Dahil minsan ang pag ibig...
Ay hindi ang mga rosas kundi ang bawat tagong sulat sa ilalim ng unan
Mga salitang ibinaon dahil hindi sigurado sa kanilang pupuntahan
Hindi sa matapang na pagtitig kundi nasa mga nakaw na tingin
Minsan wala naman ito sa mga makukulay na larawan kundi sa bawat mapusyaw na alaala
Minsan wala ito sa bawat matatamis na awit kundi nasa malulungkot na tono ng kahapon
Minsan ang pag ibig ay wala sa mga pagtawa kundi nasa mga luha sa gitna ng karimlan
Ang pag ibig minsan ay wala sa panunumbat kundi nasa tahimik na pagpapatawad
Minsan ang pag ibig ay wala sa mga bagay na nakasanayan
Maaaring ang pag ibig ay wala sa mga maliligayang araw kundi sa bawat madilim na kahapon na ating pinagdaanan
Minsan ang pag ibig ay hindi lang sa pagsasabi ng mahal kita
Madalas matatagpuan ito sa mga bagay na hindi naman natin pansin
Sa mga bagay na pinapadaan lang sa paningin
Minsan ang pag ibig ay higit pa sa damdamin
Na wala namang tiyak na sukat o halaga
Maaaring naroon ito sa mga sakripisyo
O sa bawat sugat sa ating puso
Minsan wala naman ito sa pananatili pa
Dahil minsan...
Ang totoong pag ibig ay nasa pagpapalaya...Mahanap mo sana ang isang pag ibig na mapagpalaya
YOU ARE READING
A Safe Place Inside My Head
PoetryA compilation of my prose and poetry. The breathing place of my chaos and the haven of my unheard thoughts