CHAPTER 8:

23 3 0
                                    

Hi guys! Chapter 8 na po tayo. Medyo naiinspire na ako promise. Hahaha! Medyo boring nga lang ngayon pero I will make sure guys! Magagandahan kayo sa story pag pinagpatuloy niyo basahin ang story ko. Hahaha! Keep on voting, commenting or sharing. Pafollow na rin po. Ifofollow back ko din po kayo! Iloveyou guys! Salamat.
-----

Habang nagluluto si Jacob ng kakainin namin, ako naman ay nanonood lang. Hahaha! Galing no? Tamad ako. Minsanan lang naman to e! Kasi lagi din ako tumutulong sa mga kasama namin sa bahay na gumawa ng gawaing bagay. Oo, nabibigay lahat sa amin ng mga kapatid ko pero di nila kami pinalaking spoiled. Karamihan kasi sa mga mayayaman, ang mga anak nila iniispoiled nila.

Medyo naaamoy ko na yung niluluto niya. Feeling ko sinigang na hipon. Hahaha! Yummy yummy. Kahit ganito ako kapayat, malakas ako kumain di nga lang halata!

Habang nanonood ako, nafefeel kong lumalakas ang ulan sa labas.

Nang makita ko..

"Hala? Ang lakas ng ulan sa labas. Paano ako makakauwe nito? Lagot ako kay mommy at daddy. Tss!"

"Edi dito ka muna matulog." Sabi ni Jacob.

"Anong pinagsasasabi mo dyan? Pwede ba, tumigil ka dyan?!"

"Ikaw na nga tong pinaglulutuan at tinutulungan ikaw pa ang galit!"

Hindi na ako nag response pa ulit. Then, may isang incoming call sa cellphone ko at si mommy yun.

"Hello mommy?"

"Anak, nasaan ka?"

"Ahmm. Ah.. Ehh.. Nandito po sa bahay ng kaklase ko."

"I know. Sinabi na ni Lea sa akin. Paano ka makakauwe?! Ang lakas-lakas ng ulan sa labas."

"Hindi ko rin po alam, mommy. Andyan na ba si daddy?"

"Wala pa. Ganito nalang, diyan ka nalang makitulog okay? Kasi umuulan. At kung mapaano kapa sa labas niyan. Pwede ba sa kaklase mo?"

"Actually mommy, sabi nga din ng mommy ng classmate ko dito nalang muna ako makitulog. Kasi nga daw po ang lakas ng ulan. Tatawagan ko na po sana kayo kaso, tumawag din naman kayo."

"Ganon ba? Sige. Diyan ka muna ha?!"

"Yes mommy. Ingat po! Iloveyou, mommy!"

"Iloveyou too."

Pagkatapos namin mag-usap ni mommy napapansin ko na nakatitig sa akin si Jacob.

"Oh? Bakit ka nakatitig sa akin?!"

"Paano ba yan, dito ka matutulog. Makakatulog ka ba ng maayos. Hahaha!"

"Ano naman?!"

"Wala. Nga pala, eto muna suotin mo. Wala akong pambabae na damit e. Doon ang cr."

"Malamang. Talagang wala kang pambabae na damit. Lalaki ka e! Depende nalang kung bakla ka at ayaw mo lang malaman ng ibang tao. Hahaha! Bakla! Bakla! Behlaaaaaat." Pang-aasar ko.

"Ewan ko sayo. Masasabihan mo pa kaya ako ng bakla pag hinalikan kita?"

"Ewan ko sayo. Sige. Magbibihis muna ako."

Di na siya nagsalita pa. Kaya dumiretso na ako sa comfort room. Pagkatapos ko magbihis, pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Pano ba naman kasi, ang suot ko ay mahabang tshirt dahil panlalaki at maikling short. Halos makita ang mga legs ko kaya parang ayaw ko lumabas ng banyo nahihiya ako magpakita.

"Hoy! Miss Sungit, kanina ka pa dyan ha! Kakain na tayo. Lumabas ka na!" Sabi ni Jacob

"Oo na. Lalabas na!"

Pagkalabas ko..

