Tatlong buwan na rin ang nakalipas simula ng lumipat kami ni Drake dito sa bahay. Naka-kuha na rin kami ng dalawang katulong. Sila mommy, bumibisita lang dito pag may free time sila. Lalong naging busy sila sa trabaho lalo na at bumalik na sa sigla ang kompanya namin.
"Do you have classes today?"
"Yeah. Ikaw?"
"I don't want to attend."
"Tsk! Nanaman? Bumangon kana dyan. Papasok pa tayo."
Andito pa rin kami sa kama. Si Drake, nakahiga pa rin at inaantok pa ang mukha.
"C'mon Drake! Bangon na dyan."
Di ko alam pero parang nasasanay na kami sa sitwasyon namin. Oo, totoong kinasal kami pero yung nararamdaman namin. Wala talaga! May mga panahon na naiinis ako sa kanya pero bigla na lang siya maglalambing. Siguro nadadala na rin kami ng pagpapanggap namin as real couple.
"Mauna na ako sa banyo. Bumangon kana dyan ha! Malalate na ako!"
"Hmmmm.. fine!"
Sagot niya na inaantok pa din. Dumeritso na ako sa cr at naligo. Pagkatapos ko ay nagbihis na rin ako.
"Ano ba, Drake?!"
Agad naman siyang bumalikwas at tumingin sa'kin. Shit! Bakit ang gwapo niya?
"Ehemm! Are you staring me, hon?"
Hon. Hon ang napiling tawagan daw namin. Sila mommy ang nag-decide niyan. Tsk! Baduy diba?
"Hurry up! I have classes today. I'll go downstairs, sumunod kana rin."
Tumalikod na ako ng magsalita siya.
"Wait! Where's my good morning kiss?"
Humarap ako sa kanya at itinaas ang isang kilay ko.
"I'll do that later. Bilisan mo na dyan."
Ginagawa na rin namin ang good morning kiss since sa cheeks lang naman. Hindi ko alam pero bumait ako sa kanya. Hayst! This is not happening! Bumaba na lang ako at pumunta sa dining.
"Good morning ma'am."
"Good morning, ya. What's our breakfast today?"
Inihain niya sa table ang breakfast na niluto ni yaya Tina.
"Thanks ya."
"Enjoy ma'am. Ay, si sir Drake po?"
"Ay nako yaya. Napaka-bagal kumilos ng sir niyo. Andun pa sa taas."
"Sige po ma'am. Ipahahanda ko na lang po kay kuya Roger yung sasakyan niyo ni sir. "
Tumango na lang ako at kumai. Mamaya-maya lang ay may biglang humalik sa pisngi ko. Tumingin ako sa kanya.
"Ewww! That's gross."
"Arte ng misis ko."
Naupo na siya at kumain din.
LA VILLE UNIVERSITY
"Good morning, guys!"
Bati sa'min ni Luke.
"Tsk. Walang good sa morning."
Pairap na sabi ni Drake na agad na ikinalingon ko naman sa kanya.
"Bakit nanaman? Ano nanaman ba sumira sa araw mo?"
"Hindi mo ako kiniss kanina."
Luh! At nagpacute pa, ampt! Nag-pout lang naman ang gunggong na'to sa harap ko. Tsk! Kondi ka lang cute ee! Kiniss ko agad siya sa cheeks niya. A very light smack kiss. Ha? Ano daw?