KABANATA 3

6.8K 188 16
                                    

Don't forget to drop your VOMMENTS ha :) :) :)

Thank you po! ^_^ ^_^ ^_^

......................

"May lakad ka ulit?" tanong ni Philip kay Leah nang makita niya itong pababa ng hagdan.Bihis na bihis ito.

"Oo." Matipid nitong sagot.

"Saan? Sino ang kasama mo?" matiim siyang tumitig sa dalaga.

"Si Carmella."

"Sigurado ka?"

Tinapunan siya ng matalim na titig ng dalaga.

"May tinutumbok yata ang mga salita mo."

"Mayro'n nga ba?"

Hindi na ito sumagot.Agad na itong lumabas ng bahay.Maya-maya lang ay narinig na niya ang pagharurot ng sasakyan nito.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Bulsh*t! Bulsh*t! Bulsh*t!"

Hindi na napigilan ng binata ang galit.Tinapon niya lahat ng mga bagay na naabutan ng kamay niya.

"Bakit ba wala akong magawa? Ang tanga-tanga ko! Ang  tanga-tanga ko!" Sargo ng luha ang mga matang sigaw ng binata.Isang linggo na niyang sinusundan ang asawa.Mula nang magtagpo ito at ni Ronald, naghinala na siya.Alam niya kung gaano kamahal ni Leah si Ronald at posibleng magkita ulit ang mga ito.Hindi nga siya nagkamali, bawat paglabas ng bahay ni Leah ay nagkikita ang mga ito.Ang mas nagpapahirap sa kalooban niya ay ang makita itong ngumingiti kapag kausap nito si Ronald.Hinang-hinang napaupo siya sa naroong sofa.

"Diyos ko! Philip, ano bang nangyayari sa'yo?" sa biglang pagdating ni Aling Puring.Agad itong umupo sa tabi niya. "Ano bang nangyayari Hijo?"

"Y-Yaya, m-mahirap ba a-akong m-mahalin? M-masama ba ako? H-hindi ba ako karapat-dapat na mahalin?" umiiyak niyang tanong sa babae.

"Shhhhh! Napaka bait mong bata, alam ko, matututunan ka rin niyang mahalin.Basta maghintay ka lang ha."

Sumandal siya sa balikat nito.

"A-Ang sakit po kasi dito.Ang sakit sakit po." Sabi niyang nakaturo pa ang puso.

"Ganyan talaga kapag nagmamahal ang isang tao.Pero kapag nagtiis ka, sigurado akong mapapalitan din ng saya 'yang lungkot na nararamdaman mo.Magagamot  'yang sakit sa iyong puso."

"T-Talaga po?"

"Oo naman."

Hindi na siya muling nagsalita.Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya dahil sa mga payo ni Aling Puring.

"LEAH, dumating ka na pala.Halika na, dinner is ready." Salubong niya sa papasok na dalaga.Ang totoo, alas nuwebe na ng gabi.

"Kumain na ako." Sabi nitong hindi man lang nag-abalang tumingin sa kanya.

"Pwede ka namang  kumain ulit.Sabayan mo naman ako oh."

"Wala akong balak magpakataba! Kung gusto mong  kumain, kumain ka na!"

Paakyat na ito nang muling lumingon sa gawi niya.

"Siya nga pala, tigilan mo na ang kahihintay sa akin.Dahil wala naman talaga akong balak na sabayan ka sa pagkain." Iyon lang at tuluyan na itong pumanhik.

"Hanggang  kailan ka ba magiging ganyan?" malungkot  ang mga matang nasundan na lang niya ng tingin ang dalaga.

"EAH, kailan ba kayo maghihiwalay ni Philip?" tanong ni Ronald sa kanya habang nakaupo sila sa damuhan.Naroon sila sa Plaza, nakatanaw sa mga batang masayang naglalaro.

"Bakit mo naman naitanong 'yan?"

"You mean, wala ka talagang balak na hiwalayan ang lalaking iyon?"

"Ronald naman." Sabi niyang dahan-dahang lumingon sa binata.

"Bakit? Ako ang mahal mo 'di ba? Bakit hindi mo pa siya hiwalayan? Tayo na lang ang magpakasal." Wika  nito habang gagap ang isa niyang palad.

"Hindi ko pwedeng gawin iyon." Hinila niya ang kamay na hawak nito.

"Ano? Bakit?" gulat nitong tanong.

"A-Ano kasi, Ano, basta.Hindi ko pwedeng gawin iyon." Umiwas siya ng tingin sa binata.Baka kasi mabasa nito ang pagkalito sa mukha niya.Litong-lito na kasi siya, mahal niya si Ronald kaya nga nakipag balikan siya dito.Pero kapag nasa bahay siya at nadadatnan ang asawang naghihintay sa kanya gaano man siya katagal bago umuwi, hindi niya mapigilang maawa.Meron din yung kakaibang damdamin na hindi niya makuhang ipaliwanag kapag pinagmamasdan niya ang maamong mukha ni Philip.

"Hoy!Eah, naririnig mo ba ako?" untag ni Ronald sa kanya.

"H-Huh? A-ano kamo?" Tanong niya nang lumingon sa binata.

"Wala, kalimutan mo na lang ang sinabi ko."

Nagtaka siya kung bakit biglang nagbago ang mood ni Ronald.Bigla itong nawalan ng kibo.

"Tara, lunch muna tayo." Saka nagpatiuna na itong humakbang.Nagtatakang sumunod na lang siya sa binata.

"MAGANDANG gabi Leah." Bati ni Aling Puring sa kanya habang papasok siya ng bahay.

"Magandang gabi rin po.Bakit po gising pa kayo?"

"Uminom lang ako  ng tubig, sige at matutulog na ako."

"Sige po."

Papanhik na sana siya ng may mahagip ang kanyang paningin.Paglingon niya ay nakita niya si Philip na mahimbing na natutulog sa naroon sofa.Sa may living room.Sinipat niya ang relong suot.Alas-otso na ng gabi.Hinintay na naman siya ng binata.Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan nito.Kagaya noon, hindi niya mapigilang titigan ang maamo nitong mukha.Wala sa sariling hinaplos niya ang makinis nitong pisngi.

"Bakit ka ba nagtitiis sa akin? Alam kong nasasaktan ka na.Sana naman, sumuko ka na.Hindi iyong parati kang naghihintay sa pagdating ko.I'm sorry Phil." Sabi niya habang patuloy na hinhaplos ang pisngi nito.

"Hmmmm!" ungol ni Philip.Anyong nagigising na ito kaya agad siyang lumayo.

"Leah? Ikaw ba 'yan?"

"Ah, o-oo.Gigising na sana kita.Sige na, pumasok ka na sa silid mo.Malamok dito eh." Hindi siya aware na may kalakip na pag-aalala ang boses niya.

"Sige, pero teka, kumain ka na ba?"

"Oo.Sige ha, kailangan ko ng pumanhik." Nagmamadali na niyang iniwan ang binata.Hindi niya kasi kayang salubungin ang matiim nitong titig sa kanya.

KINABUKASAN ay maaga siyang gumising.Pababa na siya ng makasalubong ang binata.

"O, nandiyan ka na pala.Gigising na sana kita, breakfast is ready."

"Sige, bababa na rin naman ako." And for the first time siyang ngumiti sa binata.Nakita naman niya ang gulat na rumehistro sa mukha nito.

"O-okay."

Magkasabay silang bumaba ng binata.Nadatnan nila sa dining room si Aling Puring na tila gulat na gulat.Alam niyang nagulat ito dahil ngayon lang siya sumabay mag-breakfast kay Philip.Habang kumakain ay panay ang sulyap sa kanya ng binata.Minsan pa nga ay nahuhuli niya itong titig na titig sa kanya.Pero binalewala na lang niya iyon.

"Heto Leah, tikman mo itong tinolang bangus.Masarap ito." Nakangiti nitong offer sa kanya.

"Sure."

Mas lalo namang napangiti si Philip.Masaya siya dahil kahit papaano, nakasabay na niya muli sa pagkain si Leah.

"Aalis ka ulit?" tanong nito sa kanya nang tanghaling iyon.

"Ahm, oo."

"A-Anong oras ka uuwi?"

"Hindi ko sigurado.Huwag mo na lang akong hintayin." Pagkasabi niyon ay agad na siyang lumabas ng bahay.

Pagka alis ni Leah ay agad na nagbihis si Philip.Hindi niya alam kung bakit may nag-uudyok sa kanyang sundan ang asawa.

Sweet Embrace(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon