Chapter 23: Mixed Emotions

10 1 0
                                    

Skye's POV
Loc: Samaniego Residences, Pasig City

Pagkatapos magmerienda ay umakyat si Cloud sa kaniyang kwarto at kumuha ng damit, plano niya itong ibigay kay Thunder para gamitin para komportable ito sa practice nila.
Pagkababa niya ay agad niyang ibinigay kay Thunder ang isang pares ng shorts at sando para gamitin nito.

"Oh heto, gamitin mo muna para komportable ka sa practice natin" sabi ni Cloud sabay abot ng mga damit

"Salamat," nahihiyang sabi ni Thunder habang inaabot ang mga damit

"Make yourself comfortable gaya ng dati, do not restrain yourself ok?" Paalala ni Cloud sa binata.

"Alam mo naman na yung pasikot-sikot ng bahay kaya bahala ka nang magbihis, sunod ka na lang sa music room pagkatapos" bilin ni Cloud

"Skye! Halika na break is over!" Sigaw ni Cloud kay Skye na kasalukuyang nakikipaglaro kay Cross

Agad na Tumayo ang nakasimangot na si Skye at sinundan si Cloud sa music room. Si Thunder naman ay agad na nagbihis ng damit at pumunta sa music room pero bago noon at binilinan muna niya ang yaya ni Cross na tapusin nila ang lahat ng homeworks niya ng araw ng iyon at ng makapaglaro na ito.

Pagdating sa music room ay naabutan niya sina Cloud at Skye na kasalukuyang nagtatalo tungkol sa mga kantang tutugtugin nilang tatlo.

"Hey not that song and cover masyadong mushy, nakakasuka." pag-oobject ni Skye sa piniling kanta ni Cloud

"Eh ano gusto mo? Super bkoken hearted songs lang all night? Baka naman mafed-up yung mga tao niyan." Inis na sabi ni Cloud sa kausap

"Ehem!" Paalala ni Thunder sa dalawa nang nakapasok na siya

"What's the commotion all about?" Tanong pa nito

Nagulat na lang ang dalawa nang narinig nila si Thunder.

"Heto kasi si Cloud ayaw pumayag na tugtugin natin yung song na sinuggest ko." sumbong ni Skye sa binata

"I just want people not to get fed up the whole night with mushy love songs and heartbreak songs. Let's give them dynamics and options. Songs from other genres except that barubal gangster rap na kanina mo pa pinipilit isingit." paliwanag ni Cloud sa dalawa

"Well, alright why not ganito na lang since we're a trio, let us give inputs na lang sa mga tutugtugin natin, tig-dadalawa tayo para fair." sabi ni Thunder

Agad na sumang-ayon ang dalawa sa mungkahi ni Thunder at agad na nag-isip ng mga kantang isasama nila sa playlist nilang tatlo.

Naunang natapos mamili si Skye ng mga kanta una ay ang kantang She could be ni Corbin Bleu at Stars Align ng Swavesound. Pangalawa ay si Cloud at ang mga kantang napili niya ay ang I want it that way ng Backstreet Boys at A Thousand Miles ni Vanessa Carlton. Pangatlo naman ay si Thunder kung saan ay napili niya ang mga kantang Walang Papalit at Klwkn ng Music hero.

Although mga sikat nang mga kanta ang mga napili nila ay kailangan pa din nilang ipractice hanapin kung saan sila makakakuha ng tamang harmony para sa mga ito at ang pinakamahalaga ay kung paano nila mailalabas ang tamang emosyon mula sa mga titik ng mga kanta.

Una nilang pinagtuunan ng pansin ang mga kantang napili ni Skye.

"Oh Skye, bakit mo napili ang mga kantang iyan?" tanong ni Thunder

"Hmmm, paano ba sasabihin? These two songs reminds me of getting in love. Sabihin na lang natin na teen love days/ligawan days, ganun? On how you carefully plan your next steps para makuha mo yung "Oo" niya, kung paano ka nangangarap araw-araw na sana sagutin ka na niya..hehehe" paliwanag ni Skye sa dalawa

7 Years After Break-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon