Prologue

10 0 0
                                    


Nakatulala lang ako sa kisame at pinanunuod ang pag-ikot ng ceiling fan.

Mahina at mabagal ang aking paghinga.

Pakiramdam ko nanggaling ako sa kamatayan.

"What the - " dinig kong sabi kung saan, kasabay nito ang tunog na tila may nalaglag na kung ano.

Mabilis akong lumingon dito at kita ko ang isang lalaki na mukhang namutla sa takot.

Ilang segundo ko rin siyang tinitigan at saka ako bumangon. Nang tuluyan na akong makatayo ay siya namang tumba nito.

Pinulot ko ang nabitawan nitong papel at saka inabot sa kaniya.

Hindi parin siya umiimik at nanginginig na kinuha ang papel.

Ano bang problema nito?

Naupo ako sa harap niya habang hawak hawak parin ang papel na parang mas nagpatakot pa rito. Mabilis nitong hinila ang papel at nilukot. "Ano bang – " napatigil ako sa pagsasalita nang biglang may humawak sa aking braso.

"Halika na." anito sabay hila sa'kin patayo.

"Teka— Ikaw yung..."

"Tara na!" pagpigil niya sa akin.

Binitiwan niya ang aking braso at saka naglakad paalis.

Anong nangyayari?

Nalilito ako at parang may bagay akong nakalimutan.

"Tara na!" pagtawag nitong muli. Wala na'kong nagawa kundi sumunod dito, pero bago pa ako makalagpas sa pintuan napagtanto ko na kung nasaan ako ngayon.

Nilingon kong ulit yung lalaki at sunod ang hawak nitong papel.

Iniisip ko lang kung...

Nangangatog akong tinititigan ng lalaki. "Akin bayon?" aniko.

Joy Janseen,

Death time: 12:45 pm. April 23 2020

4 Nights n' 3 Days Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon