CHAPTER 7:

15 3 0
                                    

Hi guys! Wala akong inspiration para gumawa ng story. Haha! Di ko ramdam e. Basta guys, keep on voting, commenting and sharing. Atsaka po pala, pa follow po! Salamat. Mwaaaaaaaaps!
-------

Pauwe na kami ni Lea. Pero napag isipan namin na mag mall kami kahit saglit. Para naman maaliw aliw ako ng konti. Medyo badvibes padin kase ako. Habang nag aabang kami ng masasakyan, kasi wala si manong driver, may isang sasakyan ang huminto sa harapan namin.

"Saan ba kayo pupunta?" Sabi ni Jacob.

"Sa mall. Bakit?" Sagot ni Lea.

"Ayyy! Dun din ako pupunta e. Sabay na kayo sakin." Sabi ni Jacob.

"Ahh. Hindi na! Kaya naman namin e. Diba, Lea?"

"Nagsisinungaling ka nanaman! Kanina nga ayaw na ayaw mong maglakad e." Biglang panlalaki ng mata ko kay Lea.

"Yun naman pala e. Wag kanang choosy!" Sabay sabi ni Jacob.

Kaya wala na akong nagawa. Binuking ako ni Lea e. Haaaay! Pati ba naman ngayon kailangan maging ganito?! Kailan ba matatapos to?

Nang makarating kami sa mall. Bumili muna kami ng mga school supplies sa NBS (National Book Store) atsaka bumili ba din ako ng mga pwedeng basahing mga libro. I like reading books like novels. Si Lea naman bumili din ng mga kailangan niya. Ewan ko lang kung nasaan yung isa pa naming kasama.

"Uy!" Sabi nung nasa likod ko. Yun pala yung mokong na laging nang-iinis -_-

"Ano nanaman?! Tanong ko lang sayo.. bakit gusto mo ako laging inisin? Ano ba ginagawa ko sayo?! Alam mo nung di pa kita nakikilala, ang tahimik ng buhay ko. Alam mo ba yun?!" Sabi ko sa kanya nang may kasamang inis.

"Grabe ka naman sa akin. Ako na nga yung nagiging mabait sayo tapos ikaw ang sungit sungit mo pa din. Ikaw tatanungin din kita, bakit napakasungit mo?! Akala ko ba friendly ka?! Ganyan ba ang friendly?! Nang-aaway?!"

"Alam mo kung bakit ako masungit ha? Kase sa lahat pa ng babaeng nakita mo, ako pa ang napili mong asar-asarin buong araw." Sabay irap ko sa kanya.

"Ewan ko sayo. Basta yung usapan natin. Kung gusto mo gumawa tayo ng kontrata?"

"Kontrata?! Sigurado kaba diyan?!" Pagtatakang sabi ko.

"Oo. Di ba pwede?!"

"Bahala ka nga. Haaaaay! Nababaliw na ako sayo."

"Oh? Bessy, tapos kana mamili?" Singit ni Lea.

"Oo. Tara na!" Sabay irap kay Mokong.

Alam niyo, di bagay sa kanya yung pangalan niya. Kase yung pangalan niya, pang mabait! Pero siya?! Haaaaay. Juice colored!

Pagkatapos namin mamili sa NBS, dumiretso na kami sa Jollibee. Oo, mayaman kami pero di ako mahilig pumunta sa mga mamahaling restaurants. Masyadong magastos! ^O^

"Oh? Anong gusto niyong kainin?" Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Malinis ba dito?" Sabi naman ni Jacob.

"Oo naman. Tss!"

"Sige. Ako na magbabayad. Ako na bahala. Dito ka nalng. Ako na mag oorder." Sabi ni Jacob.

Nung nakalayo-layo na siya. Nag usap muna kami saglit ni bessy.

"Uy bessy, ang bait niya no?" Sabi ni bessy na parang kinikilig.

"Tss. Kung alam mo lang. Porket kasi nasulsulan ka e. Haaaaays!"

"Hala? Grabe ka naman sa kin. "

"Nakakainis na kase siya e. Lagi niya ko iniinis. Di mo lang alam. Balak nga niya na gumawa kami ng kontrata e. Magpapanggap na nga lang, kailangan may kontrata talaga yun?!"

"Hahahaha! Hayaan mo nalang bessy. Infact, bagay kayong dalawa. Promise. Walang biro!"

"Ano ka ba naman, bessy! Umayos ka nga! Pwede?! Hindi kami bagay."

"Bahala ka nga! Oh? Ayan na pala. Kanina pa ako gutom e."

Tahimik kaming nagsikain. Walang gustong magsalita. Ewan ko ba, iba ang feeling ko. Sa table, katabi ko si bessy. Tapos kaharap ko yung mokong at yung katabi niya ay yung mga pinamili namin kanina.

"Ang tahimik niyo naman kumain! Walang gustong magsalita, ganon?" Sabi ni Lea.

"Wala ako sa mood. Kayo nalng mag-usap. Atsaka gutom ako."

"Nga pala, remind ko lang ha? Yung gagawin nating kontrata mamaya. Dun sa condomenium ko nalang." Sabi ni Jacob.

"Oo na. Paulit-ulit! Haaaay."

"So guys, hindi na ko makakasama ulit sa inyo mamaya ha? Papagalitan ako ni mommy e. Ikaw naman Jill, ako na bahala sa mommy mo. Sasabihin ko may gagawin kayo ng kaklase natin kaya magagabihan ka ng uwe."

Hindi na ako nakaimik. Wala naman kase talaga ako sa mood ngayon makipag-usap. Buong araw inis na inis ako! Juice colored. -_- huhuhu. Sana hindi nalang ako nakilala ng mokong na to. Nakakairita na siya. Alam niyo ba yun? Oo, gwapo siya pero di tugma sa ugali niya. Kahit sa paglalakad namin papuntang parking lot, hindi ako nagsasalita. Tapos umakbay pa sakin tong katabi kong mokong. Kahit wala sa school, bakit? Madami ba talaga sa kanya nakakakilala. Sabi pa ng ibang babae kanina, "Girlfriend niya ba yon?", "Di sila bagay.", "Ang landi ng babaeng yun oh!". Grabe no? Titigilan nga siya, ako naman pag gigirian ng mga babaeng yon. Kailan ba matitigil to?

Habang nasa kotse na kami pauwe, silang dalawa lang ang nag-uusap. Kung anu-ano lang naman pinag-uusapan nila. About sa favorites nilang food, music at kung anu-ano pa!

"Uy, dito na ako bababa ha? Ako na bahala sa mommy mo ha? Ingat sa inyo! Hahaha!"

"Sige. Ingat! Babye!" Sabi ko.

"Oh? Sa condomenium tayo ha?" Sabi ni Jacob.

"Oo na nga! Paulit-ulit. Nako naman!"

"Bakit ka galit?! Sinasabi lang naman e."

"Ewan ko sayo! Tss."

"Oh, nandito na tayo Ms. Sungit!"

Hindi na ako nagsalita pa. Ang masasabi ko lang sa condomenium niya ang ganda. Sobra!

"Goodevening, sir!" Sabi nubg isang employer.

"Sa inyo ba to?!" Tanong ko.

"Oo, sa amin to."

"Ahh."

Nung makarating na kami sa condo niya, agad niyang ibinababa ang dala niyang bag. At tinanggal niya ang uniform niya sa harapan ko.

"Waaaaaaaaaaaaaah! Pumunta ka nga sa banyo! Wala bang cr dito para dun ka magtanggal ng damit mo. Kita mong may tao dito e!"

Nung hinubad niya na ang uniform niya, my gaaaaaaaawd! Meron siyang abs. Ang hot niya tingnan. Pero di ko pinahalata syempre. Di naman ako ganong babae e.

"E kung ayaw mo makakita ng katawan, bakit ganyan ka makatingin?!"

"Haaaaa?! A.. E.. Hindin naman e. Tss! Feeler ka alam mo yun?! Tss. Atsaka kalalaki mong tao, di mo alam ang cr."

"Ewan ko sayo. Paki mo ba? E dati pa akong ganito. May magagawa ka ba ha? Oh, okay na. Humarap kana! Arte mo. Ikaw na nga ang libreng tumingin sa maganda kong katawan."

"Excuse me.. For your information, hindi ako maarte gaya ng iniisip mo. At pangalawa, I'm not interested na makita yang katawan mo. Okay? D ka naman ganun kamacho. Tss!"

"Ewan ko sayo. Wait lang sungit ha? Magluluto muna ako ng kakainin."

"Mas maigi nga yon. Para masiyahan naman ako sa ginagawa mo!"

"Blessing in disguise"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon