Chapter 2 | Remy's POV
Glimpse"Bahala kayo! Wala kayong grade sa math!" Mistulang umuusok ang ilong nang leader naming si Kegan dahil parati daw siya ang gumagawa nang lahat ng projects pag-dating sa math.
"Eh ikaw eh! Ayaw mo patulong! Hindi porket naka-90 ka sa card eh parang pasan mo na mundo!" Sigaw naman ni Emma, ang sekretarya ng grupo namin.
"G-guys.. kalma--" agad nilang pinutol ang sasabihin ko.
"Anong kalma?! Hindi!" Sabay na sigaw ni Kegan at Emma habang tumawa naman si Jacob.
"HAHAHA! Mga baliw! Grupo tayo dito! Edi yung ayaw maki-cooperate edi umalis!" Inis na rin nitong sigaw habang napa-buntong hininga ako.
Apat kami sa grupo, pero para kaming kinseng estudyante na pinagtatalunan ang isang recitation slip. Bakit ko ba sila nanging ka-group sa math?
"A-ako na gagawa." Presinta ko habang naka-yuko pa, dahil hindi ko sila kayang tignan ng nag-aaway.
"Ha? Serysos ka?" Natatawang tanong ni Jacob.
"Edi wag, kayo nalang." Pabalang ko nang sabi at akmang tatayo nang hatakin ako pabalik ni Emma.
"Yiee! May hidden talent naman yan si Remy. Diba?" Ngiti ni Emma.
Sumimangot ako. "Ako gagawa sa math. Kayo gumawa nung Ibong Adarna sa filipino at yung Spoken Poetry sa english." Saad ko at agad sumama ang mukha nila.
"Pisteng subjects yan oh! Stress na stress na kaming mga grade seben!"
"Nahiya naman kaming mga College students." Sabat naman nang kung sino sa aking likuran at mabilis ko itong nilingon.
"Kuya Rosh? Tapos na klase mo?" Tanong ko kay Kuya. Napa-nganga naman yung mga kaklase ko. Bihira lang kasi dito sa building namin si Kuya at aaminin ko, may itsura siya.
"Oo. Tara tawag tayo ni Mama." Aya niya. Hinarap ko na si Emma, Jacob, at Kegan.
Si Emma ay naka-tulala kay Kuya at si Jacob at Kegan ay nakakunot ang noo dito. 'Nong problema nang mga ito?
"Hindi ako gagawa sa ibong adarna ah? Kayo mag-lead sa spoken poetry." Saad ko. Tumango na lang sila na ani mong okay lang talaga kahit hindi naman.
Lumabas na kami nang school habang tahimik lang si Kuya. Hindi kasi ako sanay na ganito siya. Expect mo ako na tahimik, pero si Kuya? Armalite ang bibig niyan eh.
"Hulaan ko," tumikhim ako bago magsalita dahil alam kong pagkatapos nang sasabihin ko ay mala-armalite na ang bibig niya. "break kayo ng girlfriend mo noh?"
Tumango lang siya na siyang ikinagulat ko naman. Seryoso, nagbibiro lang ako! "T-Talaga?" Hindi makapaniwalang kong tanong at bumugtong hininga ito.
"Sabihin na nating marami akong nilanding babae, pero nagbago naman ako nung dumating siya. Tapos seryoso ko siyang niligawan. Tumagal kami 3 years, tapos--- psh!" Sigaw niya at tinadyak ang mga batong madadaanan habang nakabulsa ang kamay.
Oo alam kong may girlfriend si Kuya, ipinakilala pa nga niya kila Mama eh, syempre, pina-alalahanan siya, ewan ko ba at nag-break sila.
Hindi ko naman kasi pinakiki-alaman buhay ni Kuya. Malaki na siya eh. Layo pa nang edad namin sa isa't-isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/248518957-288-k925537.jpg)
BINABASA MO ANG
Shatter University
Ciencia Ficción"Let the game begin." Shatter University is a popular MMORPG among both children and adults. It is a game in which the player who reaches the highest level each year is rewarded nearly a million dollars. But what if the game that so many people ador...