Kaythee POV
Sinabi na sakin Lahat Lahat ni nanay mismo, halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Yakap yakap ko Lang ang unan ko habang bumuhos ang aking mga luha sa mga mata. Mahirap tanggapin pero wala akong choice. Pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa salamin.
Kita ko salamin na napakadungis ko,madumi at mabaho. Matatanggap kaya ako ng tunay kong pamilya?.
Biglang May kumatok sa pinto, si nanay Lang pala.
"Nak ayos ka Lang ba?" Nagaalalang Sabi ni nanay
"Opo nay ayos lang ako"nakangiting Sabi ko kay nanay at niyakap ako ng mahigpit.
"Nak bukas maghanda ka Aalis tayo" kumunot ang noo ko sa sinabi niya at humiwalay sa yakap.
"Bakit nay San po tayo pupunta?"Tanong ko at nanatiling tahimik si nanay.
Bumuntong hinga muna ito bago magsalita.
"Pupunta tayo sa mga tunay mong magulang" nagulat ako sa sinabi ni nanay at di ko pa tanggap na mawalay sa kanila.
"Nay pwede bang sa susunod na linggo na Lang, please nay"nagmamakaawang Sabi ko at tumulo na ang mga luha ko.
"Pasensya ka na anak pero matagal ka na nilang hinahanap" saad ni nanay sakin habang pinupunasan ang luha ko.
"Pumapayag na po ako nay bastat bibisita po kayo ah" saad ko at nakitang ngumiti si nanay.
"Magimpake at magpahinga ka na, maaga tayo Aalis bukas" tumango ako at agad inayos ang mga gamit ko saka lumabas si nanay.
Montefalco's POV
Tomorrow is the day, Our long lost daughter. Our princess is coming home.
We have been preparing a celebration for her, we let her parents stay for night.
My sons are all happy about the announcement also my gorgeous wife.
"SON'S" I shout and all of them look at me
"Please take care and love your sister" they all nodded to me and we can't wait for her tomorrow.
Kinabukasan
Kaythee/Kylie POV
Nakasakay kami sa kotse at nakatingin Lang ako sa bintana, tiningnan ko ang magandang tanawin at ang mga ulap.
Nakarating na kami sa isang malaking bahay. Napanganga ako sa ganda nito at malawak.
Bumaba na kami sa kotse at nakita ko ang isang katulong.
"Ma'am pasok po kayo" agad kaming pumasok sa kwartong itinuro ng katulong at pagbukas ng pinto, tumanbad sakin ang aking tunay na pamilya. Lahat sila'y naka pormal na damit. Nahiya ako bigla sa tuxedo at cocktail dress na suot nila.
"Finally you're here, Kylie! We've all been waiting for you" saad ng isang lalaking mukhang may edad na.
"I'm your dad and this is your mom" saad niya nung lumapit samin ang maganda at eleganteng babae na mukhang may edad na rin.
"We've missed you so much." lumapit sakin si nanay at yinakap ako ng mahigpit, "Honey, introduce yourself to your brothers too, they've been waiting for you." Tumango na lang ako at bumaba sa sobrang laking hagdan na parang yung ginagamit pag sa mga debut. Sa bawat palapag ng hagdanan, sunod-sunod na nakapila ang 10 na lalaki sa hagdanan. Ang gagwapo nilang lahat, para silang mga sculpture na linagyan ng buhay. Bale para akong nasa isang museo na napapaligiran ng maggaandang sining. Teka, lahat ba sila mga kapatid ko?? Seryoso?
Nakaramdam ata si dad na medyo hindi ako komportable dala ng intimidation sa kanila at dahil ngayon ko palang sila makikilala.
"Kylie, these are your brothers, go on, don't be shy to them" saad ni dad sakin. Tumingin sila sakin ng seryoso at tiningnan nila ako ulo hanggang paa, Napayuko ako ng di oras. Feeling ko hindi ako welcome dito. Magaalangan na sana ako nang lumapit sakin ang lalaking pinaka malapit sakin.
YOU ARE READING
My BRO'S and me [COMPLETE]
AléatoireA luxorious life, a hearty home, 18 brothers, and a bumpy road. All of these point toward Kylie Montefalco. Read on and find out as to how she turns her life from simple to grandiose and how she gets by all the challenges posed to her by a nemesis f...