HotLS8: Drown by his thoughts

159 4 0
                                    

Short update...

___________________________________
*Ken

Nasa bahay na ako ni Luke at hayun nga ako nalang pala ang kulang at nagsimula na silang magkasiyahan.

"O pare, ba't ngayon ka lang, kanina ka pa namin hinihintay." Bungad ni Luke sa akin pagkakita niya pa lang.

"Nagkaroon lang ng problema, pero okay na. By the way, Happy birthday dude." Paliwanag ko at bati na rin sa kanya sabay tapik sa balikat niya.

" Salamat dude. Oo nga pala, balita ko may babae ka na naman sa unit mo a?" Pangangantiyaw ni Luke.

"Hahaha..." i sarcastically laugh. Bakit no'ng binanggit niya iyon iba ang naalala ko. Siya. Nung una ko siyang makita sa Penthouse ko sa Korea. Si Sakura.

(Nasa multimedia po ang pic ni Sakura.)

Hindi ko man aminin, alam ko sa sarili ko na hindi na siya maalis sa isip ko. Ang lakas ng hatak niya sa akin.

"Dude!" Tapik sa akin ni Andrew, nandoon na din sina Alex at Kevin.

"Hahaha... What happen to you dude, tulala ka?" Tanong ni Kevin isang musician pero sobrang babaero.

"Pare, hindi ba halata? He is drown by his own thoughts?" ungos naman ni Andrew.

Napapailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila.

"Tigilan niyo nga ako, mag-enjoy na lang tayo, birthday ni Luke ako kinukulit niyo. Hahaha..." paglilihis ko ng usapan, hindi pa ito ang tamang panahon para ikwento sa kanila ang pinagdadaanan ko.

"Sige- sige, pero pare, ito tandaan mo andito lang kaming mga kaibigan mo kung gusto mo ng listener, one call away brad ..." suhestisyon naman ni Luke sabay nag-apiran pa silang apat, mga mokong talaga, pinagka-isahan pa ako.

"Pero dude, maganda ba?" Pangungulit ni Andrew.

"Oh, stop it guys... 'yon? Ang maldita nga no'n. Ha?!" Bulyaw ko pa.

"Dude, tinanong ko lang kung maganda, haha..." lumingon pa siya kina Andrew."I'm not asking kung anong klase siyang babae, you look too defensive Ken." Tatawa-tawa pa niyang sambit.

I was caught off guard, napaiwas ako ng tingin sa kanila, this guys don't know how to stop.

Umalis ako sa pagkakakumpol naming magkakaibigan malapit sa pintuan at tinahak ko ang direksyon papunta sa may sofa.

May lumapit sa aking babae, masasabi kong makinis at maganda ang babaeng lumapit, but i'm not in the mood.

Iminuwestra ko ang aking kamay senyales na lumayo siya sa akin.

Isa-isa nang nagsilapitan ang mga mokong na ngiting-ngiti  na halatang nakakaloko.

"Hoy... Hoy... anong ngiti yan?" Tanong ko ng kinakabahan habang tinuturo sila.

"Hoy Ken, iba ka yata ngayon? Ngayon ka lang namin nakitang tinanggihan ang babae." Nakakalokong usal ni Alex.

Shit! Kasalanan ito ng babaeng iyon.

"Guys, wala lang ako sa mood." Pagdadahilan niya habang naka-diin ang mga daliri sa kanyang sentido.

"Hindi pa kita nakitang ganyan ka frustrated dahil sa isang babae, who is the girl na ginagawang magulo ang utak mo, ha pare?" Pag-uusisa ni Andrew.

"Okay, look. She is not that important para paglaan natin ng time, let's forget that woman and celebrate Luke's birthday. C'mon..." pang-eengganyo ko.

"Bahala ka nga, haha, halata ka namang umiiwas e." Pahabol pa ni Kevin bago sila tumayo at pumunta sa gitna para sabayan ang tugtog na umaalingawngaw sa buong kabahayan.

Malalaman ko rin ang tunay na nararamdaman ko kapag nagkausap na tayo, tadhana nalang ang maglalapit sa atin, Sakura...

___________________________________
I know, i know, pero yan lang po talaga ang nakayanan ko this ti.e, babawi nalang po ako next time, pasensya na po talaga.

Thank you and God bless...

UNEDITED!

01/29/15

_DARKFAE

Heiress of the last Samurai (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon