Chapter 4
BeginTiara's POV
"Welcome, Madame. And come back again for delicious coffee." Ngiti ko sa customer bago siya umalis.Napagalitan ako kanina ni Manager Eri, ang manager ng Coffee or Me cafè. Dahil sa pangalan pa lang, naging sikat ang coffee shop na ito, lalo na sa mga highschool students at college students na kagaya ko.
We have this bunch of crazy-looking guys as waiter ng Coffee or Me cafè.
Isipin mo yun? May gwapong nilalalang na babati sayo pagpasok mo palang sa pintuan na "Welcome to Coffe or Me! What would you like, Miss?"
Noong una syempre, kinilig ang lola niyo! Sinampulan nila ako nung bago pa lang ako dito. Mga college student din sila pero iba't-ibang universities at courses.
They're like stranger friend.
Dalawa ang part-time job ko, sa umaga, dito ako sa cafe and pagdating ng hapon, isa akong Medical Scribe sa isang malapit na hospital, dito din sa street na ito.
"Good morning. One Caffe Mocha, please." Order naman nang babae sa harap ko ngayon, medyo duda pa ako dahil nakasalamin siya na pang-summer tapos naka-mask.
Mala-detective ang dating ni Ma'am.
"Good morning, Ma'am. One Caffe Mocha, large, medium, or small?" Tanong ko naman. Pasimple ko siyang nilingon kung anong ginagawa niya pero wala naman siguro siyang masamang balak.
"Just the small one. Magkano?"
"One hundred and fifty-five pesos, Ma'am." Kinuha ko ang bayad niya at ipinasa ang order nito sa kitchen.
Baka nagtataka kayo, yes, there are waiters, so bakit pa kailangang may mag-oorder sa akin? Because some people hate this kind of things.
Baka nga napadaan lang sila at gusto ng kape, so dahil bago sila, of course, they'll head here, at my place.
"I received five hundred. Change, three hundred forty-five pesos, Ma'am. Wait na lang po kayo for three minutes." Itinuro ko ang isa sa mga bakanteng lamesa.
Tumango lang siya habang pinanood ko siyang mag-lakad papalayo.
Habang nag-aantay, muli kong sinulyapan ang telepono ko.
Simula kasi nang mag-appear yung notification na yon, hindi ko na binuksan ang telepono ko. It just terrifies me.
And as if on cue, bigla akong nakarinig ng tili sa loob ng cafe kaya mabilis akong napalingon dito at halos lumabas ang puso ko sa nakikita ko.
"T-tulong! Tulong!" Tumitili yung babae, numbers appeared from her body at para siyang abong tinatangay lang nang hangin.
Agad naman kaming lumapit ng staff ng Coffee or Me at sinuri ang kalagayan ng babae. Ngunit nang hawakan namin ito, tuluyan na siyang nawala na parang bula.
Some take videos and some went outside the cafe, lagot! Viral ito!
Napaigtad muli ako nang makarinig ng panibagong tili. "TULONG!!!" Tili nanaman nang isang customer namin.
"T-tumawag kayo ng opisyales! Pulis o ambulansya!" Sigaw ni Manager Eri at kumaripas nang takbo sa nag-lalaho naming customer.
Agad akong sumunod sa kanya nang bagong tili ang manaig, hanggang sa labas ng cafe ay maraming taong naglalaho sa hangin.
Gumagalaw lang ako sa inuutos nila sa akin pero hindi pa rin nagpro-proseso sa isip ko ang nangyayari. At halos magimbal ako nang maramdaman kong may pumupunit sa sarili kong balat. Malakas akong napa-tili at napaluha.
BINABASA MO ANG
Shatter University
Ciencia Ficción"Let the game begin." Shatter University is a popular MMORPG among both children and adults. It is a game in which the player who reaches the highest level each year is rewarded nearly a million dollars. But what if the game that so many people ador...