"Woah!" Tiningnan niya ako simula ulo hanggang paa.

"Bakit?" Hiya kong sinabi. Na parang tinatago ko yung legs ko.

"Ahmm.. Tara! Kumain na tayo." Sabi ko. Galing ko sumeg way! *^▁^*

Habang kumakain kami, daldal siyang daldal. Kwento ng kwento! Pero di ako nagsasalita. At napaisip ako. Ang galing niya pala magluto. Ang sarap niya magluto. Haha! Kaya, naka 2 plato ako. Haha!

"Oh? Bakit di ka nagsasalita?"

"Ahmm. Wala! Ang galing mo pala magluto."

"Sus! Wala yon. Basic lang yan! Siguro ikaw di ka marunong magluluto no?" Pang-aasar niya.

"Yabaaaaang mo! For your information, marunong akong magluto. Ano akala mo sa akin ha?"

Pinagtawanan niya ako. G

Ewan ko kung bakit! Nakakainis na talaga siya. Alam niyo yun? Nako. Pag hindi na talaga ako makakapagtimpi diyan masasampal ko yan. Grabe siya sa akin. Lagi niya nalang ako inaasar. Halos araw-araw. Walang kahintuan. Pagkatapos namin kumain, pumunta pa ulit siya sa kusina para naman magluto ng popcorn. Mag momovie marathon daw muna kami. Medyo inaantok na nga ako e. Because it's already 8:45 pm. At kapag nasa bahay ako, mas maaga pa ako natutulog ng ganito.

"Jacob, gisingin mo nalang ako pag tapos kana at pag mag uumpisa na yung panonoorin natin ha?" Pasigaw kong sinabi.

"Oo. Gigisingin kita!"

---
Jacob's POV:

Pagkatapos ko magluto ng popcorn, dumiretso na agad ako sa sala para magsimula na ang movie marathon at para magising na yung babae dun. Nung lumabas siya galing banyo, ang sexy niya tingnan. Yeah! Pero di parin mababago ang balak ko.

Pagdating ko sa sala, ibinaba ko abg dala kong popcorn at ginising na si Jill.

"Uy.. Gising na.. Uy!" Sabi ko.

Pinagmasdan ko muna ang mukha niya, para siyang isang anghel sa ganda niya. Natetempt akong halikan siya.

"Oh? Bakit ka nakatitig sa akin? Tapos mo naba lutuin yung popcorn?"

"Ha? Ah.. Eh.. Wala! Ang tagal mo kasing gumising e. Tulog mantika ka pala. Tumayo kana dyan, magsisimula na tayo mag movie marathon."

Agad siyang tumayo at umupo nalang sa may sofa.

Habang inaayos ko na yung papanoorin namin, nagtanong siya.

"Ano ba papanoorin natin?" Tanong nito.

"Horror. Alam mo yung deathbell?"

"Hala? Ayoko. Mamaya baka kung anong mangyare."

"Don't worry. Andito naman ako e. Chillax ka lang. Ako bahala sayo." Medyo nabigla din ako sa sinabi ko sa kanya. At alam ko ring nagulat din siya sa sinabi ko.

Habang nanonood kami kain lang kami nang kain ng popcorn halos paulit ulit nalang ako pumupunta ng kitchen para lang magluto ulit ng popcorn. Nang babalik ulit sana ako sa kitchen, nagsalita siya.

"Hoy! Saan ka pupunta? Wag mo ko iwan dito. Natatakot na ako! Akala ko ba ikaw bahala sa akin?" Sabi niya.

"Pupunta lang ako sa kitchen. Kain ka kasi nang kain e! Alam mo para kang bata! Alam mo ba yon?! Porket sinabi ko lang na ako bahala sayo, naniwala ka naman?!" Bigla akong dumiretso sa kusina. Alam kong napakahard ng sinabi ko. Yun lang kasi ang paraan para di ako mafall sa kanya. Baka kasi masira ang plano ko once na mafall ako sa kanya. Feeling ko na nga ngayon, CRUSH KO NA SIYA.

"Blessing in disguise"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon