Kabanata 32: Ang Paghugos
Nagtayo ang taong madilaw ng isang makinarya na siyang nagtataas at nagbababa ng mabibigat ng bagay gaya ng bato at bakal. Ayon sa taong madilaw ay si Don Saturnino, lolo ni Ibarra pa ang nagturo sa kanya kung paano gamitin ang makinarya.
Pinaghandaan ni Ibarra ang espesyal na okasyon. Nagpaluto siya ng masasarap na pagkain para sa lahat ng makikilahok. Nagdaos naman ang mga guro ng palaro katulad ng palosebo, pabitin, at pukpok sa palayok. Nais ni Ibarra na maging masaya at matagumpay ang pagpapatayo sa paaralan.
Mayroon ding masayang tugtugan na hatid ng banda. Naroroon ang mga panauhing inanyayahan ni Ibarra katulad ng alkalde, Kapitan Tiago, alperes, at si Padre Salvi. Naroroon din ang mga naggagandahang dilag kung saan pansin na pansin ang kagandahan ni Maria Clara.
Tumigil na ang tunog ng banda hudyat na magsisimula na ang seremonya. Pinalibutan ng lahat ang nakaukang bato.
Nang mapatingala si Ibarra sa itaas ay nakita niya ang madilaw na lalaki na nakangisi. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at naalala ang babala ni Elias nung nasa simbahan. Nabuhayan naman siya ng loob nanng mapansing malapit si Elias sa kinaroroonan ng taong madilaw.
Nagsimula nang magbigay ng sermon si Padre Salvi at mapapansing nangangatal ang boses habang nagbabasa. Ipinasok na ang kahong kristal sa tinggang bumbong.
Nagmungkahi ang alkalde na si Ibarra ang maglagay sa ukang bato ngunit tumanggi ito at nagmungkahi na ang Eskribano nalang ang magsagawa nito.
Agad na kinuha ng eksribano ang tinggang bumbong at bumaba sa baitang na kinaroroonan ng uka at inilagay ang mga katibayan ng kasaysayan.
Binendisyunan ni Padre Salvi at sunud-sunod na bumaba sa hagdan ang mga piling panauhin. Isang ritwal ang paglalagay ng simyento. Pinangunahan ng alkalde ang ritwal na sinundan naman ni Padre Salvi.
Habang bumababa ang pari ay tumingin ito sa umuugang bato na nakatali sa lubid. Madaling nagpalitada ang pari at pansin parin ang panginginig ng kanyang tuhod. Sunud-sunod nang nagpalitada ang iba pang piling panauhin.
Napansin naman ni Padre Salvi na hindi pa nagpapalitada si Ibarra. Napilitang kuhanin ni Ibarra ang pala at ikinatuwa naman ito ng mga panauhin.
Sa isang iglap ay kumawata ang mga lubid na siyang humahawak sa malaking bato. Nagulantang ang lahat. Ang iba ay piniling lumayo ngunit may ilan-ilang lumapit upang tignan kung sino ang nadaganan ng malaking bato.
Nakita ng lahat ang nakatayong si Ibarra habang hawak ang pala. Sa paanan ng binata ay may duguang katawan ng isang madilaw na lalaki.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
RandomAng Noli Me Tangere ay isang nobelang inilatha ni Dr. Jose Rizal. Naisulat ito dahil sa adhikain ng manunulat na mabuksan ang kamalayan ng mga Pilipino sa totoong pamamalakad ng pamahalaan at simbahan. ©