Chapter 15: Isang Hindi Inaasahang Pagkikita

7 1 0
                                    


Cloud's POV:
Location: Caleruega, Nasugbu, Batangas

Masaya ako ngayong araw at napagbigyan ang request kong makasama si Skye sa isang set sa concert ko pero kinakabahan din ako kasi pagkatapos naming tumugtog ni Skye ay makakasama namin si Thunder para sa isang musical trio number. Ok lang naman iyon sa akin pero siyempre alam niyo naman di ba iyong ganitong scenario na magkikita ang mag-ex after so many years may ilangan pa ding magaganap di ba?

Medyo naawa ako kay Thunder nung nalaman ko na sinisisi niya pa din ang sarili niya hanggang ngayon dahil sa mga nangyari sa amin seven years ago and he is regretting what happened back then. Instead he should be happy because of what happened it gave him Cross and made him a better man.

Siyempre hindi talaga natin maiiwasan ang regrets when you lose something very important to you and ako din naman, aside from Thunder, I also experienced regrets nung nagkahiwalay kami but everyone has to move on di ba? Move on, hindi para kalimutan ang lahat ng nangyari but Move on to learn and become a new person for the future.

Actually to tell you guys the truth, namimiss ko din minsan makasama si Thunder. Yung mga kagaguhan naming dalawa kapag may date kami. Yung pagkasweet niya and also yung slight naughtiness....hehehe

"Yah,  those were the days" bulong ko sa sarili ko

Hindi ko alam na medyo napalakas ata iyong bulong ko at narinig iyon ni Skye.

"Oh? Ano naman yang those were the days na yan?" curious na tanong ni Skye

"Ahhh wala, may mga naalala lang ako" nakangiting sagot ko

"Wushu, ang sabihin mo naalala mo lang iyong mga araw na kayo pa ni Thunder nung wala pang Rain na nanggugulo sa relationship niyo" nakangising sabi ni Skye

"Luh siya? Manghuhula ka na ba ngayon?" gulat na tanong ko

"Hay naku Cloud?! Magkakilala na tayo since junior high pa lang kaya lahat ng kilos, galaw reaksyon at mannerisms mo kabisado ko na." umpisang paliwanag ni Skye

"Ganyan ang reaksyon mo palagi kapag naaalala mo yung mga masasayang araw ninyo ni Thunder. Bigla bigla ka na lang napapangiti sa isang tabi na parang tanga tapos bubulong ka na lang ng: THOSE WERE THE DAYS, ang creepy mo kaya kapag ganun...hahaha" dugtong na paliwanag ni Skye

"Animal ka! Hmmpf" inis na tugon ko kay Skye

Nagpatuloy lang sa pagddrive si kuya Joaquin habang nagkukulitan kaming dalawa ni Skye sa likod ng sasakyan. Hanggang sa makarating kami sa Tagaytay. Pinaderetso na ni Skye sa may Concha's Garden Cafe dahil gutom na din kami at magtatanghali na kasi. Mas ok na daw na dito kami kumain dahil may privacy at isama mo pa na and napaka rustic nitong vibe kesa sa Sky Ranch dahil mas madami ang tao doon at baka kung ano pang mangyari at magkagulo pa ang mga tao. Ayaw ko naman na magtrend na naman sa mga social media sites kundi papatayin na naman ako sa sermon ng mga executives.

Pagkarating namin sa Concha's ay agad kaming bumaba ni Skye, I felt chills dahil siguro sa lamig ng klima dito pero parang kinakabahan ako na ewan. Hindi ko malaman pero nung mapagpasyahan namin ni Skye na dito kami maggala eh bigla akong kinabahan pero hindi ito iyong kabang parang may mangyayaring masama pero ito iyong kabang nararamdaman ko palagi kapag may hindi inaasahang mangyayari pero maganda naman ang kahihinatnan, bahala na lang pero ewan.

Pagpasok namin sa restaurant ay agad kaming nagrequest ng table for three at kasama na din doon ay iyon sanang kitang kita ang view ng Taal Volcano. Agad naman naibigay sa amin ang aming hinihingi dahil medyo walang masyadong tao ngayon dahil weekdays pa lang at usually weekends talaga ang buhos ng tao.

Pagkaupo namin ay agad na nag-order si Skye ng makakain naming tatlo. Ayaw sanang makisalo sa amin ni kuya Joaquin kesyo labag daw sa protocol ng security agency nila iyon pero napilit din namin siya kahit na medyo hesitant pa siya.

7 Years After Break-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon