Vomments are much apprecieted!
^_^ ^_^ ^_^
SALAMAT!
.........................
NASUNDAN na lang ng tingin ni Philip ang papanhik na dalaga.
"Galit ka nga sa akin.Ang laki ng ipinagbago mo.A-Akala ko, a-akala ko, maiintindihan mo ako." Tila nahihirapang kausap ng binata sa sarili. "Hindi ko naman akalain na magagalit ka dahil sa ginawa ko.Ayoko lang naman na mawala ka sa akin.Kaya bago ka pa man yayain ni Ronald na magpakasal, inunahan ko na siya.Akala ko kasi maiintidihan mo ako.Masiyado kasi akong nagtiwala sa kabaitang at pagmamahal na ipinakita at ipinaramdam mo sa akin.Akala ko kasi, katulad ko, kahit kaunti ay may pagtingin ka rin sa akin.Na madali mong maiintindihan kung bakit ko nagawa ang ura-uradang disisyon na iyon."
This time, hindi na mapigilan ng binata ang pagpatak ng masaganang luha sa kanyang pisngi.
"A-Ang tanga-tanga ko.Masiyado akong nag-assume na kahit papaano, may puwang din ako sa puso mo."
Tuluyan na siyang napaiyak.Ang sakit kasi sa tuwing maiisip niya na kung hindi lang sana niya pinakasalan si Leah, 'di sana magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon.Na gaya no'ng dati na parang sila lang ang tao sa mundo.Pero ngayon, kahit sulyap ay hindi na nito ipinagkakaloob sa kanya.At iyon ang mas nagpapahirap sa kalooban niya.
KINABUKASAN ay alas-nuwebe na nagising si Leah.Agad siyang naligo at nagbihis ng pambahay.Ganoon siya araw-araw.Lumalabas lang siya ng silid kung wala na si Philip.Maaga kasi itong pumupunta sa office nito.Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama nang biglang tumunog ang cellphone niyang nakapatong sa side table.Agad niya iyong dinampot.
Message from Carmella,
Hai Leah, free ka ba today? Shopping tayo?
Napaisip siya pagkabasa ng text message na iyon galing sa kaibigan at ka batch niya.Wala naman siyang ginagawa kaya okay lang na pumayag siya.Agad siyang nag-reply na payag siyang mag-liwaliw.Agad na siyang nagbihis panlakad at nagmamadaling bumaba.Balak niyang mag breakfast muna.Sa pag-aakalang nakaalis na ang asawa ay agad siyang pumasok sa dining room.
"Saan ang punta mo?" bigla ay tanong ni Philip.
"Ay, kabayo!" Tutop ang dibdib na napahinto siya sa pagbabalak sanang maupo nang marinig ang tanong ng binata.Hindi niya napansin na naroon din pala ito, nakaupo sa isang sulok habang may hawak na news paper.
"May lakad ka?" ulit nito.
"O-Oo, magkikita kami ni Carmella." Sagot niyang hindi man lang nag-abalang lumingon sa binata.
"Hmm.Ikaw lang?"
"Bakit? Huwag mong sabihing sasama ka?" sarkastiko niyang tanong.Noon lang siya lumingon sa binata.
"Anong oras ka uuwi?"
"Wala ka na do'n."
Sumubo lang siya ng kaunting kanin at ulam.Pag-inom niya ay agad na siyang tumayo.Derediretso siyang lumabas ng bahay at tinungo niya ang garahe.
"Bulsh*t!" inis na hinagis ni Philip ang news paper na hawak.Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Aling Puring ang eksenang iyon.Kanina pa pala ito nanonood sa kanila.At mababakas sa mukha nito ang simpatya sa batang amo.
Narating ni Leah ang mall na sinasabi ni Carmella.Pagkaparada niya ay agad na siyang bumaba.Natanaw kasi niya kasi ito na nakatayo sa may entrance ng mall.Marahil ay hinihintay siya nito.
"Hi, kanina ka pa?" agad niyang tanong pagkalapit sa kaibigan.
"Hindi naman, kakarating ko nga lang eh."
"Ah.Teka, tayo lang ba?"
"Oo, hindi raw makakasama si Cristine at Rowena."
"Ay, gano'n ba?"
Si Cristine at Rowena ay kaibigan at ka batch din nila.
"Oo, pero okay lang.Tara pasok na tayo."
"Tara."
Magkaagapay na silang pumasok sa mall.Nang mapagod sa kabibili ay nagpasya silang kumain muna.
"Well, kumusta buhay may asawa?" tanong ni Carmella habang kumakain sila.
"O-Ok lang naman." Pilit siyang ngumiti.
"Haayyy, hindi ko akalain na kayo ang magkakatuluyan ni Philip.Akala ko si Ronald ang makakatuluyan mo." Natatawa nitong sabi.
"Oo nga eh." Nakitawa na rin siya.
Marami pa silang napag-usapan ni Carmella.
"O, sige ha.Kita kits na lang next time."
Palam nito nang huminto sila sa kinapaparadahan ng mga sasakyan nila.
"Sige."
Naghiwalay na sila ni Carmella.Siya naman ay lumapit sa kotse niya, akmang bubuksan na niya ang pinto ng kotse niya.
"Eah?" tawag ng isang pamilyar na boses.Sigurado siya na kilala niya ang taong iyon.Iisa lang kasi ang tumatawag sa kanya ng gano'n.Dahan-dahan siyang humarap.
"R-Ronald?" nanlalaki ang matang bigkas niya sa pangalan nito.
Hindi ito sumagot.Malalaki ang hakbang na tinawid nito ang pagitan nila.At mas nabigla siya sa ginawa nito.Pagkalapit na pagkalapit nito ay agad siya nitong niyakap ng napakahigpit.Halos hindi na nga siya makahinga.
"R-Ronald?" tanging nabigkas niya.
"Oh God! Oh God! I miss you so much." Tila hibang nitong sambit.
"R-Ronald" tila nabibikig niyang bigkas sa pangalan nito.Hindi na siya nakatiis, agad siyang gumanti ng yakap sa binata.Wala silang pormal break up ng binata, basta bigla na lang itong nangibang bansa noong malaman nito na ikakasal siya kay Philip.Hindi rin niya napigilan ang pagpatak ng masaganang luha sa kanyang pisngi.At kung masakit sa kanya ang isiping iyon, dobleng sakit naman ang nararamdaman ng isang pares ng mga matang nanonood sa kanila...
BINABASA MO ANG
Sweet Embrace(COMPLETED)
RomanceMarrying him is what she really hates.Kaya naman pilit niyang inignora ang prisensya ng binata.Pilit niyang inuukilkil sa puso't isipan na galit siya dito.Pero bakit nang hindi ito umuwi ay sobra siyang nag-alala?Galit nga ba talaga siya sa asawa o...