Chapter 08: Skye and Cloud

10 1 0
                                    


Cloud's POV:
Location: Rubio Empire Headquarters, BGC

Matapos naming magkamustahan nila Ate Alda, Jarviz, Ms. Hail at Sir Ave ay biglang nagpaalala si Ate Alda sa akin.

"Siya nga pala Cloud, regarding sa announcement mo as CEO, naisip kong gawin na lang iyon ng thr first Monday after ng concert mo para makapagpahinga ka. Mahirap naman na sumabak ka agad sa trabaho after ng concert mo eh siyempre pagod ka nun. Meron ka pang date, right after nung concert mo." paalala ni Ate Alda

"Speaking of that date! Nabili na pala yung Golden Ticket na iyon, kaya Cloud be ready ha? Hindi namin alam kung sino yung nakabili. It can be anyone, Skye, Jace, Thunder, Rain, Storm, any of you fans. Basta be ready na lang, and enjoy that date ha?" sabi ni Sir Ave sa akin

Pagkatapos akong paalalahanan ni Sir Ave ay saka naman dumating ang lunch namin at sabay sabay na din kami naglunch sa opisina.

"Ano ba plano mo Cloud? Pupuntahan mo ba si Skye sa baba o papaakyatin na lang namin?" tanong ni Jarviz habang kumakain

"Hmmm, siguro puntahan ko na lang siya sa baba after lunch para half-day siya. Gusto ko din makita ang buong opisina ng Alda Motors at kung saan ang magiging opisina ko." nakangiting sabi ko

"Sige sige, puntahan mo na siya pagkatapos nating kumain, or better yet sasamahan ka na lang ng ate mo para hindi ka sitahin ng security. Although kilala ka nila pero hindi nila alam na ikaw ang papalit sa dating CEO." wika ni Ate Alda

Mga bandang ala una ng hapon nang matapos kaming kumain, tinawagan muna ni ate yung opisina ni Skye para kumpirmahin kung nakabalik na ba ito galing sa lunch.

"Ok sige, wag mong sabihin na hinahanap ko siya ha? Ok sige bye" sabi ni ate sabay baba ng telepono

"Ahhhm, hindi pa daw nakakabalik pero for sure pabalik na iyon. Madami kasi iyong dapat ireview para sa release ng bagong car model next month." paliwanag ni ate

"Ok good, susurprise ko na lang siya sa baba." nakangiting sabi ko

"Oi Cloud, travel incognito ha? Baka pagkaguluhan ka sa baba." paalala ni Sir Ave

Agad kaming bumaba ni ate sa 20th floor. Habang nasa elevator kami ay pinagtitinginan pa din ako ng mga kasama kong nakasakay. Tapos may biglang bumulong sa katabi niya

"Sis, ako lang ba o si Cloud Samaniego iyong katabi ni Ms. Claire?" tanong nito sa katabi

"Hmmm, don't know sis baka kamukha lang o kahawig? Pero infairness ang guwapo niya ha?" bulong nito sa katabi

"True" sabay hagikgik n para bang kinikilig

Nang makarating kami ni ate sa 20th floor ni ate ay agad kaming bumaba at tinungo ang opisina ni Skye. Kinausap ni ate iyong secretary niya at binilinan.

"Hija, andyan na ba si Skye sa loob?" tanong ni ate

"Wala pa po," sabi ng secretary ni Skye

"Good, ito yung bagong magiging CEO niyo, si Cloud" pakilala niya sa akin

"Good afternoon po sir Cloud..." bati niya sa akin

"Iiwan ko siya diyan sa opisina ni Skye, wag mong sasabihin na andyan siya sa loob ha? And also wag mong sasabihin kahit kanino na andito si Cloud Samaniego at siya ang magiging CEO niyo ha?" bilin ni ate sa kanya

Napanganga na lang ang babae at napatingin na lang sa akin at halos mapanganga. Ilang segundo din iyon bago siya nakasagot sa bilin ni ate.

"Opo Ms. Claire"

Agad na binuksan ni ate ang opisina ni Skye. Pumasok ako at umupo sa swivel chair at tumalikod sa pintuan at dahil sa tagal ni Skye ay binasa ko na lang yung mga papeles na hindi niya pa naaaprubahan.

7 Years After Break-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon