Chapter 6 | RoyalCrown's POV
SupportPrimus Map
Heria TownOctagon. Isang kilalang grupo ng mga manlalaro sa E-sports, lalong-lalo na sa Shatter University. Lahat sila magagaling pero syempre, may mga oras na natatalo rin sila.
But what makes them stand out from the rest is their face, height, and charm, basically saying, their appearance.
Tinignan ko si Shade mula ulo hanggang paa, tinitignan kung nagsasabi siya ng totoo at hindi. "Seryoso? Octagon? Ikaw? Hindi ba dapat level five ka na lalo't magagaling kayo?" I asked him pero tumawa lang siya.
"One person is weak, but with it's team, they can win anything. Iyon ang motto namin. Ngayong mag-isa na lang ako at bago pa lang sa grupo nila, mahina ako."
I hissed. "Nah, malakas ka na niyan." Muli kong tinignan ang kabuuan niya. Totoo naman, mukha siyang malakas. Ang cool nga nung red uniform sa kanya eh.
Not to mention, he's quite handsome too.
"So, let's plan our hunt. Ang kukunin kong class or job ay Tank. Don't ask why, and Euphoria will take Mage. Medyo layo ang materials na makukuha natin pero mapapadali naman ang paghahanap natin."
He pressed something on his wrist at lumabas ang isang hologram ng isang town, specifically, Heria Town. He zoomed the hologram at kita ko naman doon ang isang kuweba na napapalibutan ng mga puno.
"Players usually ignore caves, pero sa mga taong mahilig sa adventure, hindi nila palalampasin yan. Caves have a tons of rare items that can be sold in gold. Pero madalas, bato-bato lang makikita mo. There's a specific time na inilalabas nung kuweba yung kayamanan niya. Ganoon rin ang technique ng mga taong kala mo malalakas sa dami ng gold nila, but no, they explore caves in different towns in a specific time." He explained.
Tumago-tango lang ako at tinuro ang hologram. "How do you do this thing? Binili mo ba ito sa shop or something?" Tumawa lang ulit siya.
"Alam mo, ang tanga mo. Meron lahat ng players ng ganito. Ito naman yung ginagamit na map ng mga taong hindi marunong tumingin sa Complex Map."
"Complex Map?" Maka-tanga naman to, inaano kita? And complex map? Ngayon ko lang narinig yun ah.
"Complicated yung map na iyon, masyadong detailed. At least dito sa tinitignan kong map, search mo lang yung location na gusto mo at lalabas iyon sa map mo." I nodded, buti naman ay naiintindihan ko yung mga sinasabi niya kahit papaano.
May sumulpot namang dalaga sa tabi niya, oo dalaga. Mga 13 ata or 12. Aish, edi bata na nga lang.
Euphoria
Level 2: BeginnerOh? Level two na rin siya? Ang bilis naman ata nila?
"Oh, hello po." bati ni Euphoria at ngumiti naman ako.
"Hello, ikaw ba kasama nitong mayabang nato?" turo ko kay Shade na siyang ikinanuot ng noo niya.
"Luh, ako mayabang? Saan banda?" Walang pumasin sa kanya at sumagot naman si Euphoria.
"Ah opo, sasali po ba kayo sa quest namin?" She asked. Kay bait naman nang batang ito! Ngayon ko lang napansin ang appearance niya. May asul siyang mga mata at may mala-dagat na buhok.
"Ah, yup! Pero, mga ilang minuto pa lang ng makarating na tayo dito, and you manage na mag-level 2 na agad?" I asked.
"Level 2 is a low level. Kahit ngayon nga kaya mo nang mag-level 2 kung susundin mo yung inutos ng isang NPC sayo, for example, magta-tapon ng basura, easy as that." Sabat naman ni Shade.
BINABASA MO ANG
Shatter University
Science Fiction"Let the game begin." Shatter University is a popular MMORPG among both children and adults. It is a game in which the player who reaches the highest level each year is rewarded nearly a million dollars. But what if the game that so many people ador...