"Sino kaya to?" Sabi ko sa sarili ko.
Naka offline naman siya.
Di matanggal sa isipan ko. Haaay!
"Hello. Sino sila? Kilala ba kita?" Sabi ko sa chat sa facebook.
-
Pagkatapos kong mag facebook saglit ginawa ko na yung mga requirements ko.
It's 6:45pm na. Medyo naaamoy ko na yung niluluto ni mommy.. Kaya bumaba na ko sa sala para makita kung ano ang niluluto ni mommy.
"My, ano ulam?" Sabi ko.
"Your favorite, sinigang na hipon!"
"Kyaaaaaah! My favorite.. ^O^ malapit na po ba yan maluto?"
"Yes, anak. Maglagay kana ng mga plates sa table."
"Yes ma. Mommy, dumating na po ba si kuya?"
"Hindi siya uuwe ngayon. Nagpaalam na siya sa dad mo."
"Ganon? Hmp. Ang dayaaaa! Sabi kase ni kuya bibigyan niya daw ako ng chocolate. Hmmmp! (>_<)"
"Wag kna umasa sa kuya mo.. alam mo nman yun." Patawang sabi ni mama.
"Oh? Andito na ang daddy mo at si Liza."
"Hi ateeeeeee! *^O^*" sabi ni Liza.
"Hello. Nag-aral ka ba mabuti ha? Liza?"
"Opo. Hihihi"
"My, dy, kain na tayo.. gutom na ako."
Sabay-sabay na kami kumain ng hapunan. Naka dalawang balik ako.
---
Pagkatapos nmin kumain ng hapunan, dumiretso nako sa kwarto. Nag youtube lang ako saglit at nagfacebook. Pagkabukas ko, nag message ulit siya sakin. Pero naka online pa din siya.
"Magkaperahas pala tayo ng school?" Chat niya sakin. Agad ko itong nireplyan.
"Oo. Pero di kita kilala sa campus. Transferee kaba?"
Ang tagal magreply. Maya-maya..
"Hmm. Oo. Pero dati nag-aral ako sa campus nung 1st year at 2nd year. Pero 3rd year lumipat ako. Sige, bye. :)"
Icchat ko pa sana siya kaso naka offline na sya.
Sana makita ko ba siya in personal. Para walang bumabagabag sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
"Blessing in disguise"
Ficção Adolescente~PROLOGUE~ Ang buhay ay parang gulong.. Minsan, nasa taas kung saan masaya ka.. Minsan naman, nasa baba kung saan malungkot.. at masasaktan ka pa.. Paano kung nawala sayo ang taong minamahal mo? Makakamove on kaba agad-agad? Matatanggap mo ba ang pa...