Don't forget to drop your comments :) :) :)
Lalo na po ang VOTES ^_^ ^_^ ^_^
Thank you!
..............................
Teaser
Marrying him is what she really hates.Kaya naman pilit niyang inignora ang prisensya ng binata.Pilit niyang inuukilkil sa puso't isipan na galit siya rito.Pero bakit nang hindi ito umuwi ay sobra siyang nag-alala? Galit nga ba talaga siya sa asawa o nag-gagalit-galitan lang siya?
>>>>>>>>>>
"Tok! Tok! Tok!"
Katok sa pinto ng silid ni Leah ang pumukaw sa nahihimbing pa niyang diwa.Alam niya kung sino na naman ang kay aga-agang ng-iistorbo sa mahimbing niyang pagtulog.Inis siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama at agad na tinungo ang pinto.Padaskol niya iyong binuksan.
"Good morning ho—-"
"Ano ba ang kailangan mo ha? Ang aga-aga ng bubulabog ka! Hindi mo ba alam na sa mga ganitong oras ay tulog pa rin ako?" putol niya sa anumang sasabihin ng binata.Kaya naman, ang malapad na ngiting nasilayan niya sa mga labi ng kaharap ay naglahong parang bula.Bigla ay parang na guilty siya.
No! Hindi ko siya dapat kaawaan.
n
Agad naman niyang paalala sa sarili.
"G-ginising lang naman kita para sabihing ready na ang breakfast natin.Halika na, 7:30 na at late na para sa agahan." Malumanay nitong wika.
"Hindi ako gutom!"
Pagkasabi niyon ay agad niyang isinara ang pinto.Bastos na kung bastos.Patakbo niyang tinungo ang kama at padapang nahiga roon.
"I hate you Philipe Sarmento! I hate you so much!" humahagulgul niyang wika."Pinagkatiwalaan kita pero anong ginawa mo?"
Philip is her bestfriend and now her husband.Mula pagkabata ay magkaibigan na sila ng binata.Mayaman ito at siya naman ay mahirap lang.Kaya kung kinakapos sila, agad namang nag-aalok ng tulong ang mga magulang nito.Hindi kasi arogante ang mga magulang ni Philip.Bukas lagi ang palad ng mga ito upang tumulong sa mga kapos palad.Ngunit hindi iyon naging hadlang para sa pagkakaibigan nila.Hanggang sa pagtungtong niya ng college ay kasama pa rin niya ang binata.Kung saan kasi siya nag e-enrol, doon din ito.A head lang ito ng isang taon sa kanya.Mabait si Philip, maalaga, mapagmahal, lahat na yata ng katangian ng isang lalaki na pinapangarap ng isang dalaga ay taglay na nito.Wala sa hinagap niya na hindi lang pala kaibigan ang turing nito sa kanya, bagkus ay higit pa roon.Nalaman na lang niya ang bagay na iyon nang i-anunsyo sa kanya ng mga magulang na kailangan niyang pakasalan si Philip.Dahil sa pagkabigla ay hindi siya agad nakapag-react.Kaya nagkaroon ang mga magulang niya ng pagkakataon na makapagpaliwanag.Dahilan ng mga ito wala namang problema dahil kilala na raw nila ang isa't-isa.Bukod doon, malaki rin ang utang na loob ng mga magulang niya sa mga Sarmento.Pero kahit na pumayag siya, still, galit pa rin siya sa binata.Akala niya kasi, malinaw dito na magkaibigan lang sila.At alam nito na may nobyo siya.
Nasa kalagitnaan pa rin siya ng pag-iyak nang muling kumatok si Philip sa pinto ng kanyang silid.
"Honey, halika na please.Kailangan mo ng mag-breakfast!"
Rinig niyang tawag ng binata mula sa labas ng kanyang silid kaya umayos siya ng pagkakahiga.
"Ayoko sabing kumain eh!" Paangil niyang sigaw.
"Please, baka magkasakit ka."
"Hindi mo ba talaga ako tatantanan ha Philip?"
"Pero—-"
"Ayoko! Ayoko! Ayokong kumain.Hindi ka ba makaintindi?"
Inis na inis na siya sa kakulitan nito.Maya-maya lang ay may narinig na siyang papalayong mga yabag.Kaya nakahinga siya ng maluwag.Buti na lang sumuko rin ito.Pabuntong hiningang ipinikit niya ang mga mata.Hindi niya namalayan na naidlip na siya.
Naalimpungatan lang siya nang biglang sumakit ang tiyan niya.
"Ouch!" Daing niya.Kumakalam na ang sikmura niya.Noon lang niya naalala na hindi pala siya nakapag dinner kagabi.Agad na siyang bumangon at tumuloy sa ibaba.Agad niyang tinungo ang dining room at para lang magulat sa kanyang nadatnan.Si Philip, nakapatong ang mga braso sa lamesa at doon umunan.Kayhimbing ng tulog nito.Dahil sa pagkabigla ay para tuloy siyang itinulos sa pagkakatayo.Kaya hindi niya namalayan ang paglapit ni Aling Puring.
"Kanina pa riyan ang batang 'yan."
Gulat siyang napalingon sa nagsalita.
"Kayo po pala Aling Puring! Kayo naman po, bigla-bigla na lang kayong sumusulpot." Pagbibiro niya.
"Sorry kung nagulat kita."
"Okay lang po.Siya nga po pala, k-kumain na po ba siya?" tukoy niya sa binata.
"Nako! Hindi nga niyan ginalaw ang mga nakahain diyan sa lamesa eh.Hinihintay ka yata."
Oh God!
Hindi niya mapigilang mag-alala.
"S-Sigurado po kayo?"
"Oo Hija, parati niyang ginagawa 'yan.Kapag ayaw mong kumain nagtiyatiyaga pa rin siyang hintayi ka."
Alam ko po.Madalas nga po niyang gawin ito noong nag-aaral pa kami.Pero hindi ko naman akalain na gawain pa rin niya iyon hanggang ngayon.
Sa loob-loob niya habang matiim na nakatitig sa binata.
"Sige, maiwan ko na kayo.Gising mo na lang siya nang makakain na ang batang 'yan."
"O-Opo."
Nang makaalis si Aling Puring ay mataman niyang pinagmasdan ang himbing na himbing na asawa.Napaka-amo ng mukha nito.Para itong anghel na natutulog.
"Haist! Ano bang ginagawa ko?" Bigla ay sita niya sa sarili." Bahala ka nga riyan!" Sabi niya sabay talikod.Akmang hahakbang na siya.
Makonsensya ka naman Leah! Hinintay ka ng tao oh tapos basta-basta mo na lang iiwan?
Pangungunsensya ng isang bahagi ng utak niya.Tila naman natauhan siya, napapalunok na muli siyang humarap sa binata 'tsaka niya ito sinimulang gisingin.
"Philip! Philip! Gising!" bahagya niyang niyugyog ang balikat nito.
Pupungas-pungas itong nag-angat ng mukha.
"Hmmm? O! Gising ka na pala?" tila agad itong nahimasmasan pagkakita sa kanya. "Sandali ha, iinitin ko muna ang ulam." 'tsaka mabilis itong tumayo at nagtungo ng kitchen dala-dala ang ulam.
Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik na ito.
"Sorry kung natagalan ako." Hinging paumanhin nito.Hindi siya nagsalita.
"Kumain ka ng marami ha." Tila ganadong-ganado nitong wika habang nilalagyan ng kanin at ulam ang plato niya.Hindi na lang siya nagsalita pa.Mabilis pa kasi sa alas-kwatro kung asikasuhin siya ni Philip.Pilit niyang binabalewala ang presensya nito.
"Ahm, honey—-"
"Pwede ba Philip, huwag mo nga akong tawagin ng ganyan! Ang sakit sa tainga!" Pagalit niyang wika.
"O-okay.I'm sorry." wala na ang sigla sa boses na wika nito.
"L-Leah, gusto mo bang sumama sa akin mamasyal mama—-"
"Ayoko!"
"Hindi ka ba na bo-bored dito sa bahay?"
"Hindi!"
Mabilis niyang sagot habang patuloy sa pagsubo.Pero ang totoo, matagal na siyang nabuburyo sa loob ng tahanang iyon.Isang lingo na rin kasi siyang nagkukulong sa silid niya.
"I-I see."
"Sige, tapos na ako."
Pagkasabi niyon ay agad na siyang tumayo at walang sabi-sabing iniwan ang nakangangang binata.
BINABASA MO ANG
Sweet Embrace(COMPLETED)
RomanceMarrying him is what she really hates.Kaya naman pilit niyang inignora ang prisensya ng binata.Pilit niyang inuukilkil sa puso't isipan na galit siya dito.Pero bakit nang hindi ito umuwi ay sobra siyang nag-alala?Galit nga ba talaga siya sa asawa o...