Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin
Anak ni Don Rafael; kasintahan ni Maria Clara; pangunahing tauhan sa nobela2. Maria Clara
Kasintahan ni Crisostomo Ibarra; anak-anakan ni Kapitan Tiago; anak ni Pia Alba at ng paring si Padre Damaso3. Kapitan Tiago o Don Santiago de los Santos
Ama-amahan ni Maria Clara; asawa ni Pia Alba4. Pia Alba
Asawa ni Kapitan Tiago; hinalay ni Padre Damaso; ina ni Maria Clara5. Tiya Isabel
Tiya ni Maria Clara at tumulong sa pagpapalaki dito; pinsan ni Kapitan Tiago6. Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo Ibarra; mayaman kung kaya’t labis na kinainggitan ni Padre Damaso7. Don Saturnino
Lolo ni Crisostomo Ibarra8. Kapitan Heneral
Pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas9. Don Pedro Eibarrimendia
Ninuno ni Crisostomo Ibarra na naging dahilan ng matinding kasawian ng nuno ni Elias10. Padre Damaso Verdolagas
Ninong ni Maria Clara; humalay kay Pia Alba; nagpahukay sa bangkay ni Don Rafael11. Padre Bernardo Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso; nagkaroon ng lihim na pagtingin kay Maria Clara12. Padre Hernando De La Sibyla
Kura ng Tanawan; palihim na sumusubaybay kay Crisostomo Ibarra13. Pilosopo Tasyo o Don Anastacio
Matalino ngunit tingin ng karamihan ay baliw14. Donya Victorina de los Reyes de Espadaña
Nagpapanggap na Kastila; asawa ni Don Tiburcio15. Don Tiburcio de Espadaña
Isang pilay na Kastilang napadpad sa Pilipinas; asawa ni Donya Victorina; nagpanggap na doktor16. Donya Consolacion
Asawa ng alperes; malupit at masama ang ugali17. Alperes
Asawa ni Donya Consolacion; lider ng mga gwardiya sibil; kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego18. Kapitan Pablo
Kapitan ng mga tulisan; tinuturing na ama ni Elias19. Don Filipo Lino
Ama ni Sinang; Bise-Alkalde20. Elias
Nagligtas kay Crisostomo Ibarra; anak ng angkang kaaway ng mga ninuno ni Ibarra21. Sisa
Inang nabaliw sa paghahanap sa dalawang anak; asawa ni Pedro22. Pedro
Iresponsableng asawa ni Sisa; mahilig sa sugal at lasenggo23. Crispin
Bunsong anak ni Sisa; napagbintangang nagnakaw; tagapag-patunog ng kampana sa simbahan24. Basilio
Panganay na anak ni Sisa; napagbintangang nagnakaw; tagapag-patunog ng kampana sa simbahan25. Linares
Umiibig kay Maria Clara at napiling mapangasawa nito; pinsan ng inaanak ni Padre Damaso26. Tinyente Guevarra
Tinyente ng gwardiya sibil; kaibigan ni Don Rafael; nagkwento kay Crisosotomo Ibarra tungkol sa sinapit ng kanyang ama27. Nol Juan
Namahala sa pagpapagawa ng paaralan28. Lucas
Taong madilaw; nagtangkang pumatay kay Crisostomo Ibarra29. Albino
Dating seminarista; kasintahan ni Victoria30. Andong
Napagkamalang pilibustero31. Balat
Tiyuhin ni Elias na naging tulisan32. Tarsilo at Bruno Alasigan
Mga anak ng lalaking pinatay ng mga Kastila33. Andeng
Kinakapatid ni Maria Clara; mahusay sa pagluluto34. Iday
Magandang kaibigan ni Maria Clara; tumutugtog ng alpa35. Sinang
Masayahing kaibigan ni Maria Clara; anak ni Kapitan Basilio36. Neneng
Mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara37. Victoria
Tahimik na kaibigan ni Maria Clara; kasintahan ni Albino38. Leon
Kasintahan ni Iday39. Kapitana Maria
Pumanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama; babaeng makabayan40. Hermana Rufa
Kampi kay Padre Damaso41. Don Primitivo
Marunong mangatwiran at mahilig magsalita ng Latin; pinsan ni Tinchang; tagapayo ni Kapitan Tinong42. Kapitana Tinchang
Matatakuting asawa ni Kapitan Tinong43. Kapitan Tinong
Naparusahan dahil sa pakikipagkaibigan kay Crisostomo Ibarra44. Kapitan Basilio
Kapitan sa bayan ng San Diego45. Kapitan Valentin
Kapitan sa bayan ng San Diego46. Carlicos
Bayaw ni Padre Damaso; piniling manirahan sa Espanya

BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
RandomAng Noli Me Tangere ay isang nobelang inilatha ni Dr. Jose Rizal. Naisulat ito dahil sa adhikain ng manunulat na mabuksan ang kamalayan ng mga Pilipino sa totoong pamamalakad ng pamahalaan at simbahan. ©