Kabanata 28: Ilang Sulat
Nailatha sa pahayagan sa Manila ang mga kaganapan na nangyari sa araw ng pista ng San Diego. Kasama sa balita ang mga sikat na tao sa San Diego, ang mga pari, maging ang pagtatanghal kasama na ang mga artistang nagsipagganap.
Nasiyahan ang mga Kastila sa komedyang nasa wikang Kastila. At masaya namang pinanood ng mga Pilipino ang komedyang nakasalin sa wikang Tagalog.
Ngunit si Crisostomo Ibarra ay walang dinaluhan alinman sa dalawa. Kinabukasn ay nagdaos ng isang prusisyon para sa mga santo’t santa. Nagkaroon din ng sayawan sa pangunguna ng mag-amang sina Kapitan Tiago at Maria Clara bagay na ikinainis ng dalaga.
Gumawa ng liham ang dalagang si Maria Clara sa kanyang minamahal na si Crisostomo Ibarra. Isang liham ng pag-aalala dahil ilang araw na itong hindi nagpapakita.
Ipinaabot ni Maria Clara ang liham sa kapatid-kapatirang si Andeng.
Talasalitaan:
Nailathala – naibalita
Pahayagan – naglalaman ng balita
Kaganapan – pangyayari
Nasiyahan – natuwa
Dinaluhan – pinuntahan
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
RandomAng Noli Me Tangere ay isang nobelang inilatha ni Dr. Jose Rizal. Naisulat ito dahil sa adhikain ng manunulat na mabuksan ang kamalayan ng mga Pilipino sa totoong pamamalakad ng pamahalaan at simbahan. ©