Chapter 02: Two Questions

5 1 0
                                    


THUNDER'S POV
Location: Jollibee

It's Sunday today, and it's family day. Although on the rocks ang relationship namin ni Rain dahil sa issues regarding her family and mine, we opted to stay together for the sake of Cross.

We see to it na he receives all the love that he needs from us. Syempre di din namin pinapahalata or pinaparinig sa kanya kapag may away kaming dalawa.

Simula noong nakaraang apat na taon, nung aksidente kong nakita si Cloud sa Japan, parang nabuhay muli yung love ko para sa kanya. Yung pagmamahal na isinantabi ko na simula nang naghiwalay kami few days before ng graduation namin

Masakit para sa akin noong naghiwalay kami. Oo kasalanan ko naman kasi iyon. Ako kasi ang may pakana ng pustahan. Ang pustahan na paibigin si Cloud for the sake of 20 thousand pesos at kasabay noon iyong paglilihim ko sa kanya na nabuntis ko si Rain at ang biglaang pagpapakasal namin.

Sa huli mo na lang talaga narerealize ang kahalagahan ng isang bagay kapag nawala na ito. Kagaya ng nangyari sa akin, sa huli ko na lang napagtanto na mahal na mahal ko siya and I consider him my TRUE LOVE.

"Daddy..." tawag ni Cross

"Yes, little guy"

"You are not listening to me.." sabay simangot nito

"Ayiee, you are thinking about your true love again?" panunukso nito

Napangiti ako nung marinig ko iyon sa kanya. Although, seven years old pa lang siya mukhang naiintindihan na niya ang sitwasyon namin ng mommy niya.

"Sssshhh, stop it." saway ko sa kanya

"Hahahaha, anyways I need to pee dad" sabi nito

"Ok sige, just finish your food then let's go to the restroom together and then we'll catch a movie and buy some toys"

"Yey! Thank you dad" pasalamat nito

Pagkatapos naming kumain ay agad kaming pumunta sa restroom. Si Cross ay agad nagpunta sa isang cubicle samantalang ako din ay sa kabila naman. Medyo natagalan ako dahil biglang tumawag ang kalikasan pero nung paglabas ko ay wala na si Cross sa buong cr.

"Shoot, Cross! Where are you?" nag-aalalang bulong ko sa sarili ko

Agad akong lumabas ng restroom para hanapin si Cross. Makaraan ang ilang sandali ay nakita ko siya kargakarga ng isang lalaki. Isang lalaking, mukhang kakilala ko.

"Cross!" agad kong sigaw

"Daddy!" tuwang tuwang sigaw ng bata agad siyang kumawala sa kumakarga sa kanya at tumakbo papalapit sa akin

Parang nagfreeze ang oras noong nakita ko kung sino ang taong tumulong kay Cross. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na parang bumabalik yung feeling kapag nakikita mo yung crush mo noong high school. Kinakabahan ako na kinikilig na ewan.

"Cloud?" kinakabahang tanong ko

"Hey" bati niya

"Kelan ka pa nagbalik?" tanong ko ulit

"Actually ngayon lang. We dropped by to have some lunch." paliwanag niya

"By the way, I saw Cross sa may cr kaya ko siya dinala dito. Next time please be mindful of your child, lalo na sa panahon ngayon. Hindi yan bagay na madali lang palitan. Ingatan mo yan para hindi na mawala ulit sa iyo." dugtong pa nito

"I am sorry, nakakahiya sa iyo" nahihiyang sabi ni Thunder

"No worries."

"Uhhhm, Cloud...Thank You" muling sabi ko

7 Years After Break-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon