Chapter 10: Can You Play With Me?

9 1 0
                                    


SKYE'S POV
location: Ayala Malls Circuit Makati

"Aaawwwkkkwwwaaarrrddd" sigaw ko ng malakas nang makasakay na sina Thunder at Cross sa elevator.

Halos lahat ng tao ay napatingin sa aming dalawa ni Cloud na hindi na maipinta ang mukha at ako naman ay tawa ng tawa.

"Skye! Stop it!" inis na saway ni Cloud

"Oh pre? Akala ko ba handa ka na? Ilang minutes lang kayo nagkasama ng ex mo sa elevator at nakausap eh ganyan na ang mukha mo?" sunod sunod na tanong ko sa kanya habang nakangiti

"Syempre sa umpisa awkward pa ang lahat no! Tsaka hindi ako awkward sa presence niya, na-awkward ako sa mga sinabi ni Cross" inis pagtanggi ni Cloud sa akin.

"Saan dun?" maang-maangan kong tanong sa kanya

"Alam kong alam mo kung ano yung sinasabi ko kaya magtigil ka" galit na saway ni Cloud sa akin

"Hay naku, bestfriend?..." wika ko sa kanya

"Kung ako sa iyo, mas ihanda mo pa ang sarili mo sa mga ganyan, panu na lang kapag nagkameeting na ang buong Rubio Empire? Magkatabi pa naman ng upuan ang Alda Motors at Rubio Estates? Also si Thunder din ang humahawak ng designs para sa buildings at infrastractures na kailangang ipatayo para sa buong Rubio Empire kaya sa hinagap ng maykapal eh kailangan mo siyang kausapin kasi ang unang project mo eh yung renovation at pagmomodernize ng Biñan manufacturing plant." paliwanag ko kay Cloud

"Yah right?!? Bahala na..." buntong-hininga ni Cloud

Matapos ang kulitan namin ni Cloud ay agad na kaming lumabas ng building. Nakahanda na sa may harap ng entrance mismo ang kotse ko na isang Nissan Navarra na kulay orange, palaging ganito araw-araw dahil kapag pauwi na ako ay itinatawag na ni Maggie or ako (kapag nag-ot ako) sa valet yung sasakyan para kunin.

"Tang-ina pre! Ganda ng kotse ah?" manghang sabi ni Cloud

"Hahaha, ako pa? May taste yata ito.. Hahaha" pagmamayabang ko sa kanya

"Hahaha, maganda nga saaakyan mo, wala ka namang lovelife?...kawawa" pang-iinis niya sa akin

"Humanda ka talaga sa akin mamaya! Ihuhulog talaga kita!..hahaha" nakangiti kong balik sa kanya

Agad kaming sumakay sa kotse at saka ako nagtanong kay Cloud kung saan kami pupunta.

"Oh, Mr. Samaniego? Saan mo balak pumunta?" tanong ko sa kanya

"Ahhhhmmm, hindi ko alam eh.. Hahaha"nakangiti niyang sagot sa akin

"Hay nako? Wala ka pa ding pinagbago? Magyayaya ka tapos wala ka palang plano kung saan pupunta?" medyo inis na wika ko sa kanya

"Ikaw na ang bahala kung saan tayo pwede pumunta, basta yung hindi ko pa napupuntahan nung nandito pa ako, tapos yung wala din masyadong tao para hindi tayo mapagalitan nila Sir Ave" paliwanag ni Cloud

"Hmmmm, hindi mo pa napupuntahan? Wala masyadong tao? " bulong ko sa aking isipan

"Alam ko na!" malakas na sabi ko sabay patakbo ng sasakyan.

Inabot kami ng almost 45minutes sa biyahe namin ni Cloud papuntang Ayala Malls Circuit. Pasok na pasok sa banga itong mall na ito para sa mga sinabi ni Cloud kanina kasi unang una, naitayo lang itong mall na ito 5 years after umalis ni Cloud at pangalawa ay wala masyadong tao dito ng ganitong oras dahil kahit malapit lang siya sa residential area ay hindi out of the way siya para sa mga pasahero dahil medyo malayo siya sa Edsa.

"Oh nandito na tayo, halika na?" tawag ko kay Cloud matapos ko makapagpark ng sasakyan

"Sige, kain muna tayo san mo gusto? Better yet anong cuisine ang gusto mo?" tanong niya sa akin

7 Years After Break-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon