mall. Nagpasama kasi siya, bored na raw siya sa bahay. At share ko lang na may Nintendo Wii Supreme, Play Station VR, gym, infinity pool, library, movie theater, at mini arcade room (na may pool table, soccer table, tsaka videoke) sa bahay. But yes, bored pa rin siya. Tae, kung ako yun, pwede na ako isang taon lang sa bahay eh. Di talaga ako mabobored siz. Di pa rin talaga ako sanay sa buhay-mayaman.

"Kylie, look! Do you think this suits me?" linagay niya sa harap niya yung light blue na polo na may stripes para mukhang suot niya ito.

"Hmm okay lang naman siya." Tango ko sa kaniya

Nagpout siya, "Does it not look nice? Well, figures. You're the only one who looks nice."

Napaubo ako, "What?"

Natawa siya, "Hahahhaa sorry, sorry. I can't help it, you're just too cute whenever I tease you."

Tinaas ko yung isa kong kilay at nagpamewang. Ay ito nanaman siya. My flirty brother is back at it again. Lagi niya 'to ginagawa pag may chance siya hayyy.

"See? Hahahaa too cute." saad niya. Kinurot niya ako sa pisngi tas bumalik na ulit siya sa paghahanap ng damit.

"How 'bout this? Does this look good?" isang floral na polo naman ang pinakita niya.

"Hmm parang bagay nga siya sayo, kuya"
Mas bet ko yung pinili niya
Lumaki lalo yung pag ngisi ni kuya, "Really? Okay, I'll buy it." sabi niya at dirediretso siyang pumunta sa cashier.

"Lah kuya, 'di mo ba susukatin para tignan kung sakto ba yung sukat ganun?"nakasimangot kong Tanong sa kaniya.

"Huh? What do you mean?"naguguluhan niyang Tanong sakin

"Ha? Hakdog. Punta ka muna sa fitting room kuya james para sure. O kaya ipatong mo diyan sa suot mo" Ayaw niya talaga isukat

"That's not necessary. Let's just buy a new one if it doesn't fit." Para akong nawindang sa sinabi ni kuya James. Seryoso ba siya. Nagbuntong hininga nalang ako dahil mukhang desidido siyang bilhin na yung polo. Kaythee masanay ka na. Pinanganak silang may golden spoon sa bibig.

"Are you okay, Kylie? You don't look good." saad niya na parang nagaalala. Nagulat ako ng hawakan niya ang noo ko.

"A-ahh okay lang ako kuya hehehe." Sino bang makakatayo ng maayos pagkatapos gumastos ng 1k+ na hindi naman sure kung kasya ba sayo o ano.

"I know, let's go over there." tinuro ni kuya James yung labas kung saan kita mo ang bay. Ang ganda, kitang kita ang paglubog ng araw. Tas rinereflect yun ng dagat. Ang daming nagpipicture. Ang daming pamilya at magjowang nakatambay.

"Ang ganda." saad ko habang nagpipicture, pangpost sana sa IG mamaya hihi.

"You're more beautiful though." saad niya habang nakangiti. Napatitig ako sa kanya nang bigla niyang sinabi, "Oh, do you want ice cream? I'll buy for you, okay? They say eating ice cream can cheer up a cute crying girl."

"Really? Thank you kuya! Yung cookies and cream sakin hihi" nagnod siya at ngumiti tas pumunta na sa bilihan ng ice cream. Natouch naman ako, ang sweet ni kuya.

Napalingon ako sa likod ko. Weird. Feeling ko may nakatingin. Nagkibit balikat ako. Char baka imagination ko lang.

Natauhan ako nang bumalik si kuya James, hawak-hawak ang dalawang ice cream. Nagthank you ulit ako sa kanya tas nagsimula na akong lumamon.

"Ay!" saad ko nang matapunan ng ice cream ang damit ko, "Huhuhu favorite dress ko pa man din 'to."

"Oh no, wait I have a handkerchief here." Dali-daling kumuha si kuya James ng panyo at inabot sakin.

My BRO'S and me [COMPLETE]Where stories live. Discover now