Chapter 1 | The Game

133 7 13
                                    

Chapter 1 | Tiara's POV
The Game

Nang matapos ang boring na klase ay mabilis akong lumabas nang room at patakbong pumunta nang canteen. Mabilis ang tibok ng aking puso habang madiing hawak ang wallet ko.

Hindi ngayon!

Tumakbo ako nang tumakbo at marami na rin ang nagsi-sitakbuhan papuntang canteen.

Lagot!

Wala nang may paki-alam kung may maitulak ka pa o masigawan ka nang mga guro. Hindi iyon ang importante, dahil ang importante ay ang nasa canteen!

"Tabi!" Rinig ko ring sigaw nang mga estudyanteng malapit nang makarating sa canteen. Anong akala nila?! Ha!

Mas binilisan ko ang pag-takbo ko ngunit may tumulak sa akin dahilan para madapa ako. "Aish!" Napadaing ako sa sakit pero mabilis akong tumayo at pinag-pag ang tuhod ko at muling tumakbo.

Ngunit huli na nang makarating ako dahil.... ubos na!

"Ubos na?! Imposible!" Sigaw ko at nakaturo sa dalawang shelf na alam kong puno nang special tiramisu nang school na isang beses lang kada buwan binebenta.

"Manang! Baka meron pa kayo dyan!"

"Ate! Ate! May reservation po ako!"

"Ubos na?! Asan yung inorder ko kaninang umaga?!"

"Kuya! May inorder akong tatlo! Nasaan na?!"

"Tiramisu ko!!!!"

"Hala! Ang daya naman! Ibalik niyo pera ko kanina! Hindi ako nabigyan! Nagpa-reserve ako kaninang umaga!"

"Anong first come, first serve?! May reservation ako!"

Lumampay ang balikat ko at doon ko lang naramdama yung sakit nang tuhod ko kaya napa-ngiwi ako. Bwisit!

Umupo muna ako sa bakanteng upuan at pinagmasdan ang namumula kong tuhod. Papagalitan ako ni Papa nito kapag nalamab niya ito panigurado.

Napabuntong-hininga ako.

Marami ang bigong makakuha nang tiramisu dahil sa dami nang estudyante dito sa Crosstin University. Sikat itong university na ito bukod sa UP at ADMU.

Yung iba nawalan ng gana kumain at yung iba ay bumili nalang nang iba. It feels like a cycle kapag nakikita ko silang ganito.

Bigla namang sumulpot naman sa harap ko ang dalawang kaibigan ko. "Look at her! HAHAHA! Asan sampu ko? Tama pusta ko! Hindi nakakuha si Tiara!" Tawa ni Vivien.

"Hoy sira, hindi kaya! Dapat nakakuha siya kanina! Epic fail nga lang dahil nadapa. HAHAHA! Ano buhay ka pa?" Ngising tanong naman ni Heather.

Inis kong hinampas ang kamay ko sa lamesa. "Next month! Makakakuha ako!" Halos sigaw ko. Sabay silang tumawa at alam ko na ang dahilan nito.

"Pang-ilan mo na ba yan? Last year pa yan ah?" Tanong ni Heather at tumango naman si Vivien at inayos ang salamin nito.

Sinamaan ko lang siya ng tingin saka kinuha ang wallet ko.

"Tsk. Bili mo nga ako band aid. Kainis." Nag-abot ako nang limang-piso kay Heather at sinunod naman niya ang utos ko habang naiwan kami ni Vivien.

"Alam mo naman sigurong pwede kayong gumawa sa bahay niyo nun noh?" Kunot-noo niyang tanong ngunit nagkibit-balikat ako.

"Mas masarap gawa nila dito. At saka, kahit na gumawa ako ay ako lang naman ang kakain nun. Hindi mahilig pamilya ko sa matatamis. Maaanghang pa, oo." Sabi ko.

Shatter UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon