Chapter 3 | Quest

51 5 9
                                    

Chapter 3 | Ryu's POV
Quest

"Arigatogozaimasu." Yumuko ako sa aking guro bago lumabas nang classroom. Bumungad naman sa akin si Kaito, half-filipino at half-japanese rin.

"What did Ma'am say?" Tanong niya.

Bumngtong-hininga ako. "Malamang, nagalit. Ikaw ba naman mangopya." Pabalang kong sagot at humagikgik naman ito.

"Hehe. Sorry na, ako yung nango-ngopya pero ikaw napagalitan. HAHAHA!" Tumawa ito ng pagak na akala mo nanalo sa lotto. Napailing na lang ako sa uhali niya.

We left the university and I heard him sigh habang nagbi-bisikleta kami papauwi.

Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin sa aking kamay at para akong niye-yelo kahit naka-sweatshirt ako at sikat ang araw.

"Hay.. wala naman tayong project diba? Laro tayo SU." Aya niya sa akin. I hissed. Jeez, man.

"May test tayo. Kailangan pa rin nating mag-review." Madiing wika ko at humikab. "At saka, gusto ko pang matulog. Ang aga ng gising ko." Dagdag ko.

"Wow ah, nahiya ako." Angal niya at itinaas ang kamay habang nag-bibiskleta pa rin. Hindi na ako magtataka kung mahuhulog siya mamaya.

Dito sa Japan, malamig. Iba ang pamamaraan ng mga gawain kumpara sa Pilipinas. We have different types of shoes, circle of friends, and it's basically safe in this country.

"Ano? Sige na, level ten ka naman na diba?" Tanong niya at tumango ako.

"Ikaw naman itong level fifteen na, healer nga lang." Pang-aasar ko.

Lahat kasi ng healer sa Shatter University ay may extra hit points. Kumbaga, ang lahat ng players ay may maximun 1,000 HP, ang mga healers ay may 1,500 HP.

Mabilis rin silang nakakapag-level up. Ewan ko ba sa tukmol na ito na takot mamatay kapag may kinakalaban kaming mga beast kapag magku-quest kami.

"Tss! Edi sige! SU tayo mamaya, pagkatapos review. Just only one quest, oh and also, malapit ka na mag-level eleven diba?"

Pinangunutan ko siya ng noo at bahagyang bumaling sa kanya. "First of all, ikaw ang nag-aya sa akin mag-SU eh wala akong kaalam-alam doon. Malay ko ba kung anong level ko na ngayon?" Inis kong tanong.

Tumawa naman ang mokong ngunit agad na-karma nang sumemplang. "Tss, haha! Yan, karma."

***

Nakarating ako sa bahay nang tiwasay at pagod. Sumalubong naman sa akin ang kapatid kong si Rin.

"Nii-chan! Ohayo!" Bati niya sa akin. Nginitian ko siya at ginulo ang buhok nang kaunti.

"Mamahadoko?" Nasaan si Mama?

"Chū ni arimasu. Mata asobimasu ka? Watashi wa hairu!" Nandoon sa loob. Maglalaro ka ba ulit non? Sali ako!

Umiling ako kay Rin. "Sore wa 16-dai no kōrei-sha no tame dakedesu." Para lang yun sa mga teenagers.

Mabilis naman itong sumimangot kaya tumawa ko at inaya siya sa loob. "Nii! Nii!" Ang kulit talaga ni Rin!

Nauna siyang pumasok sa akin at nagtata-talong umupo sa sofa, nakasimangot at titig na titig sa pinapanood nitong anime.

"Tadaima." Tinaggal ko ang aking sapatos bago pumasok at bumungad sa akin si Mama na nagluluto ng hapunan namin.

Shatter UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon