Kinakabahan na'ko.
Nakalimutan kong ngayon pala ung presentation namin para sa Business concept namin.
Di na sana muna kami nag walwal kagabi.
Dami ko pa namang part...
Masakit pa ulo ko ne'to.
Pa'no ko isasaulo lahat ng 'to in one go?
"Marco!" Tawag ni Jaime sa mga basketball player na pababa na sa hagdanan.
Syempre, dali dali akong sumilip nang tahimik.
Nakita kong lumingon agad si Marco na para bang hinahantay lang talaga ang tawag ni Jaime sa likuran niya. Paakyat siya ngayon, palapit lang kay Jaime.
Hinintay nitong mag salita ng, "good luck!" sabi ni Jaime na abot tenga na ang ngiti.
Kuminang ang mga mata ni Marco na parang tumama sa lotto nang marinig ang sabi ng babae.
Tsaka lang sila mag katitig sa isa't isa na nakangiti kasama ang kanilang mga mata.
Nang mag paalam na si Marco, tsaka na ako umentrada kay Jaime na nakangiti padin habang pinapanuod si Marco na bumababa.
"Goodluck!" Pag gaya ko sakanya, sabay ngiwi. At dumungaw din sa hagdanan.
Ngayon ko lang na-witness kung gaano pala kabilis itong si Jaime sa mga lalaki.
"Mag kausap kami. Matagal na." Pag papaliwanag niya, nang walang halong alinlangan.
"Nuong last na pinag uusapan natin siya? Kausap ko na siya nu'n." Dagdag pa niya.
Hayyys.
Move on na ako agad sa pantasya ko kay Marco.
Mukhang gusto na nila talaga ang isa't isa e.
"May game sila ngayon, so... I gave him my charm." Maamo niyang sabi, habang may ngiti sa mga labi.
--

BINABASA MO ANG
It's Jaime Perez
Historia CortaThis is a fictional work. All things included in this story is purely from the writer's creativity and imagination. Nothing is made that parallels with the present reality. This only serves for entertainment, and not to offend any of the extreme.